Chapter 11.

20K 146 4
                                    

Naglalakad  na kami ngayon papuntang simbahan. Malapit lang eh, saka maaga pa masyado.

"Kat-kat, totoo ba yung sinabi ng kapatid mo?" Dan.  O.O

"Alin dun?" -_____- Sa dami ba naman ng pinagsasabi ng kapatid ko hindi ko na alam kung anong tinutukoy niya eh.

"Na nagiging wild ka daw pag nakakakita ka ng pogi?" napatingin ako sa kanya. Pero siya, nakatingin lang sa daan. Ganun yun tuwing may seryosong itatanong sa akin e.

"H-ha? Nakooo! Nagpapaniwala ka naman dun sa kapatid ko. H-hindi yun totoo!" sabay tawa. Napatingin na rin siya sa'kin. Parang bilgang na-hyper?

"Talaga Kat-kat?"

"Oo, sa'yo lang naman ako nagiging wild eh." Nyehehehehe.

"Ano? Paki-ulit?"

"Sabi ko, oo, saka, kilala mo naman ako diba? Sino ba talagang bestfriend mo ha? Ako o yung kapatid ko?" sabay pout.

Ngumiti siya at kinurot ako sa ilong. "Kaw talaga! Syempre ikaw. Nagtatanong lang naman ako. Saka, ayoko makakita ka ng gwapo! Sasapakin ko yung mga yun eh!" Bakit? Anlabo talaga nito ni Dan.

"Anooo? Bakit naman? Wala na nga akong boyfriend, tumingin lang sa gwapo bawal pa?" pagbibiro ko.

"Ah ganyanan Kat-kat?! Sige, kakalimutan mo na ako, magiging busy ka na sa kakahanap ng gwapo!!" Ang cute niya! Tampu-tampuhan pa! Hahahaha!

"Asuuuuus! Nag-drama si Dan-dan! Eh, ikaw nga yata ang kumakalimot sa'kin e. Imagine, nanliligaw pa lang, na-deadma na agad ako." pagbibiro ko pa, pero deep inside, totoong gusto kong sabihin sa kanya.

"Hindi naman e! Hindi mangyayari yun Kat! Promise ko sa'yo, kahit magka-gf na ako, walang magbabago! Ikaw pa rin ang bestfriend ko. Magkasama pa rin tayo sa kalokohan, kakain pa rin tayo sa ihawan, maglalaro pa rin tayo ng basketball, basta lahat yun, magagawa pa rin natin!"

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot sa sinabi niya. Matutuwa dahil nangako siyang walang magbabago? Oh malulungkot dahil magkakaron siya ng girlfriend.

"Saka Kat, ako na lang tingnan mo ha??" Eh sa'yo naman ako laging nakatingin e. Try mo rin kaya akong tingnan.

"Huh? Anong ibig mong sabihin?"

"Hindi mo na kelangan maghanap ng gwapo, ako na lang tingnan mo, okay? Kasi yung gwapo nasa harap mo na oh, hahanap ka pa ba? Saka para hindi na rin mag-init ulo ko sa mga lalaking balak mong tingnan." pagmamalaki niya. With matching turo turo pa sa sarili niya. Hahaha!

Hayyy Dan, ano ba talaga ibig sabihin niyang mga sinasabi mo? Naguguluhan na ako eh. Iba ang dating sa'kin ng mga salitang binibitawan mo, ayokong umasa, pero eto, nagkakaron ako ng dahilan para gawin yun.

Matututuhan Mo RinWhere stories live. Discover now