Kristiyanong inlab (puso laban sa utak)

16 2 0
                                    

Bilang isang Kristiyanong kabataan
Isa sa pinakamahirap na kalaban
Ay ang sariling nararamdaman

Tunay nga'ng mahirap itong kontrolin
At napakahirap ding kalabanin
Kahit pa paalaala ay puno ka sa habilin

Yung tipong hindi mo naman sinasadya
Ang mahulog sa kanya
Pero ayun, nalaman mo nalang isang araw na gusto mo na siya

Yung tipong pinipilit mo namang kalimutan siya
Kaso napakahirap diba?
Lalo pa't Kristiyano kayong dalawa

Oo, marahil Kristiyano kayong dalawa
Gusto niyo ang isa't isa
Pero tanong lang, pinag pray niyo ba?

O bago paman kayo pumasok sa ganyang sitwasyon nasubakan niyo bang itanong sa Panginoon kung siya na ba talaga?

Kristiyano ka nga, Kristiyano rin siya
Pero pano kung hindi gusto ni Lord na maging kayo para sa isa't isa?
Eh di nasaktan lang kayo ng sobra

So what kung may ka MU ka sa church niyo
So what kung may pangako na kayo
Kung hindi Will ni Lord ang lahat ng iyan
Ay masisira at maglalaho na parang bula, tandaan mo yan

Hindi porket pareho kayong Kristiyano ay kayo na ang nakatadhana
Wag advance mag-isip kapatid!
Kaya ka nasasaktan dahil sa mga expectations mo na ganyan

Pwede wait lang
Huwag excited dahil bata ka pa nga kaibigan
Baka sa ibang lugar mo pa makikita ang sa iyo'y nakalaan

Maaaring nasa paligid mo lang
Maaaring di pa kayo nagkita at inaayos pa siya ni Lord kaya maghintay ka muna, kung pwede lang?

Wag puro feelings and emotions
Sus di mo nga magawagawa mag devotion
Kristiyano ka, Kristiyano siya pero uulitin ko lang
Will ba ni Lord na maging kayo kaibigan?
Bata pa kayo oy! Huwag muna yan.

Proverbs 4:23

Watch it on my YouTube channel
https://youtu.be/dkb5H92c_zY

Spoken Words Poetry (random genres)Where stories live. Discover now