Chapter VI

68 5 2
                                    

ARA

"Parang si Gabbi yung nakita namin sa restaurant kanina..."

Sandaling natigil ako sa binabasa kong libro para tingnan ang mga magulang ko na kapapasok lang ng bahay. Kauuwi lang nila galing sa business meeting.

"Sigurado ka ba na si Gabbi iyon?"

"Oo sigurado ako. Biglang kumaripas ng takbo papasok sa kusina nung nakita niya tayo, eh."

"Walang duda, si Gabbi nga..."

"Saan niyo siya nakita?" at tuluyan ko nang sinara ang libro na binabasa ko.

"Basta si Gabbi ang pinag-uusapan talaga..." kutya nila.

"It's not like we talk about her all the time." I rolled my eyes.

"Anak, pinag usapan lang natin siya kaninang umaga." Tugon ng nanay ko.

Simula nung pumunta siya dito sa bahay tatlong buwan na ang lumipas, walang araw na hindi na namin siya napag uusapan sa mesa. Tatlong buwan na rin akong nahihirapang mag isip ng iba pang mapag uusapan na hindi tungkol kay Gabbi. Hindi tulad ko, mukhang naka move on na ata ang mga magulang ko sa nangyari sa amin ni Gabbi nung college. Sana all kayang mag move on. Paano ba yan?

Umupo sila sa tabi ko na may mga ngiti sa labi. Sabi na nga ba, nanadya na naman ang mga 'to. Alam kong alam nila na si Gabbi yung nakita nila kanina, kailangan lang nilang magpanggap na hindi sila sigurado para kunin yung atensyon ko.

"Waitress siya dun sa kinainan naming carinderia ng Mom mo. Naghahanap kami ng lutong bahay, eh. Medyo nakakaumay na ring kumain sa mga high-class na restaurant. Minsan nakakamiss ring kumain ng nakakamay, ano?" simula ng Tatay ko.

"Duon kami kumain sa dating kinakainan namin nung magkasintahan pa lang kami ng tatay mo." Hinimas himas ng nanay ko ang buhok ko. "Syempre, close namin yung may-ari."

"Mom!" sigaw ko. Alam ko na ata ang ginawa ng dalawang 'to. Sigurado ako.

"Tinanong lang naman namin si Gabbi sa kanya!" depensa ng tatay ko. "Naaawa siya kamo kay Gabbi. Pinagbigyan niya na lang na makatrabaho sa carinderia niya kahit hindi naman niya kailangan ng waitress dahil wala na raw siyang matirhan at makain."

Hindi na ako nagtaka sa narinig ko, pero nagulat pa rin ako na hanggang ngayon, nahihirapan pa rin pala siya sa buhay, kahit nakapagtapos na siya. May mga naikwento rin kasi siya sa akin nuon tungkol sa tatay niya na hindi niya na nakilala pa, yung Tita niyang matapobre at yung mga kamag-anak nilang umaaligid doon sa Tita niya na parang mga aso.

Then, a stupid idea came to my stupid brain.

She needs a job. I need someone to be with me so that I won't be so lonely in New York. I can find her a job in New York.

Basic.

"Dad, anong oras ba sa New York ngayon?" tanong ko.

Tumingin siya sa relo niya. "6am, why?"

-

"Tito... please pick up." I said to no one habang hinintay kong sagutin ng Tito ko sa New York ang tawag ko via facetime. A few rings later, sinagot naman niya.

"Ara? Oh, napatawag ka?" he was sipping his morning coffee on the other line.

Napakamot ako sa ulo ko. "Ano kasi, may tatanungin sana ako..."

"I told you, everything you need for your stay here is already taken care of. Ako na ang bahala sa iyo!"

"May trabaho ba na pwedeng mapasukan dyan? I mean, dyan sa kumpanya niyo?"

So This is Loveजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें