Chapter II

106 7 2
                                    

GABBI

Kung hindi pa sinabi ni Jane na wantusawa ang drinks sa engagement party ngayon ni Jem, hinding hindi ako pupunta. She also tried to bribe me na masarap daw ang buffet sa party. Syempre, tatangi pa ba ko sa libreng hapunan ko ngayong gabi? Kung papalarin, baka may takeout pa ako para sa agahan ko kinaumagahan. Nagdala na lang ako ng Tupperware sa bag ko just in case.

"What are you wearing?!" Tiningnan ako ni Jane mula ulo hanggang paa. "Gab, you're aware na may dress code, di ba?"

I was wearing a tattered pants and black denim jacket. E sa eto na lang ang kaya kong suotin on a short notice! Naka dress si Jane, tamang tama sa motif ng party ngayong gabi. Nakatali ng maayos yung buhok niya. Samantalang ako, hindi pa nakapagsuklay sa sobrang pagmamadali.

Hinatak niya ang braso ko. "Mamaya ka na kumain, aayusan muna kita sa CR. Tara na."

"Jane, gutom na ako."

"Umayos ka nga!"

I gave up. Masyado nang mahigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko para kumalas pa ako. Sobrang swerte ko na nandito si Jane kasama ko. Mamimiss ko tong babaeng to kung sakaling matutuloy na yung job offer sa kanya sa New York next month.

Hinayaan ko nang dalhin niya ako papunta sa CR. Mukhang kakailanganin ko na rin ata ng konteng retouch man lang. Mabuti na lang, wala gaanong nakakakilala sa akin dito sa party. Still, kailangan ko pa ring magmukhang tao.

Walang nakakakilala sa akin dito sa party except Jane... and maybe another person. Papunta rin siya sa CR kung saan kami papunta ni Jane. I haven't seen her in like, 4 years?

Ara. Ara Guerrero.

Saka lang nag sink sa akin ang posibleng maging dahilan kung bakit nandito rin siya sa party. Guerrero din pala si Jem. Kamag-anak? Baka mag pinsan sila? WTH. Small world. Hanep.

Hinila ko si Jane. Napalingon siya sa akin.

"Wag na tayong tumuloy." Bulong ko sa kanya.

"O ba't biglang namutla ka? Parang nakakita ka ng multo?"

Multo ng nakaraan? Oo. Siguro.

"Okay na ako. Wag na tayong mag-ayos. Kung gusto mo, ikaw na lang. Kakain na lang ako dito. Kakain lang ako, tapos aalis na ako." Pagmamadali kong sagot. Kung pwede lang na umalis na agad ngayon pa lang, ginawa ko na. Pero ang hirap tanggihan kapag langhap na langhap mo na yung pagkain sa may di kalayuan.

"Weh? Hindi mo na hihintayin ang drinks? Wantusawa yun, Gab."

Para makita niya ako? No, thanks. May madadanan naman akong convenience store pauwi, doon na lang ako bibili ng alak. Hindi nga lang unlimited.

Mabuti na lang at hindi na rin nagpumilit si Jane. Bumalik na lang kami sa table kasama ang ibang katrabaho namin. I tried not to glance back at the CR but eventually, I failed. Kung bakit ginagawa ko iyon, hindi ko alam.

The rest of the party went incredibly good. Minsan nakakalimutan ko nang engagement party pala ito. Parang kakabugin pa ata nila ang magiging party sa reception after ng kasal nila sa sobrang engrande, eh. Hindi ko na rin tinuloy yung plano kong pag-alis pagkatapos ng dinner. You can't say no to a night with free drinks, can you?

Umalis saglit si Jane para makipagkwentuhan sa kalapit table. I was left with my bottle of beer. Tumayo ako at pumunta sa bartender to get my refill. Hindi ko alam kung nakakailang balik na ba ako. I don't mind. Medyo ramdam ko na yung hilo, but I need more. I need the alcohol to totally get inside me.

