Chapter XI

65 1 1
                                    


Gabbi

I'm seriously starting to believe that my cooking skills really suck.

Nanood pa man din sana ako sa YouTube ng mga pwedeng lulutuin. Partida, iba ibang putahe ang niluluto ko araw araw para sa kanya para hindi siya madaling maumay. Ano bang gusto niya? Gourmet style? Gusto nya ba yung mga cooking skills level ni Gordon Ramsay?

Bakit isang buwan na syang hindi kumakain ng dinner dito sa apartment? At bakit isang buwan ko na rin siyang nakikitang kumakain gabi-gabi dun sa conveniece store? Gets ko pa man din sana kung sa ibang resto rin sya kumain minsan, pero bakit gabi-gabi ko na lang syang nakikita dun? Hindi ba sya nasusuka sa mga kinakain niya dun? And more importantly, anong sustansya ang nakukuha nya sa kinakain niya dun? Hindi pa ba sya nagkakaroon ng sakit sa bato o sa atay?

Sa dalawang buwan na magkasama kami, kalkulado ko na ang bawat kilos niya. Opo, ganun ako ka-observant. All of her classes end at 5pm, which means she should be home before 6pm, depende kung may iba siya lakad. Pero so far, wala naman syang ibang pinuntahan kundi school lang.

Meanwhile, I leave work at 6pm. I hop off the subway train at 6:45pm, at naglalakad na ako papuntang apartment by 7pm. Instead na madatnan ko si Ara sa apartment pag uwi, lagi ko siyang nadadaanan sa convenience store sa oras na yan. Araw araw. Walang palya.

Isang buwan na rin akong nagluluto ng hapunan para sa sarili ko lamang, and she won't even care. Papasok lang sya ng apartment, maliligo, tapos matutulog na. Minsan ko na rin siyang tinanong kung may problema ba siya, pero wapakels lang si Ate girl.

Sana katulad pa rin kami ng dati, nung mga panahong naging takbuhan namin ang isa't isa sa mga problema namin. Still, things change. Time indeed drifted the two of us apart.

I stare at my watch patiently habang hinihintay na mag 9pm. Ara always goes home at the exact time— 9pm sharp. Naiimagine ko siyang nakatayo na sa kabilang side ng pinto habang hinihintay ring mag 9pm saka sya papasok.

But tonight, walang Ara na dumating ng 9pm sharp.

9:01pm

Nasaan na kaya yung babaeng yun?

Uy, concerned siya.

Gaga.

9:05pm

Baka may nag aya sa kanyang mag date? Tapos pumayag na lang siya dahil hindi mo naman talaga siya inayang magdate simula nung dumating kayo dito di ba? Hello? Ang ganda sa Central Park oh. Kahit kumain na lang kayo ng ice cream at hotdog sa labas, wala talaga?

E di wow. Sana nagpaalam man lang siya di ba? Nakikipagdate sya? Wow.

You confessed your love to her tapos di mo man lang sya idedate? Where's the consistency, gurl?

It's a fake confession. Now, shut up.

No, you shut up.

Sssssh!

9:18pm

Walang duda, baka kinidnap na yun. Uso ba kidnap dito sa New York?

Baka naligaw?

Baka ibang subway train ang nasakyan.

Baka nakatulog sa byahe?

Bahala siya.

9:43pm

43 minutes later and still no sign of Ara. That's it. I gave up.

"Urrggh!" I stood up. Kinuha ko ang jacket ko at lumabas ng apartment.

Você leu todos os capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Mar 03, 2022 ⏰

Adicione esta história à sua Biblioteca e seja notificado quando novos capítulos chegarem!

So This is LoveOnde histórias criam vida. Descubra agora