Marupok

10 1 0
                                    

Ps: I wrote this during/after two months of quarantine because of the pandemic (COVID-19) occurred.

Anong say mo?
Sa nangyayari sa mundo?
Nag-aalala ka ba?

Nag-alala, na baka isa sa pamilya mo ang mabiktima
Natatakot ka ba?
Natakot, na itong pandemic ay lalala pa

Matitinding emosyon ang makikita sa mukha
Pangangamba, di mapalagay, natutulala
Pangamba, kasi baka yung kausap may covid na pala

Kinabukasan, di mapalagay dahil may sipon kana't may ubo pa
Natutulala, kasi iniisip na baka nahawaan na nga'ng talaga

Sabi nila itong pandemya, walang pinipiling biktima
Mapa mahirap ka man o mayaman
Kung hindi ka maingat, tiyak mahahawaan

Pero naisip mo bang advantage parin kung ikaw ay yayamanin
Wala ka nang problema sa pagkain
May nurse ka pang nakabantay 24/7

Tunay nga naman diba?
Tunay ngang nakakabahala
Dahil ginawa tayo nitong mahina
Ang dating matapang ngayo'y takot at tulala

Mga taong makikita mo'ng sa balita di mapalagay
Kaya alcohol ay laging tangay tangay

Hindi lang sarili ang nanginig hindi dahil sa lamig
Kundi sa mga balitang naririnig sa pandemyang buong mundo'y niyanig
Kaya sa inyong nakikinig (nagbabasa) totoo nga'ng mundo'y niyanig
Pero sana'y mangingibaw parin ang Kanyang pag-ibig
At umabot ito sa buong panig ng daigdig

Gusto kong kamustahin ngayong quarantine
Masaya ka ba dahil nabawasan ang iyong mga gawain?
O malungkot dahil allowance mo'y postpone din?

Pagdadasal ba'y hindi mo nakakalimutan?
O hinahayaang mabawasan?
Baka naman mas nagkakaroon ka pa ng time upang facebook ay buksan

Kahit matagal
Maghihintay mabasa lang ang message ni mahal
Pero yung Bible na madaming message di mo man lang magawang buksan

Namomoblema ka ba kasi hindi muna magawang matulog ng maaga?
Dahil nasanay kanang gabi-gabi nanunuod ng anime at k-drama
Minsa'y umaabot pa ng umaga?

Kaya imahinasyon mo'y kahit saan na napupunta
Kahit anung pikit mo ng mata
Hindi ka parin nakakatulog, patay ka nanaman ni mama

Dahil sa katagang " Anu ba, kakain na!?"
Ang gigising sayo tuwing umaga
Ay mali... tanghali na pala

Nais kong sabihin sayong maging malakas ka
Matuto kang lumuhod at manampalataya
Kung ikaw ay nababahala h'wag manatiling laging tulala

Alcohol ba kamo ang panglaban?
Ee, sa Espiritual?
Ikaw ba talaga'y kaya nitong protektahan?

Mask ba kamo ang solusiyon?
Yan ba talaga ang unang aksiyon?
Para masabing ikaw ay ligtas, dahil ikaw ay may proteksiyon?

Sana'y lubos mong maunawaan
Ang tunay Niyang mensahe't dahilan
Sa panahon ngayon ligtas ba talaga ang may-alam?

Hindi ba nagsamasama na ang lahat ng eksperto
Upang gumawa ng eksperimento
Para makakagawa lang ng vaccine sa covid na ito

Ngunit bakit hanggang ngayon wala pa sa dinami-dami nila, ang tatalino pa
Pero ngayon patuloy parin tayong umaasa
At nagdadasal na sana'y makahanap na
(Thank God, dahil meron ng vaccine, ang mga tao nalang talaga ang umayaw.)

Pero lahat ng yun ay para sa katawang pisikal
Panu naman ang pangespiritwal
Baka naman kasi hindi pa lahat nakakaalam at lubos na naiintindihan

Na magiging ligtas ka pag si Kristo ang nasa puso't isipan
Para makamit ang tunay na kaligtasan

Tandaan mo, mundo'y walang kasiguraduhan
Lahat ng pangako ng kahit sino man ay mababaliwala lamang
Ang tanging pangako lang ng Panginoon ang di mababali nino man

'Pag sinabi Niyang ligtas ka,  LIGTAS KA!
Pero bakit may iilan paring nangangamba?
Sa virus na tinawag nilang corona nung una

Nasindak agad ang iba
Makalipas ang isang buwan meron paring nagpapasikatan sa social media
Kesyo hindi daw nila kaya

Nasindak ka ba gaya nila?
Nasindak ka ba sa isang covid 19?
At nakalimutang may Diyos na nagpapako sa krus para sa atin?

Nagpapako sa krus at ang lahat ay tinapos
Hindi tulad ng ex mo niyo, lahat nga tinapos
Pero meron paring sakit na iniwan pagkatapos

Spoken Words Poetry (random genres)Where stories live. Discover now