Chapter 5.

20.6K 165 8
                                    

Friday ngayon at naglalakad lakad ako sa campus. Club day ngayon, shortened period kaya mabilis ang klase. Inutusan kasi ako ni Sir Mark na kumuha ng pictures ng school. Araw-araw, hindi pwedeng hindi ko dala ang camera ko, dahil kailangan ko 'to, at mahal ko lang talaga ang photography, pero mas mahal ko si Dan-Dan.

May ganon talaga? HAHAHA!!

Dumaan ako sa may auditorium, dahil malapit dun ang daan papunta sa malaking garden ng school. Ang pinakapaborito kong lugar dito.

Pero sa kabilang side ng auditorium, may shortcut. May gate kasi dun papunta sa garden at mas malapit, pero restricted ang mga estudyante sa parteng ito. Puro stock rooms lang. Hindi na rin masyado napupunta dito ang mga estudyante dahil boring na ang area na ito. Dulo na kasi.

Lumingon lingon ako sa paligid dahil balak kong dumaan sa shortcut. Baka kasi mahuli ako.

Medyo yumuko ako at dahan dahan akong naglakad sa mga tapatang stock rooms.

Pero bago pa man ako makarating dun sa gate, nakarinig ako ng ingay sa isa sa mga stock rooms na nadaanan ko.

Medyo nagtayuan ang mga balahibo ko dahil baka kung anong kababalaghan lang ang makita ko. Ayoko pa naman ng ganon. Natatakot ako.

"Bakit kasi dito ka pa dumaan eh. Alam mo ngang restricted. Isa ka pang shunga!" sabi ko sa sarili ko, pero patuloy ko pa ring sinusundan ang ingay.

Habang papalapit ako ng papalapit, lalong nagiging malinaw sa pandinig ko ang mga ingay.

"Hon naman eh, wag dyan. Nakikiliti ako. Hihihi!"


"Dito?"


"Wag. Hihihi! Honey please!"


Ewwwwwwwwwwwwwwww!!!

Lalong nagsi-tindigan ang mga balahibo ko, kulang na lang pati buhok ko sa ulo tumayo! Hindi ko kaya ang mga naririnig ko. Nakakadiri! Dito pa nila nagawang mag-ano, mag.. maglambutchingan! Errr! Kung sino man kayo, nakakadiri kayo!

Pero dahil sa na-curious ako, dahan dahan akong tumayo at sinilip kung sino ang mga estudyante yun na gumagawa ng himala.

---

"Kat-Kat, saan ka galing? Kanina pa kita hinahanap aah?" salubong sa'kin ni Dan-Dan pagbalik ko sa room.

"Ahh, eehh, ano.. aah, inutusan ako ni Sir Mark na.. na kumuha ng mga pictures! Yun!" sabi ko na hindi mapakali.

"Nakakapagod ba yun? Bakit pawis na pawis ka?" tanong niya sabay kuha ng panyo sa bulsa niya at pinunasan ang pawis ko sa may noo.

Nakatingin lang ako sa kanya. Oo, kinikilig ako sa ginagawa niya, pero hindi yun ang nangingibabaw sa akin ngayon, kundi kaba.

Matututuhan Mo RinWhere stories live. Discover now