I leaned forward on the counter at inabot yung bote ko sa bartender na may kasamang ngiti. Bakit ako nakangiti? Shuta.

Tumawa siya sa akin, "Mukhang masaya ata tayo ngayong gabi ah? Let me get you your refill. I'll be back."

Nagpasalamat ako bago tumalikod at sumandal sa bar counter. It was indeed, a great night. Great music. Great food. Great company, kahit iniwan ako ni Jane mag-isa.

"Pre, sino nga ulit yung pinapahanap ni Ligaya sa atin? Sure ka ba na nandito yun ngayon sa party? Ang daming tao dito, pre. Hindi ko naman kilala sa mukha yung pinapahanap niya." Dinig kong sabi nung lalaki sa tabi. Dinig ko pa rin ang boses niya kahit sobrang lakas na ng music sa party.

"Yung pamangkin niya. Gabbi daw pangalan. Yun yung sabi nung landlady niya sa boarding house, eh. Nandito daw siya ngayon sa Seaside Grill. Sandali, hahanapin ko sa facebook ang mukha nun. Magtanong tayo dito sa bartender, baka sakaling nakikilala niya. Gabbi Agustin ata pangalan nun. Sandali, hahanapin ko."

Gabbi Agustin?

Teka, ako yun ah?

At yun nga po, biglang nawala sa isang iglap ang amats ko. At talagang naghire na si Ligaya ng mga tao niya para hanapin ako? Nasa sindikato ba tong Tita ko? Gangster? Member ng Mafia?

Unti unti akong naglakad palayo sa kanila. Dahan dahan, na para bang may dala akong time bomb. Isang maling galaw, buhay ko ang magiging kapalit.

Bumalik na yung bartender dala dala yung beer na hiningi ko. Nagyeyelo pa siya sa sobrang lamig. Awit. Sayang. Nakita kong tinawag siya nung dalawang lalaki kung saan inabutan siya ng phone pagkatapos. Sa malamang naka display na doon yung mukha ko sa phone.

Dali dali kong kinuha ang bag ko sa mesa at tumakbo papunta sa CR at nagkulong sa isang bakanteng cubicle. Mayroon pa akong nabanggang babae pagpasok ko pero hindi na ako nag abalang mag sorry sa kanya. Nanginginig ang tuhod at kamay ko. Ba't ako natatakot? Wala naman akong ginagawang masama, pero ba't ako natatakot? Bakit ako nagtatago ngayon?

"Shit shit shit." Sabi ko sa sarili ko habang hinahanap ang pangalan ni Jane sa phone ko. I need her to get me out of here. I need to leave this place asap.

Hindi siya sumasagot. Kung magtatago ako, baka hindi rin nila ako makikita dito ngayon. Unless na lang papasukin nila ang CR ng babae kahit na bawal? They won't do that right? But what if they do?

Paano kung nagpadala na rin si Ligaya ng mga tauhan niya para hanapin ang pamilya ko sa probinsiya gaya ng ginagawa niya sa akin ngayon? Paano kung natunton na nila kung saan nakatira ang pamilya ko?

Unti unti nang sumisikip ang dibdib ko sa sobrang pag-aalala. Kailangan kong huminga kaya lumabas na ako ng cubicle. Yumuko ako at naglakad papunta sa lababo para maghugas ng kamay. Kunwari, gumamit ako ng toilet para di halatang nagtatago lang pala ako dun. I was there for ten minutes already. Ten minutes ko nang pinagnilay-nilayan kung makakalabas pa ba ako buhay dito sa party na ito o hindi na.

Tumingala na ako at tumingin sa salamin para ayusin sana ang buhok kong mas lalong na atang gumulo ngayon, pero hindi agad dumiresto ang mata ko sa sarili ko, kundi sa babae na nasa tabi ko na nakatingin rin sa reflection ko sa salamin.

Pag minamalas ka nga naman. Sa dinami dami ng pwedeng makasama ko sa oras na ito, ba't siya pa?

"Gab?"

It was Ara.

So This is LoveWhere stories live. Discover now