Chapter 20.

20.1K 143 11
                                    

Matapos ang hindi-namin-alam-kung-gaano-kami-katagal sa lugar na yon ay napagdesisyunan namin ni Katsumi na bumalik na sa tambayan. Baka kasi hinahanap na nila kami.

Bago pa nga kami bumalik, maraming sinabi sa akin si Katsumi tungkol sa sarili niya. Bagay na kinagaan ng loob ko dahil alam niya at naiintindihan niya ang pinagdadaanan ko. Hindi ko pa nga inakala, na sa lahat ng tao na dadamay sa akin, siya pa na akala ko ay puro kalokohan lang ang laman ng utak.

Nang makarating kami roon, ginulo pa niya ang buhok ko bago siya pumunta sa kinaroroonan ng mga boys. Natawa naman ako at biglang napatingin sa mga girls na para bang gusto na akong kausapin. Bakas sa mga mukha nila ang pag-aalala. Nginitian ko sila... Ngiting... alam nila kung anong ibig sabihin.

Pupunta sana ako sa kanila pero biglang may tumawag sa akin.

"Kat-Kat..."

Parang tumigil ang paghinga ko nang marining ko ang boses na yon. Hindi ko alam kung dapat pa ba akong tumigil at lumingon o hindi na. Pero ang katawan ko, kusang gumalaw para harapin siya.

"Oh, Dan?! May kailangan ka ba? Ba-bakit mo iniwan si Jane doon? Naks naman! May girlfriend na siya! Congraaaats!" nakangiting tanong ko sa kanya. </3

"Saan ka galing? Magkasama ba kayo ni Katsumi? Ang tagal niyong nawala." sunod sunod niyang tanong. Seryoso pa ang itsura niya at mukhang wala sa mood. Sabi ko naman sa inyo diba, may pagka-possessive yan.

Tsss... May Jane na siya diba? Hindi na siya dapat sa akin maging possessive. Ayoko na rin siyang maging ganon sa akin, dahil dyan ako unang nagkaroon ng pag-asa. Diyan nagsimula lahat, sa pagiging possessive niya.

"A-ako? D-dun lang... Marami kasing magagandang view doon... Alam mo naman ako Dan kapag may hawak na camera diba? Saka si Kats? H-hindi kami magkasama. Nakasalubong ko lang nung pabalik na ako." pagsisinungaling ko.

"Ah, okay. Sige..." ano ba yon? Ganon? Sabay alis at diretso sa girlfriend niya? Wow. Ang sakit! Parang gusto ko na namang maiyak.

Mali ba 'tong ginagawa ko? Mali bang unti unti na kong umiwas? Ayokong maging sagabal. Ayokong makita silang dalawa. Hindi dahil sa nagagalit ako, kundi dahil NASASAKTAN ako.

Napayuko na lang ako. Hanggang sa naramdaman ko na lang ang mga girls na lumalapit sa akin.

"Kath... Umuwi na tayo." nag-aalalang sabi ni Julia.

"Bakit? Para saan pa? Para hindi ko makita? May mababago ba Juls? Wala naman diba? Nandito man ako o wala, masaya na sila." malumanay kong sabi.

"I'm sorry Kath. Lahat tayo nabigla sa nangyari. Maski kami, nasasaktan, pero alam naming triple pa ang sakit na nararamdaman mo ngayon. Mas mabuti pa siguro..."

Namumuo na naman ang mga luha sa mata ko. Nang mapansin nila yun ay hinigit nila ako sa lugar na medyo malayo sa mga boys na kasama sina Dan at Jane.

Matututuhan Mo RinTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang