ALL FOR LOVE SPECIAL CHAPTER

1.1K 40 2
                                    

“Mommy we’ll buy toys for kuya Ashton and kuya Alistair!” Napatingin ako sa anak ko nang sabihin niya iyon. Zachariah is already 2 years old but still he’s a baby for me. And I’m pregnant again for our second baby.

“Yes baby,” sabi ko sa kaniya. Tumango-tango pa siya at parang may naisip pa dahil muli siyang tumingin sa akin at sa daddy niya na nakahawak sa kamay ko ngayon.

“And for Vann and Chase too!” excited na sabi niya. Napangiti ako doon. Puro lalaki ang mga panganay namin kaya naman agad din silang naging close. Birthday kasi ni Venn ngayon at nasa mall nga kami para bumili ng cake para sa kaniya.

“Zach is really hyper,” sabi ng asawa ko. Tumingin ako sa kaniya at nakitang nakangiti siyang nakatingin sa anak namin. Ngumiti din ako at mabilis siyang hinalikan sa labi.

“Ay hindi ako handa! Isa pa!” aniya. Umiling ako sa kaniya at hinila na dahil mukhang nakakita na ng laruan ang anak namin.

Nakabili na ako ng gift kay Venn. It’s a sexy dress and a chanel bag. Nagpaplano na din kami na pumunta sa Palawan. Sa ngayon kasi ay medyo busy pa kami.

We bought a toys for the kids and after that we bought a cake for Venn. Zachariah’s really excited to meet his cousins. Ngayon lng ulit sila magkikita dahil busy din kami sa trabaho pero gumagawa naman kami ng paraan para makapagkita ang mga bata.

“Careful,” ani Zymon sa akin. Hawak-hawak ko sa isang kamay si Zachariah na excited na para makita ang mga pinsan niya.

Nang makalabas kami ay agad naman kaming sumakay sa kotse. Inalalayan ako ni Zymon na makasakay at pati na din si Zach.

“Let’s go na po dad!” ani Zach. Napangiti ako nang marinig iyon.

“Yes baby,” ani Zy at pina-andar na ang sasakyan. Zachariah is really hyper, sana nga ay hindi na siya magbago at magstay lang na ganun. Baka kasi kapag lumaki na ay maging cold siya at maging masungit. Kamukha niya si Zymon at mukhang sa kaniya din nakuha ang ugali. Sana nga ay hindi niya nakuha ang ugali kong pagiging masungit minsan.

Napatingin ako sa labas at nakitang hindi traffic. Mabuti nga iyon para mabilis kaming makapunta sa mansiyon nila Venn. Alas singko na din ng hapon, siguradong nandun na din sila Chelsie at Aria.

“What’s wrong love?” ani Zy sa akin.

“Nothing,” sabi ko sa kaniya. I smiled at him and he smiled back. Agad ding tumingin sa daan dahil nagmamaneho siya.

Nilingon ko si Zach na nasa likod at abala sa kaniyang mga laruan. Tinitingnan niya din ang regalo para sa kaniyang mga pinsan. Napangiti ako doon. Zachariah being his father. Kuhang-kuha na nga ang mukha ng ama, pati ugali na din. Sana nga ay ganun na lang ayoko na maging masungit si Zach.

Nang makarating kila Venn ay kita ko agad ang mga sasakyan nila. Nakita ko pang lumabas si Caelus at mukhang may tiningnan. Bumusina si Zymon at tumango-tango naman si Caelus. Magpinsan nga.

Bumaba na kami at excited na kinuha ni Zach ang kaniyang mga regalo para sa mga pinsan niya. Binuhat ni Zymon si Zach at dala ang ilang mga laruan para sa mga bata. Kinuha ko na din ang cake at ang gift para kay Venn. Sumalubong sa amin sila Caelus at tinulongan akong kunin ang cake.

“Hello!” bati ni Chelsie sa amin. Niyakap nila ako at nagbeso kami. I also kiss the kids.

“I have a gift for my cousins po!” ani Zy. Napangiti kami ni Zymon doon at hinalikan ko ang anak ko sa pisngi. Niyakap siya nila Venn dahil sa gigil at tuwa.

All for Love (Salazar Series #1) ✓Where stories live. Discover now