Chapter IV

101 5 4
                                    

Gabbi

"Besh, ayoko nang mabuhay."

"Hindi ko na mabilang kung ilang beses mo nang sinabi yan ngayong gabi. Kaya tatanungin kita ulit. Ano ba talagang nangyari?"

I looked up at Jane. Hindi ko alam saan at paano magsisimula. I just groaned, at binagsak ulit ang mukha ko sa lamesa.

Napabuntong hininga siya. Pinuno niya ulit ng alak ang baso ko. "Ba't mo kasi pinagmumura yung client kanina? Alam mo na ngang nasuspend ka na dahil dyan. I told you to be careful. I told you to be professional."

Huling araw ko na pala sa trabaho kanina. My supervisor let me off with first and second warning because of my unprofessional behavior towards my clients two months ago. I also received a suspension with the same reason last month. Yung kanina, isang nakakahulog puso na termination.

Not only I lost my job, naubos pa ang natitirang pera ko nung nalaman kong nahuling nag jaywalking ang nanay ko nung isang araw na pumunta siya sa kalapit-siyudad para mamili lang ng bedsheet. Nakapagbayad tuloy ako ng multa wala sa oras. Pahamak na bedsheet yan.

May warning na rin yung landlady ko sa akin kaninang umaga na kapag hindi pa raw tumigil yung mga lalaki sa kapupunta sa boarding house para hanapin ako, mapipilitan siyang paalisin ako sa katapusan ng linggo.

Limangdaan na lang ang natitira sa pera ko. Mabuti na lang, may libreng pa-dinner (at alak) si Jane.

"Besh, ayoko naaa—" ulit ko.

Hinimas niya na lang ang balikat ko. Biglang tumunog ang cellphone niya. "Tumatawag ang opisina. I'll be back."

Hindi na ako nagsalita. Inubos ko na ang laman ng baso ko at yung nasa bote. Nagsimula nang umikot ang paligid ko. Hmmm.

I wonder what Ara is doing now.

Shit.

Gabbi, seryoso ka ba? Ang dami mo nang problema sa buhay, nakaya mo pa siyang isipin?

Can't stop thinking about her since we met last week.

Pambihira. Nananahimik na yung tao, guguluhin mo na naman ba?

Why? Am I not allowed to check up on her?

Ang tanong, iniisip ka rin kaya niya ngayon? Busy na yun. Magiging New Yorker na yun.

Hmmm, New York.

Gab, hindi ko gusto itong naiisip mo.

Shut up, Brain!

You and me are alike, doofus! Konsensiya tayong dalawa ni Gabbi, sira!

New York

Gab, no.

New York.

Ng walang halong pag-alinlangan, lumabas ako agad ng bar at dumiretso sa paradahan ng jeep. Maswerte na lang at nakasakay ako kaagad. Thirty minutes later, I found myself standing in front of Ara's place, my mind a complete mess. Hindi ako tumigil sa pagkatok hanggang sa nakita kong umilaw ang bahay nila. Pasintabi na rin pala sa mga kapitbahay nilang nagising ko ngayong gabi.

Yung kasambahay nila ang bumukas ng gate. Nung una, ayaw pa niya akong papasukin, lalo na nung nagpakilala ako bilang Gabbi. Sumalubong yung kilay niya habang pinipilit ko siyang gisingin si Ara para sa akin.

"Natutulog na si Ara eh. Urgent ba ito? Bumalik ka na lang bukas."

"Pupunta ba ako dito ngayong gabi kung hindi ito importante? Kailangan ko siyang kausapin, please!" Now this is why I got fired from my job.

So This is LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon