Chapter 24.

20.2K 161 11
                                    

Heyyy my lovely readers! =))

Just wanna thank you for reading my story...

And about this chapter... Wag niyo na lang pansinin yung video ha? Wala kasi akong makita sa Youtube na music video nung song. Ang habol ko lang po talaga eh yung music. NOT the video okaaay? And... I DON'T OWN IT.  HINDI po ako yung nasa video. HINDI po akin yan. HAHAHA! Masaya po ang lovelife ko. Bwahahaha! Nilagay ko lang para mapakinggan niyo and ma-feel niyo. Hihihih! So thank yoouuuuu!

And @WifeOfDanielPadilla... This one's for you! :)

___________________________________________________

Umuwi na lang ako sa bahay. Hindi na ako umattend pa sa mga subjects ko nung hapon. Hindi rin naman ako makakapag-focus eh. Baka umiyak lang ako ng umiyak sa room.

Pag alis ko ng canteen kanina, dumiretso ako sa classroom para kumuha ng tubig sa bag ko habang iyak pa rin ako ng iyak. Maya maya lang din nun, dumating silang lahat. Nakita ko pa nga na si Dan ang unang pumasok sa pinto pero hindi ko na siya nilingon.

"Kath, are you okay?" sabi ni Julia sabay himas sa likod ko.

"Oo. Pero sa tingin ko, kailangan ko nang umuwi. Hindi kasi maganda sa pakiramdam eh."

"Oh sige. Kami na lang bahala sa mga teachers." Kiray.

"PM ko na lang sa'yo later mga assignments kung meron man." Yen.

"Uhh, salamat ha." kukunin ko na ang bag ko nang biglang...

"Kat-Kat..." napalingon ako. Si Dan, mukhang nag-aalala.

"Kats, pwede mo ba akong ihatid sa bahay?" lahat sila napatingin kay Kats. At halata sa mga mukha nila ang pagtataka na sa lahat ng pakikiusapan ko, bakit si Katsumi pa.

"H-hindi kasi pwede ang bestfriend ko. Ka-kawawa naman si Jane k-kung iiwanan niya di-dito. Di-diba Dan?" Nang sabihin ko yan, pakiramdam ko pinapatay ko ang sarili ko. Hindi ko alam...

Pero parang mas lalo akong mamamatay sa sagot niya...

"Oo eh. Sige na brad, hatid mo na para makapagpahinga na siya."

T.T

Yun? Yun lang? Wala man lang, "Kat, pagaling ka." o kaya "Ingat Kat.." Yun man lang sana eh. Hindi na nga ako umasa na sabihin niyang.. "Ako na lang maghahatid sa'yo."

--

Kinabukasan...

Okay naman na ako. Yun nga lang, namamaga na naman ang mga mata ko dahil umiyak na naman ako ng umiyak.

Buti na lang at Club day ngayon at shortened period. Kaya eto, dala ko ang DSLR ko dahil may alumni na dadating para magperform. Syempre, picture picture na namaaaan.

Nasa auditorium kami ngayon. Ang guest pala namin ngayon ay si Audrey Martin. Si Ate Auds! Graduate din dito sa school. Magaling kumanta yan, at nandito siya ngayon para magperform. May piano nga sa gitna eh. Ano kayang kakantahin niya?

Nagpalakpakan ang lahat ng pumasok siya, at ako naman, kuha lang ng kuha ng picture.

Nang magsisimula na siya ay umupo ako sa tabi ni Kats, tutal, yun ang upuang tinabi nila para sa akin. Pag-upo ko, isang tao lang naman ang hinanap ko, hindi kami magkahilera, nasa unahan namin sila pero hindi namin katapat...

                                                                          Daniel - Jane

Matututuhan Mo RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon