Kabanata 12

1K 53 0
                                    

“Excited na ako bukas!” ani Sandra. Sinabi ko sa kanila na sa Palawan kami magc-celebrate ng 19th birthday ko.

Tapos na ang exam kaya okay na din ang mga utak namin. Nasa cafeteria kami at kumakain ng lunch.

Sinabi ko na kila Zymon ang tungkol sa birthday ko. Inimbitahan ko ang mga kablock namin at ang ilan kong mga kakilala. Ang sabi ni dad ay kami-kami lang daw. Hindi daw sila makakapunta dahil lilipad sila papuntang New York kaya inayos na nila ni mommy ang tungkol sa birthday ko.

Mabuti na lang at naging okay na kami ni dad, si mommy na ang kumausap sa kaniya. Sabi ko na nga ba at hindi niya matitiis si mommy, naghanda pa nga sila para sa birthday ko pero hindi sila makakapunta. Naiintindihan ko naman iyon dahil alam kong abala sila sa kanilang trabaho.

“Edi mauna ka,” sabi ko.

Umirap sa akin si Sandra at ngumisi naman si Jaica.

“Tangina mo, okay ka na nga,” sabi niya at umiling.

Tawa naman nang tawa si Jaica ngayon kaya bumaling sa kaniya si Sandra na nakataas na ngayon ang kilay.

“Tawang-tawa girl?” ani Sandra at umirap.

Umiling ako sa kaniya at uminom sa aking milk tea.

Napatingin kami kay Jaica dahil tumunog ang kaniyang cellphone.

“Babe,” aniya sa kabilang linya. Kahit hindi niya sabihin halatang si Carlos naman iyon. Sasama din naman ang mga boyfriend nila bukas. Nakita kong nagtipa din si Sandra sa kaniyang cellphone.

Nice, ako lang talaga ang single dito.

“Saan ba tayo pupunta girl?” Tanong ni Sandra sa akin.

Hindi kasi nagr-reply sa akin si Zymon. Wala na naman kaming klase kaya pupunta kami sa room nila para naman malaman ko kung bakit hindi siya nagr-reply.

“Kila Zymon, hindi kasi nagr-reply sa akin,” sambit ko.

Nakita ko ang pag-ngisi ng dalawa kong kaibigan. Kung ano-ano na naman ang iniisip nila.

“Ampocha, sanaol pupuntahan kapag hindi na nagreply,” sabi ni Jaica.

Tangina.

“Ewan ko sa inyo,” saad ko at nauna nang maglakad.

“Hintayin mo kami, bwiset na babaeng ‘to excited makita si Zymon,” ani Sandra.

Ang lakas talaga ng boses ng babaeng ‘to. Napatingin tuloy sa amin ang mga babaeng nadadaanan namin.

“Tangina mo San, sige pa ilakas mo pa boses mo,” sabi ko at umirap.

Agad namang ngumisi sa akin si Sandra at nag peace sign habang si Jaica naman ay nakatuon ang mata sa kaniyang cellphone.

Nang makarating sa room nila ay nakita ko si Troy na may kausap na dalawang babae.

“Troy!” tawag ko sa kaniya. Lumingon naman agad siya sa gawi namin. Agad siyang tumayo at lumapit sa amin. Nakita ko pa ang tingin sa akin ng dalawang babaeng katabi niya kaya tinaasan ko iyon ng kilay.

All for Love (Salazar Series #1) ✓Where stories live. Discover now