Kabanata 21

948 57 4
                                    

“Hindi mo pa din sasagotin?” Tanong sa akin ni Sandra.

Umiling ako sa kaniya. Vacant namin at nasa gym kami para manood ng practice ng mga boyfriend ng dalawa kong kaibigan.

“Kawawa naman, ilang araw na ‘yang tumatawag ah. Kapag nakakasalubong kayo hindi mo naman pinapansin, daig niyo pa ang magjowa.” Umiling si Jaica sa akin.

Pagkatapos nung nangyari sa cafeteria last last week ay panay na ang tawag sa akin ni Zymon. Panay din ang pag-aabang niya tuwing lalabas kami ng room at kapag uwian na namin. Hindi ko siya pinapansin. Ano, ngayon lang siya maggaganiyan dahil ngayon lang niya napansin na nasaktan nga ako.

“Girl, hindi naman pala totoong magjowa sila Zymon at Mitsuki,” rinig ko sabi ng babae sa likod ko. Bakit ba ang lakas lakas ng mga boses nila.

“Oo nga, hays dare lang pala ‘yung pagpost na iyon. May ibang gusto si Zymon at ganun din si Mitsuki,” sabi pa ng babae.

Hindi ko alam kung maniniwala pa ba ako sa mga narinig ko. Ewan ko, masyado na akong nagugulohan ngayon. Dagdag pa sila mom at dad na madalas ng mag-away. Sigawan nang sigawan. Kanina ay narinig ko na naman na nag-aaway sila tungkol sa akin. Gusto ni daddy na mag law ako at hindi ko iyon gusto. Wala akong hilig doon, wala naman daw kasi akong mapapala kung magc-chef ako. Nagalit si mommy kaya nag-away sila.

Bakit ba gano’n si dad? Ginagawa ko nga ang best ko para maipakita sa kaniya na kaya ko at may mapapala ako sa nakuha kong course. Gusto ko ang ginagawa ko. Ayokong sundin ang gusto ni dad dahil hindi naman ako magiging masaya doon.

“Nasaan si Yosef?” Napalingon ako sa nagsalita. Sila Troy ang pumasok sa gym, naaninag ko si Zymon na lumingon sa gawi namin. Ngumiti siya pero umiwas ako ng tingin.

“Hindi mo pa talaga kakausapin?” Tanong ni Sandra.

“Hindi…” Tumingin ang dalawa sa akin. “pa sa ngayon,” dagdag ko.

“Oh ayan na sila Carlos, nilingon ko ang tinuro ni Jaica at nakita ko sila Carlos na papalapit sa amin. Okay, ako lang single dito.

“Magp-practice din ata sila Zymon ah, pa’no ‘yan?” Tanong ni Sandra.

“Maglalaro kami ngayon, sila makakalaban namin.” Naningkit ang mata ko sa narinig. Sigurado ba sila. Alam kong magaling maglaro sila Carlos pero mas magaling ang team nila Zymon.

Kumislap ang mata ni Jaica. “ Wow, exciting,” sambit niya.

Ngumiwi ako, sigurado ba sila? Baka mamaya ay umatras ang mga ‘to. Nilingon kong muli ang gawi nila Zymon at nakitang nando’n na ang hapon. Umirap ako sa kawalan.

Kinuha ko ang phone ko dahil tumunog ito. Nag-text si Zymon.

Zymon:
Wala bang goodluck diyan?

Kumunot ang noo ko, hindi naman ‘to final game ah. Katulad ng ginagawa ko, hindi ko nireplyan ang message niyang iyon.

“Naih!” Nilingon ko ang tumawag sa akin. Nakita ko si Lester na papunta sa gawi namin.

“Maglalaro ka din?” Tanong ko sa kaniya. Hindi naman kasi siya basta-basta pumupunta sa gym kapag wala silang laro or practice.

All for Love (Salazar Series #1) ✓Where stories live. Discover now