Chapter IX

101 7 4
                                    

Ara

Nagising ako sa naaamoy kong niluluto sa kusina. Saka ko na napansin na nagluluto pala si Gabbi ng sinangag nung bumangon ko para silipin siya. Opo, sinangag. Nakita ko rin na nagluto siya ng adobong manok. May nakalapag ring plastic container sa lamesa. Wag niyang sabihing magbabaon siya ng sinangag at adobong manok sa first day of work niya?

Ah, bahala siya.

Nagkunwari akong hindi ko siya napansin na nagluluto at dumiretso na lang sa banyo. Bwisit, kahit dito sa loob ng banyo amoy na amoy ko pa rin yung niluluto niya. Paglabas ko ng banyo, nakita kong nilalagyan niya na ng pagkain yung plastic container. Baon nga niya sa opisina, walang duda.

"Gusto mo rin bang magbaon?" tanong niya.

Nagsisimula pa lang ang araw pero narinig ko na ang pinakawalang kwentang tanong na itatanong niya sa akin ngayong araw.

Gabbi, ba't ako magbabaon? Papasok ako sa NYU, tapos pababaunin mo ako ng sinangag at adobong manok?! Hindi naman sa minamaliit ko yung niluluto mo. Mukha namang masarap. Ah, basta.

Nakangiti siya. Sobrang laki ng mga ngiti niya, yung tipong proud na proud siya sa niluto niya.

"Bibili na lang ako sa cafeteria." I faked a smile. Sana kasing ganda ng ngiti ko sa kanya ang mga ngiti niya na bumungad sa akin ngayong umaga. Aw?

Mas lalo pang tumingkad ang mga ngiti niya.

"Wag ka nang bumili! Gumawa na rin ako ng sandwich!" inangat niya yung isang maliit na paperbag. Ah, sandwich pala laman non.

Between adobo, sinangag and sandwich? I guess I'll just take the sandwich. May matitira pa naman siguro para mamayang hapunan di ba? Sana magtira siya, kahit yung sarsa na lang ng adobo.

Hindi natapos don ang pambubwisit niya sa akin ngayong umaga. Bago kami umalis (she insists na sabay kaming lumabas ng apartment), nanghiram pa siya ng pera sa akin. Wala raw kasi siyang pambayad ng taxi. Ililista ko na lang daw lahat ng inutang niya at nangakong babayaran niya ako sa unang sahod niya.

Oo nga pala, kailangan kong ibigay lahat ng pangangailangan niya. Inabot ko na lang sa kanya ang wallet ko at tumalikod na sa kanya.

"Seryoso, wallet talaga ang ibibigay mo sa akin?"

"I have my debit card with me." Sagot ko.

"Thank you ah." Nahihiyang sagot niya. "Babayaran talaga kita sa unang sahod ko."

"Sure."

Lumapit siya sa akin at niyakap ako bigla. Shuta.

"Mag-iingat ka." Bulong niya sa akin bago ako hinalikan sa pisngi. Shuta ulit.

Tumalikod na siya sa akin. Pinagmasdan ko siya habang unti unti na siyang naglalakad palayo sa akin hanggang sa nawala na siya sa paningin ko. Five minutes rin akong late sa first day of class ko dahil doon. Hanggang ngayon, ramdam ko pa rin yung pagdampi ng labi niya sa pisngi ko.

Get yourself together, Ara!

"They say financial management is a vital activity in an organization, why do you think so?"

The class began. I started digging in my notes. Nag-aral naman kasi ako three days bago nagsimula ang klase. Sa di malaman na dahilan, biglang nakalimutan ko lahat ng pinag-aralan ko.

"Anyone?"

Alam ko to! Nabasa ko to, eh!

Sinara ko na ang notes ko nung nagsimula nang magexplain yung kaklase ko sa likod—for ten straight minutes. It's like he owned the class, and the entire class applauded him for that. Hindi lang nagtatapos doon. Sa tatlong oras, mas marami pang oras na nakaupo na lang ang professor namin at nakikinig na lang sa bawat sagot ng mga kaklase ko—the shortest one was for around eight minutes. Opo, inorasan ko na lang sila.

So This is LoveWhere stories live. Discover now