<2> First Day

18 3 0
                                    

Jade's POV

"Jace bakit naman ganun yung pakikitungo mo kay Mommy?"pagkonpronta ko sa kapatid ko. Humarap naman siya sa'kin at sinuot yung pangmaldita niyang mukha. 

"Why ate? Is something wrong?" painosenteng balik-tanong niya sa'kin. Napairap na lamang ako kasi ineenglish niya na naman ako. Alam na alam niya talaga kung paano mananalo sa isang usapan. Napakamaldita lang!

"Isa lang ang masasabi ko Jace ha, respetuhin mo naman si Mommy. Lagi niya na ngang ginagawa ang lahat para naman mapansin mo siya hindi yung palaging kasa-kasama mo si Daddy" parang teenager kong pangaral sa kanya. 

"Hindi mo naman kasi alam ate ang nangyari kaya just shut up" nanginginig niyang sabi. Napaatras naman ako kasi punong-puno ng galit at hinanakit yung mata niya. Hindi ko din kasi alam kung bakit siya iwas kay Mommy. Nahihiya naman akong magtanong kay Mommy at lalong ayoko magtanong kay Jace baka magmaldita lang. Nakakahiya umusisa ng buhay ng may buhay baka pagkamalan kang tsismosa. 

"Jace just respect our us Mom" alam kong pamali-mali at hindi ayos ang pagkakasabi ko pero gusto kong sabayan yung kapatid ko sa pag-eenglish eh bakit ba? 

"Manahimik ka na lang ate Jade, hindi mo maiintindihan" mapaklang saad niya at umalis na sa harap ko. Siguro mapunta na siya sa classroom nila, alam na naman naming pareho ang mga classroom namin kasi kasama kami noong nagbrigada yung mga yaya namin noong summer. 

Pero maiba ako, bakit kaya ganoon si Jace kay Mommy? Dati naman close kaming lahat sa isa't isa pero bakit parang iba na ngayon? Parang minsan nga nararamdaman ko na nakahati sa dalawa ang pamilya namin. Hindi ko alam kung bakit ganito yung pakiramdam ko, para kasing may mali. Pero hindi ko alam kung ano yung mali na yun. O baka wala naman talagang mali? Naprapraning lang ata ako. 

Lumakad na din ako papunta sa building namin, isang building lang naman kami ni Jace, kaso dahil magkaibang section kami edi magkaiba ang classroom namin. Nang pumasok na ako sa classroom namin andaming bata ang nagtingginan sa'kin, may mga parents pa ding pinagpapaliwanagan yung mga anak nila. Ngumiti ako ng awkward dahil halos lahat ng naririto ay nakatinggin sa'kin. Dali-dali ko na lang binababa yung bag ko sa bakanteng upuan na nakita ko at tumakbo na palabas. 

"Sheesh! Hanep naman, ayoko ng pinagtitinginan ako. Nakakahiya!" bulong ko sa sarili ko at huminto na sa pagtakbo. Napaupo naman ako sa bench na nakita ko at nagpahinga muna saglit. Nakakahingal pala tumakbo at nakakapagod. Dito muna ako habang hindi pa nagtatime para hindi nakakahiya kapag pumasok ako doon. 

At dahil napagod ako sa pagtakbo nauhaw ako kaya naglakad ako papunta sa canteen para bumili ng mineral water. Buti na lang talaga at yung wallet ko ay nilalagay ko palagi sa bulsa ng palda ko, kasi kung hindi mamamatay ako sa uhaw ngayon. 

Pagkabili ko ng tubig ay lumabas na'din kagad ako sa canteen, andami kasing tao nakakahiyang pinagtitinginan ka. Dahil maaga pa naman at ayaw ko pang bumalik sa classroom ay napagpasyahan ko na mag-ikot ikot muna sa school. 

Hindi naman masyadong matao kasi nga first day of school at lahat ng estudyante ay nasa kanya-kanya nang room at ako lang ata ang hindi kasi nahihiya ako sa mga bago kong kaklase. Ang unang natunton ng mga mata ko ay ang gymnasium, malawak at malaki iyon. Sa magkabilang side ay may bleachers na magsisilbing upuan sa mga mapaparito, at sa gitna naman ang napakalaking stage. At itong kinakatuyuan ko ngayon ang entrance ng gym. Tahimik ko lang pinagmamasdan ang loob ng gymnasium kaso nagulat ako ng may tumawag sa'kin. 

"Hija, are you lost?" tanong sa'kin ng di pamilyar na babae. Agad naman akong napaatras dahil hindi ko siya kilala tapos kakausapin niya na lang ako bigla. 

