Chapter 1.

31.3K 265 9
                                    

Wag mo akong isipin,
Andito lang ako
At kahit di mo man pansinin,
Hindi ako magtatampo

Di ako hihingi ng kahit anong kapalit
Hindi magagalit kahit ano ang 'yong sambitin
Walang maririnig kundi ang puso kong tahimik

Matututuhan mo rin akong mahalin
Balang araw ay mapapasakin
Ang 'yong damdamin, hihintayin
Ko ang pusong
Matututuhan mo rin akong mahalin

Wag mo akong isipin,
Maghihintay lang sa'yo
Sabihan man nilang ako'y manhid,
Hindi ako magbabago

Hindi titigil ang puso ko sa pagpintig
Hindi mapapagod kahit ano ang 'yong gawin
Walang maririnig kundi ang puso kong tahimik

Matututuhan mo rin akong mahalin
Balang araw ay mapapasakin
Ang 'yong damdamin, hihintayin
Ko ang pusong
Matututuhan mo rin akong mahalin

...Akong mahalin


Kasalukuyan kong pinakikinggan ang kantang yan. "Matututunan Mo Rin" by Rocksteddy. Super nakaka-relate kasi ako. Sa song na yan, yung Guy bestfriend may gusto sa Girl bestfriend niya. Pero ako yata ang girl version ng kantang yan.

Eh pa'no, ako ang may gusto sa Guy bestfriend ko... si Dan-Dan. *sigh*

Yan nga ata ang theme song ng buhay ko eh.

Ako nga pala si Kathryn Valdez. 16 years old, na in love na in love sa bestfriend kong si Daniel Cruz. Talagang ganon ang pagpapakilala ko e no?

Matino naman ang itsura ko, hindi nga lang ako palaayos. Tamang tangkad, fair complexion. Basta ganun.

Let's go back to the topic. Nasabi ko na sa inyo na may lihim akong pagtingin sa bestfriend ko. Na-realize ko lang yun nung nag-high school na kami. Syempre, ang dami ng pinagbago sa itsura, pangangatawan, ugali, pati pagtrato sa ibang tao.

College friends ang mga nanay namin. Imagine, sa sobrang tight ng friendship nila, pati mga bahay magkatapat lang. Kaya di talaga malabong mangyari na maging magkaibigan kami ni Dan-Dan.

Oo, Dan-Dan ang tawag ko sa kanya, at Kat-Kat naman ang tawag niya sa'kin. Siya ang una kong naging kalaro, at naging kaibigan. Kahit mga musmos pa lang kami, inaalagaan niya ako na parang kapatid niya. Lagi kaming magkaklase. Inaaway niya lahat ng umaaway sa akin, lalo na yung mga kaklase namin na umaagaw ng baon ko. Akalain mo sa payat niyang yun, ang tapang tapang niya.

Hanggang lumipas ang panahon, hindi nagbago yun. Sa lahat ng kalokohan, magkasama kami, kapag may problema ang isa, dinadamayan naman ng isa. Sabay kaming umiiyak kapag nag-aaway kami, madalas pa, nakikitulog siya sa amin o ako sa kanila. Magkatabi pa nga kami matulog eh. Hahaha!

At alam niyo ba, kapag may pumopormang lalaki sa'kin, kailangan dumaan muna sa kanya. At madalas, wala ng nagbabalak ng manligaw sa'kin dahil natakot na sa kanya. Kaya tingnan niyo, wala pa rin akong boyfriend. Hahaha!

Paano nga ba ako na-inlove sa kanya?

- Flashback -

1st year high school. 1st day of school.

"Mama, hindi pa po ba nakakauwi sina Dan-Dan galing probinsya?" tanong ko kay Mama ng ihatid niya ako palabas sa gate namin dahil papasok na ako.

"Hindi pa Kat eh." sagot lang ni Mama.

"Ano kayang nangyari dun? 1st day of school absent agad."

"Baka naman nagkaproblema lang. Oh sige na, pumasok ka na. Ingat ka ha?" tapos hinalikan ako ni Mama sa cheeks.

I kissed her back. "Bye Ma!"

Pagdating ko sa school...

Ang daming tao! -______-

Well, ganyan naman lagi kapag first day eh. Tiningnan ko lang kung anong section ako at kung saan ang room ko, at dumiretso na agad ako.

Pag-akyat ko sa 2nd floor, may mga lalaking nagkukulitan agad sa corridor, at hindi yata ako napansin ng lalaki na nakatalikod sa'kin.

*Booogsh!

"Aray naman tol! Ingat ingat naman!" pasigaw kong sabi sa lalaking nakabunggo sa akin. Napaupo kasi ako sa sahig eh.

"Ayy sorry po. Hindi ko nakita eh. Malamang nakatalikod ako." tapos nilahad niya yung kamay niya para tulungan akong tumayo.

Tumingala ako para tingnan kung sino yung lalaking yun.

Pero laking gulat ko sa nakita ko.

"Dan-Dan?"

"Kat-Kat?"

Napangiti ako at napayakap sa kanya.

"Dan-Dan! Akala ko di ka na babalik! Pano kasi, di pa kita nakita sa inyo eh! Kailan ka pa nakauwi?" agad kong tanong.

"Pwede ko ba namang iwan ang bestfriend ko? Kanina lang, dito na ako dineretso ni Mama eh. Sorry, hindi ko na nasabi sa'yo. Gusto kita sorpresahin eh."

Kumalas kami sa yakap at titig na titig ako sa kanya.

Paano kasi, nagbakasyon lang, nagtransform na siya. From batang gusgusin to nagbibinata look. Ngayon ko lang na-realize na ang gwapo gwapo niya. Para akong na-love at first sight? Ahahaha!

"San pala room mo?" tanong ko.

"Dyan oh." sabay turo sa room na katapat.

"Dyan din ako eh! Ayos Dan! Magka-klase tayo!"

- End of Flashback -

Simula nun, naging crush ko na siya. Habang tumatagal, hindi lang basta crush ang nararamdaman ko.

Lagi kami magkasama. Medyo may pagka-boyish kasi ako kaya sa mga trip niya lagi akong kasama. Syempre, may mga kaibigan din naman akong girls. Sa tatlong taon na tinago ko ang nararamdaman ko, wala pa namang nagbabago. Siya pa rin yung bestfriend kong maloko, mapang-asar, at puro kalokohan. Mga bagay, na nagpapa-in love sa akin.

At ngayon, 4thyear high school na kami, hindi pa rin niya alam. Natatakot kasi ako na baka magbago ang pagtingin niya sa'kin at iwasan niya ako. Kaya eto, tinitiis ko lahat. Pinipigilan ang sarili ko na lalong pang ma-in love sa kanya, kaso wala eh. Lalo akong nahulog.

Ayos lang, kung one-sided love lang to, ang importante, ako pa rin ang bestfriend niya. Na nasa akin pa rin ang atensyon niya. Basta wag lang yun ang magbago, ayos na ayos na ako. :)

Ano kayang mangyayari ngayong school year na 'to noh? Sana naman masaya pa rin. =)

Matututuhan Mo RinDonde viven las historias. Descúbrelo ahora