Kabanata 14

1K 59 0
                                    

Kumuha na ako ng beer dahil gusto ko na talagang uminom. Nasa labas pa kaming lahat dahil mukhang wala atang kasawaan ang mga kasama ko. Kanina pa sila inom nang inom. Si Zymon naman ay hindi mawalay sa babae niya. Hindi din siya umiinom, hindi kagaya nila Troy na marami na ding nainom ngayon.

Naglakad ako patungo sa may dagat. Malamig pa din ang simoy ng hangin at rinig na rinig ko ang alon na humahampas sa dagat.

Naupo ako at tinanaw ang magandang buwan na nagsisilbing ilaw sa amin.

“Okay ka lang?” Napatingin ako sa tumabi sa akin.

Si Troy.

“Bakit ka interesado?” Tanong ko sa kaniya. Ngumisi siya sa akin at binaling ang tingin sa dagat.

“Ang sungit mo talaga, mabuti na lang at natitiis ka ng pinsan ko,” hindi ko narinig ang huli niyang sinabi dahil hininaan niya ang kaniyang boses.

“What?” Umarko ang kilay ko sa kaniya. Ininom ko ang beer na hawak. Kunti na lang ang laman, ang bilis naman.

“Baka mamaya makatulog ka na ah, wag kang uminom ng marami Nailah,” sabi ni Troy sa akin.

May kakaiba talaga sa mga Salazar na ito, ‘yung ayaw mo silang tingnan dahil naiinis ka sa kanila pero kahit anong gawin mong iwas sa kanila pa din talaga ang bagsak mo. Hindi ko alam kung may gayuma ba ang mag pipinsan na ‘to eh.

“Wag kang masyadong tumitig, baka masuntok ako nun.” Ngumisi sa akin si Troy.

“Lasing ka ba?” Tanong ko sa kaniya. Hindi ko na kasi maintindihan ang lumalabas sa bibig niya, kung ano-ano ng sinasabi.

Tumawa siya at umiling.

“Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo Troy, madami ka na atang nainom,” sabi ko at inubos ko na ang beer na natira.

“Madami nga akong nainom Naih pero hindi naman ako lasing no.” Ngumiti siya sa akin at ngumisi sa aking likuran. Kumunot ang noo ko sa kaniya.

Nilingon ko ang nasa likuran ko at nanlaki ang mata ko nang makita si Zymon. Seryoso siyang nakatingin sa akin ngayon. Ibang-iba sa nakikita kong Zymon na laging nakangiti, ngayon iba ang ekspresiyon ng kaniyang mukha at hindi ko mabasa ang kaniyang mga mata.

“Anong ginagawa mo Troy?” Bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ang kaniyang boses.

Tumawa si Troy sa pinsan niya. “Chill, ito na. Aalis na nga ako,” aniya at tumayo.

Ngumiti sa akin si Troy at tinapik ang balikat ng kaniyang pinsan.

Naramdaman ko ang presensiya niya sa aking gilid. Gusto ko na lang pumasok sa loob para mawala na ang kabang nararamdaman ko ngayon. Bakit ba kasi nandito siya sa tabi ko. Sawa na ba siya kay Mitsuki?

“Nailah,” tawag niya.

Sobrang bilis na ng tibok ng puso ko, pakiramdam ko ay sasabog ito dahil sa mabilis na pagtibok nito. Gusto kong harapin si Zymon ngayon pero hindi ko magawa. Naiinis ako sa pagmumukha niya pero nando’n din ang pakiramdam na gusto ko siyang makausap.

Narinig ko ang pagbuntonghininga niya. Gustohin ko mang harapin ang lalaking kinababaliwan ko ay hindi ko talaga magawa. Nanginginig ang mga tuhod at ang kamay ko.

“Bakit ka galit?” Hindi ko alam kung sa pandinig ko lang ba iyon o talagang malambing lang talaga ang boses ng lalaking ‘to ngayon.

“Hindi ako galit,” malamig na sabi ko.

Sige Nailah, mag deny ka pa.

“Bakit ‘di mo ako pinapansin?” Hinarap ko siya at nanlaki ang mata ko nang makitang sobrang lapit niya sa akin.

All for Love (Salazar Series #1) ✓Where stories live. Discover now