"Naliligaw ka ata hija, halika ka na ihahatid na kita sa room mo, kaso ihahatid ko muna itong anak ko ha. Teka ano na bang grade mo na?" sunod-sunod na tanong nito kaya lalo akong natakot at nahihiya ng sabay. 

"Mom your scaring her" rinig ko pang bulong ng batang kasama nang babaeng kumakausap sa'kin. Napatingin naman muli sa'kin yung babae at ngumiti na parang nagsosorry. 

"Pasensya na hija, naliligaw ka ba talaga?" pagtanong niya sa'kin kaya nagdadalawang isip ako kung sasagutin ko ba ang tanong niya. 

"Hindi ka ba nakakapagsalita?" pagtatanong na naman niya kaya medyo naconscious ako. Baka mapagkamalan pa akong pipi rito. Kaya nilakasan ko ang loob ko at huminga ng malalim. 

"Mommy said don't talk to strangers" nahihiya kong tugon rito. Hindi ko kasi sure kung tama o mali ang grammar na nagamit ko sa sagot na iyon. 

"Oh I'm sorry, but I can introduce myself to you. Para hindi na ako stranger di ba?" suggest niya pero umiling ako. Bilin din sa'kin ni Mommy na modus operandi lang daw yung pagpapakilalang ganyan. Tapos kapag nakuha na daw yung loob at sumama ako sa kanya sasaktan niya daw ako. Kikidnapin, papahirapan tapos ibebenta niya daw ako kung kani-kanino. At ayaw ko namang mangyari yun. 

"Ako si-" hindi ko na pinatapos ang mga sasabihin niya kasi tumakbo na kagad ako. Kailangan kong protektahan ang sarili ko sabi ni Mommy. Buti na lang at wala si Jace rito kasi baka makuha siya ng taong yun. 

Nang makalayo na'ko muli akong hiningal at napagod, salamat na lang dahil nagkalat ang mga bench sa school na ito kaya makakapagpahinga ako. Lumingon-lingon muna ako sa paligid kasi baka nasundan na pala ako nung babae. Buti na lang at nakatakas ako kagad kasi baka kung hindi nasa ibang lugar na ako ngayon tas tatawagan nila si Mommy at Daddy para manghingi ng pera para iligtas ako. Tapos kapag walang naibigay sina Mommy ibebenta nila ako sa iba. Ayoko nun. Ayokong manyari sa'kin yung nangyayari sa mga teleseryeng pinapanood ni Mommy tuwing gabi sa living room. 

"Teka baka late na'ko!" wala sa sariling sambit ko sa hangin kaya muli akong napatakbo pabalik sa building namin. Kaso hindi ko na pala kayang tumakbo kaya naglakad na lang ako pabalik sa room. Hindi naman siguro ako papagalitan kasi first day of school ngayon, wala naman masyadong gagawin di ba? 

Napansin ko lang ah, ang malas ng first day ko. Nakakapagod tumakbo ng tumakbo. Tapos nakakatakot kumausap ng mga kung sino-sinong lumalapit sa'yo. 

Habang papalapit na'ko sa building namin may naririnig akong sigawan. At dahil malas nga ang first day ko ngayon, nakasalubong ko pa sila. 

"Pahiram kasi!" sigaw nung isa. 

"Ayoko nga" sagot nung batang lalaki na may hawak na laruan. 

"Ang damot mo naman" sigaw muli nung isa pang nakapalibot sa kanya. Bale apat na lalaki ang nakapalibot doon sa lalaking may hawak na laruan na hindi ko alam kung anong tawag. 

"Hindi nga kita kilala eh!" pasigaw na sagot nong may hawak na laruan kaya naman nainis yung mga nanghihiram sa kanya. 

"Sumisigaw ka na ngayon ah!" 

"Ang yabang mo naman" 

"Porket may ganyan ka ang damot mo"

"Magpapabili din ako niyan" 

"Edi bumili kayo!" sigaw muli nung inaapi nila. 

"Sobra na ang yabang mo bata, bagong salta ka lang dito" napipikong sambit nung isa kaya naman napatakbo ako palapit sa kanila ng di oras. 


Dear Brain,

Alam kong don't talk to strangers ay isa bilin ni Mommy pero masama bang tulungan 'yong lalaking nakikita kong kinakakawawa ng mga mas nakakatanda sa'min? Masamang manakit ng kapwa yun yung sabi ni Mommy sa'kin, pero mas masamang hayaan na lang yung inaapi, di ba? 

-Jade


Love Between the Childish Playboy and the Shy Maldita (Bad Love Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon