Chapter 49.

21.5K 314 151
                                    

IMPORTANTENG MABASA NIYO 'TO.

Una sa lahat, grabe. Tuwang tuwa ako sa mga comments niyo. Di nga ako nagkamali, highblood na naman kayo. Hahahaha! Pero thank you sa mga comments niyo, either positive or negative. Makakatulong sa akin as a writer-kuno. =)))

Pangalawa, napagtanto ko na ang title ng last chapter at word of the day nung araw na yun ay... PUNYETA. hahahaha! Ang daming napa-punyeta. Hahahahaha!

Sorry for the bad words nga pala ha. Masyado rin kasi akong nadadala e. So pasensiya na po, lalo na sa mga bagets. I am not encouraging you na maging pala-mura. Ginawa ko lang po yun para makadagdag ng tensyon sa eksena. Hahaha! Don't say bad words ha? =)))

Hi piggychoy28! Naloka naman ako sa pagwawala mo sa last chapter. Hahaha! Baka sa chapter na 'to, kama nyo na yung ibato mo. Hahaha! Joke lungggs. :D At dahil natuwa ako sa comment mo, sige, this is for you. :)

At saka, kilala niyo na si DEDGE? Hahahaha! Grabe, gulong ako dun e. HAHAHAHAHAHA

Oh sige na, basa na. :)

____________________________________________________

AUTHOR's POV

- FLASHBACK -

Tuluyan na ngang binaliktad ni Jane ang storya. Maski ang barkada, hindi alam kung paano nito nagawang paniwalain si Daniel sa lahat. Wala silang nagawa dahil espesyal na araw yon ng kaibigan nila at kitang kita nila kung gaano ito kasaya...

Mali ang pinaniwalaan ni Daniel. Lahat ng yon ay ang tanging nasa isip ng lahat. Sina Julia, Kiray at Yen, kating kati nang sugurin si Jane ng mga oras na yon. Galit na galit sila sa ginawa nito. Kung hindi lang sila pinigilan nina Lester, malamang ay dumanak na ang dugo sa lugar na iyon.

Si Katsumi, todo alalay kay Kath na akala mo ay tutumba na lang anytime.

Sina JC, Seth, at Lester, awa ang naramdaman para kay Kath. Ngayong alam na nila ang sagot sa mga tanong nila, maski sila hindi alam ang gagawin.

Lalong nadismaya ang buong barkada ng magawang agawin ni Jane si Daniel sa kanila. Hindi kasi nila napigilan si Daniel na wag sumama kay Jane.

"Ah mga breg, girls... Maraming salamat talaga ha? Sobrang saya ko talaga. Pero, maiwan ko na muna kayo ha? May pupuntahan pa raw kami e. Sige mga 'tol, kita na lang tayo sa bahay mamaya, dun na lang kayo lahat matulog."

Napa-oo na lang ang lahat nang magpaalam sa kanila si Daniel.

At lalo lamang nag-init ang mga dugo nila nang lumingon pa ulit sa kanila si Jane at nginitian sila. Isang ngiting pang-kontrabida. Maski si Kath, kitang kita yon.

Isang nakakabinging katahimikan ang nanaig sa lugar na iyon makalipas ang ilang mga minuto.

"AAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!" nagulat silang lahat ng bigla na lang pinagtataob ni Kath ang mga lamesa't upuan na pinagtulungan nilang ayusin. Nagkalansingan ang mga gamit at ang ilan, nabasag na.

"Kaaaath!" pag-awat ni Katsumi sa kanya. Halos yakapin na niya ang bewang nito, pero si Kath, ayaw magpapipigil. Sinira niya ang pinaghandaan at pinagpaguran niya.

Matututuhan Mo RinWhere stories live. Discover now