Paalam Kaibigan

3 1 0
                                    

Wala iyan sa edad
Ni wala nga din yan sa papyularidad

Ang kamatayan ay parang magnanakaw
Walang nakakaalam kung kailan dadalaw

Sa kanyang pagyaon
Nabigla ang lahat, mistulang mapanagimpan

Ayaw tanggapin ng puso't isipan
Dahil siya'y malaking kawalan

Mga barkada mo ay umiyak, nagluksa
Pero ako yung kaibigan mo'ng tanong ang nasa

Bakit mo'ko iniwan at hinayaang mag-isa?
Paano na ako? Sabi noon tayo ay iisa

Alam kong ayaw mo akong sobrang madalamhati
Pero di'ko mapigilan ang damdamin ko'ng sumisidhi

Ito nalang ang magagawa ko, ang magluksa
Dahil hindi madali ang iyong pakawala

Gusto ko paman din
Na ika'y makapiling

Pero naisip ko
Napakaswerte mo

Dahil alam kong ika'y masaya na
At hindi na kailanma'y masasaktan pa

Lagi ko nalang dadalhin,
Ang iniwan mo'ng alaala

At bawat minuto'y alalahanin,
Ang mga panahong kasama ka

Paalam kaibigan.

Spoken Words Poetry (random genres)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