Chapter III

96 6 5
                                    

Gabbi

Desperate times calls for desperate measures. She's the last person I ever want to ask help from but right now, she's the only person I can only ask help from.

"Ara!" hinawakan ko ng mahigpit ang braso niya. "Kailangan ko ng tulong mo!"

She just blinked, kasabay ng pagkunot ng noo niya.

"Kailangan kong makalabas dito." Tuloy ko.

"Dito sa CR?" sagot niya, halatang nalilito. "Hindi mo ba alam paano gumamit ng pinto? The door's been unlocked this whole time, tanga."

"Alam ko paano gumamit ng pinto! Wag mo kong tawaging tanga!" I blurted out. Now's not the time to be bitchy again, Gab. You need this woman right now. Kumalma ako. "Please. Kailangan kong makalabas dito sa party ngayon."

"Then go out. Hindi mo ba alam saan ang daan palabas?"

God. This girl is so impossible to deal with. No doubt wala tong naging kaibigan nuon, eh.

Oh, I almost forgot to tell you. Ara and I go way back in college. No, we're not bestfriends. Charot. Okay, hindi na ako magdedeny. I'll just tell the truth. We used to be friends. First year, we are inseparable. Then all of a sudden, we became the exact opposite of it. We became rivals. Hindi ko alam kung bakit sa kanya ako kumakapit ngayon. I am still certain that this girl still hates me so such to this very day, kahit apat na taon na ang lumipas simula nung huli kaming nagkita. Pero wala eh, kailangan kong kumapit sa kahit anong paraan pa man yan, para sa buhay ko.

Kumalas ako mula sa pagkakahawak ko sa braso niya. She went back to her business- applying her make up.

"I'm sorry." Napayuko ako. I guess I have to deal everything all on my own.

"Let me just finish this make up and then we'll go." Sabi niya. "Uuwi na rin naman ako. Sumabay ka na sa akin."

"I don't need your ride. I just need to get out of here." Sagot ko.

"Who says I'm offering you a ride?" tumaas yung isang kilay niya. God, this woman. Nakuha pang magtaray. Mas maganda ka lang dahil lamang ka ng make up sa akin ngayong gabi, hoy.

Niligpit niya na ang make up kit niya at nilagay sa pouch bag niya. She was indeed dressed nicely tonight. She gave one last look at the mirror and puckered her lips to check kung hindi ba nagkalat ang lipstick sa labi niya. Nung naglakad na siya papunta sa pinto, sumunod na ako sa kanya. Yumuko ako habang naglalakad kami palabas ng bar. Nakatingin na lang ako sa heels niya para hindi ako mabangga.

Malakas na ulan ang sumalubong sa paglabas namin. Ayos.

"Thank you." Sabi ko sa kanya.

"Wala naman akong ginawa sa iyo." Sagot niya. "Naglakad lang ako palabas, sumunod ka lang. No need to thank me."

E di fine.

"Maglalakad na ako papunta sa sakayan ng jeep." I said my goodbye to her.

Tumango siya. "Bye."

Fifteen minutes na ang lumipas, wala pa ring dumadaan na jeep sa kinatatayuan ko. Wala rin akong ibang kasama na nakatayo dito sa paradahan ng jeep, eh nakatayo naman ako sa tabi mismo ng "jeepney stop". Strange.

Lumalakas lalo ang ulan, unti unti na ring tumataas ang tubig sa kalsada. Niyakap ko ang sarili ko para hindi ko gaanong maramdaman ang lamig. Paano ba naman, medyo malayo layo rin yung tinakbo ko galing sa bar papunta dito habang malakas ang ulan.

May biglang tumigil na kotse sa harapan ko, dahilan para mapaatras ako ng mula sa kinatatayuan ko at mahulog sa butas ng sirang sidewalk. Lord, kung sila man ulit ang mga lalaki na naghahanap sa akin kanina sa bar, tatanggapin ko na po ang kapalaran ko. Wala na rin akong matakbuhan, at nahulog na rin ang isang paa ko sa butas.

So This is LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon