"NAKITA KO NA"

14 2 0
                                    

Nakita ko na.
Nakikita mo rin ba?
Sa una pa lamang ay tanaw ko na.

Natatanaw na....
Ang unti-unting pagbabago
Na hindi na makatao

Nakikita mo rin ba?
Ang kasalukuyang kaganapan
Kung saan ay napapabayaan at na-aabuso ang paggamit ng karapatan

Sa katunayan, lalaki ka man
O isa sa mga kababaihan
Lahat tayo ay may pantay na karapatan

Ang Diyos na naglikha sa atin
Ay isang Diyos na nagmamahal ng pantay at walang pinipiling kasarian
Kaya kung ang lahat ng tao'y gaya ng Diyos kung magmahal

Nakikita ko na
Nakikita ko na ang pag-asang hindi imposibleng mangyari
Kung binigyan lang natin ng bili

Upang sa gayon lahat tayo sa huli
Hindi magsisisi
Ano man ang iyong kasarian

Pangalagaan mo ang iyong karapatan
Huwag mong gamitin sa kasamaan
Upang sa ganun dalhin ka nito sa kapayapaan

Marapat na ika'y igalang
At bigyang karapatan
Anuman ang iyong katayuan sa lipunan

Spoken Words Poetry (random genres)Where stories live. Discover now