Kabanata 32

1K 55 6
                                    

Zymon Crane Salazar

“Unang araw palang minahal na kita
Bakit ba ganito ang aking nadama~” pagkanta ni Troy.

“Di man kita lubusan pang kilala
Eh ano naman basta mahal kita~” dugtong ni Caelus at sabay silang tumawa ni Troy.

Inis kong nilingon ang dalawa kong pinsan. Mga gago, kanina pa nila kinakanta iyon dahil may nakasalubong kaming babae kanina sa hallway. Mukhang wala sa mood ‘yung babae kanina, nakataas kasi ang kilay niya at nagmamadali pa pero kahit ganun siya. Nakita ko pa din ang ganda niya.

“Tangina niyo, sagad.” Tinaas ko ang middle finger ko sa kanila.

“Epekto ba ‘yan nung magandang babae kanina,” asar ni Caelus.

“Grabe ‘yung tingin ni Zy eh, in love ka tol?” mapang-asar na tanong ni Troy. Tumingin ako sa kaniya at umiling.

“Hindi pa nga, gago ka! Halata ngang gusto mo agad ‘yung babae,” sabi pa niya.

“Ikaw na lang maging ako,” saad ko at luminga-linga sa paligid. Nasa cafeteria kami at vacant time namin.

“Yaks, ayoko nga.” Umiling-iling si Troy sa akin. Hindi ko na siya pinansin at nagpokus na lang sa pagtingin sa paligid. Umaasang makikita ko ulit ‘yung babae kanina.

“Dadaan muna ako sa library,” sabi ko kay Troy nang makalabas kami ng room. Kumunot ang kaniyang noo sa akin.

“Kelan ka pa nahilig sa mga libro?” Nagtatakang tanong niya. Hindi ko naman talaga hilig ang magbasa, nagbabasa lang ako ng libro kapag kailangan na talaga sa subject namin o kaya kapag may quiz or exam kami.

“Teka, hindi naman ata libro ang titingnan mo do’n no? Sigurado akong babae ‘yan.” Tumaas-taas ang kilay sa akin ni Troy. Pabiro ko siyang sinuntok sa kaniyang braso kaya agad siyang lumayo sa akin.

“Tangina nito, nanakit pa nga,” reklamo niya na inilingan ko na lang. Tinalikuran ko na siya at nagsimula nang maglakad papuntang library.

At mabuti na nga lang pumunta ako sa library, nakita ko ulit siya.

“Are you done?” Tanong ko sa kaniya. Tumingala siya sa akin. Nagtagpo tuloy ang mata naming dalawa, grabe sobrang ganda niya pala sa malapitan. Ang maganda niyang mata at makapal niyang kilay ang napansin ko. Mukha talaga siyang mataray dahil sa kilay niya, kahit na nakatingin lang siya sa akin, pakiramdam ko ay tinatarayan niya ako. Ang mala strawberry’ng kulay ng kaniyang labi at maputi niyang kutis ay bagay na bagay sa kaniya.

“Excuse me?” sabi ko ulit, dahil tutok na tutok din siya sa akin. Alam kong gwapo ako pero wag ka namang tumitig ng ganiyan sa akin, baka mahulog ako lalo.

Kumurap-kurap pa siya, ang cute pocha.

“Masyado ka atang na starstruck sa kagwapohan ko miss,” nakangiting sabi ko sa kaniya. Nakita kong nagdugtong ang kilay niya.

“Excuse me?” Tinaasan niya ako ng kilay.

Gago, ang cute pa din.

Akala ko malalaman ko ang pangalan niya nung araw na iyon pero hindi. Hindi na nga kami nagkita, lagi tuloy akong nakatambay sa library para masilayan siya kaya lang ay hindi ko siya makita.

All for Love (Salazar Series #1) ✓Where stories live. Discover now