Chapter I

170 8 5
                                    

GABBI

"Gab, 5am na. Tara uwi." Tinapik ako ng katrabaho ko sa balikat.

Tinanggal ko yung yosi sa bibig ko at tinapon sa basurahan, sabay kuha sa huling candy na nasa bulsa ko. It was my last stick for the day. Pati pambili ng yosi, pahirapan pa.

Sumunod na ako sa mga kasama ko pabalik sa loob ng opisina. 15 minutes before the end of shift, tumatambay kaming lahat sa rooftop para panuorin yung sunrise. Ewan ba, sabi nila nakakagaan raw sa pakiramdam yung makita mong papalabas yung araw. Parang wala naman akong naramdaman ni konteng gaan sa pakiramdam. Yung malamig na simoy ng hangin na lang talaga ang habol ko kaya sumasama ako sa kanila sa rooftop tuwing umaga.

"Pumasok na daw ang sahod?"

"Ewan. Dinig ko sa HR pumasok na raw."

"Mga pre pumasok na nga!" sigaw nung kasama ko habang nakaharap siya sa phone nya.

Biglang nagising ang pagiging inner mathematician ko. Wag niyong isipin na henyo ako, basic arithmetic lang pre. Tamang compute lang kung sasakto ba ang sahod na makukuha ko para sa pang araw-araw ko na gastuhin. Mababayaran ko na kaya yung mga utang ko sa carinderia sa baba ng boarding house ko? Makakabayad na kaya ako ng renta ngayong buwan? Makakapag unli rice na kaya ulit ako sa Mang Inasal sa day off ko? Mababayaran ko na kaya si Ligaya sa mga utang namin?

Awit sa iyo, Ligaya. Hindi ko alam kung bakit Ligaya ang pinangalan sa iyo ng mga magulang mo. Wala ka namang ibang ginawa sa buhay ko kundi puro pahirap lang.

Tiyahin ko si Ligaya. Palibhasa, siya lang ang bukod tanging nakapag tapos ng kolehiyo sa kanilang magkakapatid. Ang taas ng tingin sa sarili, umaasa lang naman sa asawa niyang nagtatrabaho sa ibang bansa.

Dumiretso na ako sa locker room para kunin ang mga gamit ko. Una kong sinilip ang phone ko. 13 missed calls, 20 text messages. Galing kay Ligaya, malamang.

From: Ligaya (+63935*******)

GABI SAAN K MGBAYAD KAU NG UTANG NEO.

Napabuntong hininga ako. Nagsimula na naman akong mag add subtract sa utak ko. Boarding house, 2,500. Utang sa carinderya, 1,700. Allowance ni utol, 2,000. Pambayad kay Ligaya, 8,000. Total 14,200.

"Magkano pumasok sa sahod mo ngayong kinsenas?" tanong ko sa kasama ko.

"9,530. Walang late yan ha? Alam mo naman ako, masyadong loyal sa opisina na ito." Sagot niya.

Kailangan ko nang magbayad ng renta ngayon kung ayaw kong matulog sa kalye ngayong gabi. Kailangan ko na ring magbayad ng utang sa carinderia dahil irereport na daw ako nung may-ari sa barangay kung hindi pa raw ako magbabayad. Kailangan na rin ni utol ng allowance niya ngayong linggo. Kung ganon, mukhang kailangan ko na namang magtago kay Ligaya ngayong buwan.

Ilang beses ko nang sinubukang ipaintindi kay Ligaya na wala kaming pananagutan duon sa nabanggang sasakyan ni utol at nung pinsan naming kinulang ata sa bakuna nung sanggol pa siya dahil walang siyang ibang sinisisi sa pagkakabangga ng sasakyan nila sa probinsya kundi ang utol ko na natutulog lang naman ng mahimbing sa sasakyan nung mga panahon na iyon. (anak nga pala ni Ligaya yung batang kinulang sa bakuna). Sa malamang, mas paniniwalaan ni Ligaya yung anak niya kesa sa kapatid ko. Ngayon, kailangan naming bayaran ang buong pagpapaayos ng sasakyan.

Stress ba ang buhay ko? Papakilala ko muna ang sarili ko para mas lalo kayong mastress.

Gabbi Agustin nga pala. Zombie sa umaga, call center agent sa gabi. 23 years old. Dalaga, may isang naka-fling noon pero di bale na dahil fling lang naman yun at naka move on na ako sa kanya. Kung iniisip niyo na malaki ang kinikita ng isang call center agent, pwes nagkakamali kayo, lalo na kung meron kayong tiyahing singkitid ng butas ng karayom ang daluyan ng hangin sa utak niya.

