Wakas

1.5K 58 3
                                    

“Kamusta kaya siya?” Tanong ko habang nakatingin sa picture niya na nasa cellphone ko.

“Nakakabaliw ‘yan Zy,” ani Troy at naupo sa tabi ko. Hindi ako nagsalita at tinuon lang ang pansin sa cellphone ko.

Buwan ang lumipas na hindi ko nakikita at nakakausap si Naih. Hindi din kami nagkikita sa UOC. Pati mga kaibigan niya ay hindi ko din makita, halata talagang umiiwas siya. Kasalanan ko din naman, kung hindi ko lang tinago sa kaniya ang lahat ay baka kami pa ngayon.

Nag-usap kami ni tito Alfred at sinabi kong hindi ko kayang pakasalan si Mitsuki. Tinanggap naman iyon ni tito. Hanggang sa nanganak si Mitsuki ay nasa tabi niya ako pero hindi ko siya pinakasalan. Ang akala tuloy ng iba ay mag-asawa na kami. After nung graduation namin ay may lumabas na balita na nagpakasal daw kami ni Mitsuki.

Iniisip ko tuloy kung nabasa din iyon ni Naih. Sigurado akong mas lalo siyang masasaktan kapag nalaman niya iyon at hindi ko kaya na nasasaktan ang taong mahal ko.

Maganda ang anak ni Mitsuki, namana ni Ashianna ang mata ni Mitsuki at ang iba ay kay Lester na. Nung lumaki na si Mitsuki ay inakala niyang ako ang daddy niya. Sinabi pa namin sa kaniya na hindi ako ang totoo niyang daddy, pinakita din ni Mitsuki ang picture ni Lester sa kaniyang anak. Dahil nasanay na sa akin si Ashianna, dada na ang tawag niya sa akin. Kaya madami din talaga ang nag-aakalang anak ko nga si Ashianna.

Ginawa ko ang lahat para makausap si Naih pero sa tuwing makikita ko na siya sa malayo ay kinakabahan na agad ako at nawawalan na ako ng salitang maiisasabi. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kaniya.

Hanggang sa nalaman namin na may sakit si tito Alfred. Nagulat kaming lahat nung araw na iyon, dahil sa sinabi ng Doctor na may lung cancer si tito Alfred. Nung nag-usap kami ni tito ay sinabi niya sa akin na ayaw niyang magpagamot. Kinabahan na ako dahil nanghihina na siya at hindi ko alam kung anong pwedeng sunod na mangyari.

“Nak, siguro hindi na ako aabot ng isang linggo dito.” Napatingin ako kay tito Alfred nang sabihin niya iyon. Araw-araw ay sinasabi niya ito sa amin. Umiiyak na lang si Mitsuki kapag naririnig ito sa kaniyang ama. Sinubukan ko ding sabihin ‘to kay Naih kaya lang hindi pumayag si tito Alfred. Alam niya kasing galit pa sa kaniya ang anak niya.

“Pa, ayan ka na naman po,” sabi ko at umiling.

“May camera ka ba diyan?” Tanong niya na ikinakunot ng noo ko.

“Bakit po? Ivi-video niyo ba ang gwapo kong mukha?” Tanong ko. Umiling si tito Alfred at tumawa.

“Hindi, sira ka,” sambit niya. Kinuha ko ang camera ko dahil sabi ni tito Alfred ay magv-video daw siya para kay tita Lenny at kay Naih.

“At sorry kung hindi kita nagawang mahalin pero totoo ‘yung mga pinapakita ko sa ‘yo ‘yung pag-aalaga na ginawa ko, totoo ang lahat ng iyon. Ngayon ko lang napagtanto na kailangan kita, na mahal kita. Pinangunahan ko kasi ang sarili ko, akala ko kapag bumalik na si Azumi magiging okay na ako pero hindi pala dahil lahat ng pagkukulang ni Azumi ikaw lahat ang nagbigay no’n.” Naiiyak na sabi ni tito Alfred habang kinukuhanan ko siya.

Akala ko ay hindi na magbabago si tito pero nagkamali ako. Natauhan na siya sa lahat ng mga kasalanang nagawa niya sa kaniyang anak at asawa.

“Patawad Len, sorry for everything that I’ve done. I know that it’s too late but I want you to know that I’m really regretting all the bad and wrong I’ve done to you,” sabi ni tito habang seryosong nakatulog sa camera.

Nadala din tuloy ako sa pag-iyak ni tito. Sana lang ay hindi marinig sa video ang pagsinghot ko. Nakakahiya naman kay tita Lenny at Naih kung mapapanood nila ‘to tapos maririnig nila ang pagsinghot ko.

All for Love (Salazar Series #1) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon