<96> Relationship Status

8 2 0
                                    

James' POV

Maaga akong nagising ngayong umaga, duda ako diyan, hindi ata ako nakatulog sa sobrang saya ko kagabi. Para akong kiti-kiti na paikot-ikot sa higaan ko kagabi at parang bading sa mga irit kong nakakarindi. 

Sino ba naman ako para patulugin ng kilig ko di ba? 

Okay lang, worth it naman yung puyat dahil si Jade naman ang dahilan noon. 

Halos kalahating oras akong nagtagal sa banyo, hindi dahil sa tagal maligo kundi dahil nag-concert pa ako. Sinong magtatagal ang paliligo? Ang lamig kaya ng tubig sa umaga! Wisik lang okay na, required pa bang maligo? Oo required dahil kailangan kong maging fresh ngayong umaga, kaya naman naligo ako gamit ang isang tabong tubig, okay na 'yon ngayon lang naman bukas hindi na. Ayos na yung isang buhos kesa naman sa isang wisik lang di ba? 

Hindi ako nakuntento sa concert ko sa banyo kaya naman tinuloy ko ito hanggang sa kusina. Para akong kawayang tinatangay ng hangin sa galawan ko ngayon. 

Pakendeng-kendeng habang naghahanda ng makakain ko ngayong umaga. At syempre sinasabayan ko din yun ng mahinang pagkanta, hanggang sa nadala na ako sa'king kinakanta at napapabirit ng sintonado. Ganan kasaya ang umaga ko ngayon, kaso may umepal lang kaya pansamantalang napause ang concert ko. 

Isang malakas na kalabog ng pinto ang nagpatigil sa'kin. Kaya naman agad akong napahawak ng mahigpit sa'king spatula gaya ng tibay ng pagkakahawak ni Spongebob sa sarili niyang spatula kapag may nagtatangkang kunin ito sa kanya. Para na'kong isang ninja ngayon na nag-aabang kung sino ang naglakas loob na pasukin ang napakawalang buhay na bahay na ito.

 Sisigaw na sana ako ng mala-ninja kapag nagsisimula na silang magkarate, teka nangangarate ba ang mga ninja? Basta 'yon, hindi lamang natuloy 'yon dahil nakilala ko na kung sino ang pumasok sa bahay na ito. Walang iba kundi ang Papa ko. Babatiin ko na sana siya dahil nga good mood ako pero hindi niya nga manlang napansin na nandito ako. Para lang akong hanging dinaanan niya habang kumukuha ng maiinom sa ref namin, hindi niya manlang maalis ang atensyon niya sa kanyang cellphone. Kaya naman pinagpatuloy ko na lamang ang ginagawa ko at inalis na lang ang sama ng loob sa damdamin ko. 

Good Mood ako, remember? 

Natapos na'ko sa niluluto ko kaya naman agad ko sanang iaalok ito kay Papa, kaso bago pa manlang ako makapagsalita ay narinig ko nang papaalis na ulit siya. Malugod kong tinanggap 'yon, tutal sanay naman na ako. Magsisimula na sana akong kumain ng makarinig na naman ako ng pagbukas at pagsara ng pinto, akala ko bumalik na si Papa para sabayan ako kumain pero si Mama naman pala ang dumating. 

Sa kanya ko na sana iaalok ang niluto ko, pero gaya ni Papa parang wala lang din ako sa kanya. Dire-diretso siyang pumasok sa loob at nakarinig ako ng laguslos ng tubig at ilang minuto makalipas dali-dali na din siyang umalis sa pamamahay na 'to. Ni hindi manlang niya ako sinabayang kumain kahit na nakita na niyang may hain na ako sa lamesa. 

Krazy Family. 

Tinapos ko na lamang ang pagkain ko at nang may makita akong may tira dahil nga nagluto ako dahil nakita ko silang umuwi, pero hindi lang din naman pinansin, nanghinayang ako sa pagkain. Hays, pamilya pa ba ang tawag sa ganito? Kahit sa pagkain manlang ng kahit isang beses sa isang araw o di kaya sa isang buwan, hindi manlang nangyari? Ni hindi ko na nga matandaan kung kailan ang huli naming salo-salo, o nagkasabay-sabay nga ba kami sa pagkain? 

Pilit ko na lang pinagaan ang kalooban ko at sa 'di inaasahan ay may magandang ideya ang pumasok sa kukote ko. Isang nakakakilabot na ngiti ang pinakawalan ng aking mga labi sa ideyang naisip ko. 

Oo may isip ako, 'wag kayong ano!

Agad kong pinaglalagay sa malinis na tupperware ang mga niluto ko, at syempre inassamble ko 'to like power rangers assemble! Joke lang, inayos ko 'to with love. Syempre para sa kanya 'to eh.

Love Between the Childish Playboy and the Shy Maldita (Bad Love Series #2)Where stories live. Discover now