Chapter 62.

16.3K 261 62
                                    

Sorry for the long wait, but I hope this update would worth your wait!

Happy 300k+ reads for MMR! Thank you so much for your continuous support! Mwaaa!

__________________________________________________________

KATH's POV

Competition na.

Kinakabahan ako. Ang daming tao, all came from different schools.

I believe in my abilities, pero hindi ko pa rin maiwasang hindi matakot sa mga kalaban ko. Mukhang magagaling. First time ko pa lang naman sumali sa contest na ganito kaya wala akong kaalam alam sa kung ano man ang mangyayari.

Tapos, hindi pa pwedeng kasama ang coach or adviser mamaya. T.T Nakakakaba talaga.

"Kath, are you ready?" tanong ni Sir Salazar na walang humpay ang paalala sa akin sa mechanics ng contest. I just nodded. He sat at the chair in front of me and tapped my shoulder.

"You don't have to win. You just have to prove that you're worthy to be here. Titulo lang ang pinaglalabanan niyo pero hindi ang talento niyo. You are all gifted in many different ways."

Napaangat ang ulo ko sa payong iyon.

 

"Parang sa pag-ibig. Tao lang ang pinaglalaban niyo, pero hindi ang puso nito." dugtong nito.

Napakunot noo naman ako sa sinabi ni Sir.

"Po? Eh yun nga po yung pinaglalabanan namin diba? Yung puso ng taong pareho naming mahal? Siya mismo." tanong ko. Napailing naman si Sir.

"Magkaibang bagay yun Kath, dahil wala naman talagang kompetisyon pag dating sa pag-ibig. Ang puso niya ang nagdedesisyon sa kung sino ang karapat-dapat. At kung hindi man ikaw ang napili niya, hindi ibig sabihin nun na nanalo ang isa at natalo ka. Ibig sabihin lang nun, may ibang mas nararapat para sa'yo."

"At kung ako po ang napili?"

Matututuhan Mo RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon