Chapter VIII

86 7 3
                                    

Gabbi

Kailangan kong humabol sa bilis ng kilos ni Ara. Legit yung kaba kapag bigla siyang nawala sa paningin mo. Gaya niya, ganun din ang bilis ng kilos ng lahat ng tao sa paligid namin. Parang lahat sila, naghahabol ng oras.

Welcome to New York, indeed.

"Ara, wait lang!" tinawag ko siya, pero hindi niya ako narinig. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad hanggang sa nakarating kami sa arrival area.

Kasama ng Tito ni Ara ang pamilya niya sa pagsundo sa amin sa JFK International Airport. Finally. Gusto ko nang mahiga. Nabugbog yata ako sa 18 hours na byahe. 18 hours din akong walang kausap sa eroplano. 18 hours nang panis ang laway ko.

"How was your trip?" Ang fluent na nung English ng Tito niya. Sa tagal ba naman niya dito sa New York?

"It was fun, Tito." Ngumiti si Ara. Ah, fun tawag mo doon? Natulog ka lang naman sa buong byahe. Kung hindi pa kita siniko nung bumaba na ang eroplano, hindi ka pa magigising.

Sinakay na namin ang mga gamit sa likod ng sasakyan at umalis na.

New York looks exactly the same as you see it on TV. Sa sobrang taas ng building, hindi mo na kita ang tuktok niya. Halos hindi mo na nga makita ang langit, eh. Traffic is traffic, as well. Habang nasa daan kami, tinuturo ng Tito ni Ara ang mga tourist attraction na madaanan namin. Nakalimutan ko nang nandito pala ako para magtrabaho, hindi para mamasyal.

Dumiretso na kami sa apartment na titirhan (namin) ni Ara. Kung paano nila naafford ang apartment na walking distance lang galing Central Park, ayaw ko nang alamin.

Tinulungan na kami ng Tito niya na iakyat lahat ng gamit namin (mostly Ara's stuff, dahil siya naman ang may pinakamaraming dala sa aming dalawa). Hindi na rin sila nag-abala pa sa amin at umalis na agad. Mukhang kailangan raw kasi namin pareho ng pahinga, sabi nila.

Hindi kalakihan yung apartment pero okay na siya para sa dalawang tao. Fully furnished na nga talaga siya, may kitchen appliances, bathroom, sala set at maliit na dining area. Yung kama naman, pwede para sa dalawang tao, pero hindi ako susugal na magtabi kaming pareho dun. Thank goodness the couch is convertible into a small bed.

"Hiningi ko talaga kay Tito na hanapan ako ng convertible na couch." Sabi ni Ara sa akin nung nakita niya akong nakatingin sa couch. "You can take the couch, or pwede ring ako. It's up to you."

She asked the couch for a purpose.

I walked around the apartment. Inside the bathroom, it has a hot and cold tub with shower (wow) and toilet with bidet (amazing!). Meron ding balcony pero di naman tanaw ang Central Park kahit walking distance lang siya galing apartment (sa dami ba naman ng mga building). The walls were off-white in color, kaya napakaaliwalas tingnan ng lugar. Sumunod rin sa kulay ng walls ang kulay ng mga furnitures. Saka na nang napansin kong medyo hawig ng apartment na to ang design ng bahay nila Ara sa Pilipinas. Maybe she asked for this, para hindi niya gaanong ramdam na malayo siya.

"It hits differently when you are home." Narinig kong sabi niya habang tumitingin din siya sa paligid ng apartment. Ihahanda ko na po ang sarili ko kung sakaling iiyak man ito mamayang gabi dahil miss niya na agad Pinas.

-

Sa first two days namin sa New York, literal na pahinga lang ginawa namin. Hindi rin pala biro yung 18 hours na byahe, may kapalit na 2 days recovery time. The sightseeing could wait. Three years rin akong makikibaka dito sa New York. The Central Park can wait. The Empire State Building can wait.

Ang kailangan kong isipin ngayon ay kung paano kami kakain dahil wala nang ibang ginawa si Ara kundi mag order ng takeout. Pati ba naman sa pagkain, pahirapan pa sa pag-adjust (Miss ko na po ang tapsilog). Ano pa ang silbi ng stove at ref kung hindi rin kami magluluto? Ang laman lang ng ref ngayon ay yung Toblerone na nabili niya pa sa Duty Free sa NAIA. Anong gagawin namin doon?

So This is LoveDove le storie prendono vita. Scoprilo ora