Nasa probinsya ang pamilya ko. Si Nanay, nagtitinda sa palengke. Si utol, highschool student. Wala na kaming tatay. Hindi ko alam kung nasaan. Wala na rin ako planong hagilapin siya. Nasa Manila ako para suportahan ang pag-aaral ng kapatid ko at para hindi na gaanong magbanat ng buto ni nanay sa pagtitinda sa palengke. Typical story ng isang probinsyana na lumuwas ng Maynila para itaguyod ang pamilya.

Nung hindi pa hinampas ng pinsan ko ang sasakyan nila sa isang puno ng balete doon sa probinsya namin, maayos pa akong nakikitira kay Ligaya sa pinapaupahan rin niyang boarding house dito sa Maynila. Bagama't mahal ang sinisingil niyang renta sa akin kada buwan (wala man lang binigay na discount, parang hindi kamag-anak), hindi na ako nag-abalang magreklamo dahil malapit yung boarding house sa pinapasukan kong trabaho. Siya nga pala, isa rin ito sa laging bukambibig ni Ligaya at kung bakit nararapat lang na magbayad raw kami ng utang sa kanila. Matuto daw akong tumanaw ng utang na loob dahil pinatira niya ako sa kanila. Hindi naman libre yung tira ko sa kanila. Awit sa iyo, Ligaya. Kinulang ata ng hangin ang utak mo.

Hindi nagtagal, pinalayas niya rin ako sa boarding house. Laging gulat ko na lang nung nakita kong nakakalat na sa gilid ng kalsada ang mga damit at gamit ko. Hindi naman ako pwedeng umuwi ng probinsya dahil ako ang breadwinner sa pamilya at mas mabilis ang pera dito sa syudad kesa sa probinsya. Akala ko, titigilan na ako ni Ligaya sa paniningil ng utang na hindi naman sa amin. Isang buwan lang ang lumipas, wala nang tigil ang mga tawag at text ni Ligaya sa akin. Magbayad na raw ako ng utang ko kung ayaw kong makulong.

Mabuti na lang, hindi niya alam kung nasaan na ako nakatira ngayon. Pinaalis ko na rin ang nanay ko at si utol sa dati nilang tinitirhang bahay sa probinsiya at pinalipat ko sila sa lugar na hindi sila matutunton ni Ligaya at ng mga alipores niya (aka, mga kamag anak naming buntot ng buntot kay Ligaya na parang mga aso).

Gets niyo na ba kung paano nagkanda leche leche ang buhay namin dahil kay Ligaya at sa anak niyang mukhang nakasinghot ng dinikdik na chlorine? Yun.

From: Ligaya (+63935*******)

MGBABAYAD KA BA O PAPATUNGAN K NA NG INTERES UTANG NEO SA SUSUNOD NA LINGGO?

Anak ng tokwa, unti unti na namang nagdidilim ang paningin ko sa Ligaya na 'to.

"Gab, wala ka nang duty mamaya, di ba? Aattend ka ba ng engagement party ni Jem?" tanong ni Jane, isa sa mga pinaka close kong officemate sa call center. Katrabaho ko naman itong Jem sa call center. Ikakasal na siya doon sa first love niya, sa highschool sweetheart niya. Sana all true love.

"Ha? Ngayong gabi na yun?" tanong ko habang binabasa ng paulit ulit ang text ni Ligaya sa akin.

"Oo. 7:30pm sa Seaside Grill. Attend ka ha? Nang makapag-unwind ka naman kahit isang gabi lang." tinapik ulit ni Jane ang balikat ko. "O siya, mauuna na ako. Mag-iingat ka. Wag kang matulog sa bus, ah?"

"Sure. Bye, Jane." Sagot ko bago ako tumungo sa aking pupuntahan.

Pagdating ko sa bus stop, may nakita akong matandang lalaki na nagbebenta ng yosi at kendi sa may gilid ng kalsada. Saktong pagkapa ko sa bulsa ko ay may nadampot akong twenty pesos.

"Keep the change na po, tay." Sabi ko nung iaabot na sana ng matanda ang barya niya sa akin. Nagpasalamat siya at inabutan na lang niya ako ng posporo. Kasama ng bagong sindi ko na yosi, tahimik akong nakatayo sa may gilid habang pinagmamasdan na lang yung ibang pasahero na pilit na nakikipag agawan na makasakay sa bus. Dahan-dahan lang, makakapunta rin tayong lahat sa paroroonan natin.

Huminga ako ng malalim at saka binuga ng dahan dahan ang usok ng yosi palabas sa katawan ko. Lumabas na nga ang araw. Yep, I feel nothing. Wala akong naramdamang ni katiting na pag-gaan sa pakiramdam ko ngayong umaga. Wala.

So This is LoveWo Geschichten leben. Entdecke jetzt