OVERTHINKER

6 1 0
                                    

Mahirap kalaban ang utak kaysa puso
Mahirap pero sana kayanin mo

Okay lang masobrahan ka ng pagmamahal
Pero ang masobrahan ka ng pag-iisip, hindi yon normal

Dahil sa kakaisip hindi ka makakatulog sa gabi
Maganda ka nga pero stress ka palagi

Takot ka na ring sumubok kasi puro negatibo ang nasa utak mo
Pssst!  Piliin mong magpahinga kaysa sumuko

Huwag magpabalot ng trust issues kaya pati sarili mo pinagdududahan mo
Magtiwala kang kaya mo huwag magpadaig sa hamon ng mundo

Huwag kana ring mangamba sa nakaraan
Baka pati ang iyong hinaharap ay di mo na mapaghandaan

Hindi mo dapat kinakalaban ang sarili mo
TULUNGAN DAPAT KAYO!

Tama na yang pag-iisip mo ng sobra
Gumagawa ka lang ng sarili mong problema

Mahirap pero sana kayanin mo
Piliin mong lumapit sa Kanya(kay God) kaysa sumuko

Oo naman hindi siya madali
Pero hindi mo naman kailangang magmadali

Hindi ka dapat habang buhay na OVERTHINKER
Bakit, jan ka ba makakahanap ng forever?

Huwag kang loyal sa problema
Maikli lang ang buhay piliin mong maging masaya

Arasseo?

Spoken Words Poetry (random genres)Where stories live. Discover now