<23> Red Dot

4 3 0
                                    

Jade's POV

"Yes tapos na!" malakas na sigaw ni James dahil tapos na ang periodical exams namin. 

"Isang quarter na lang bakasyon na!"pagdiriwang pa ng iba kong mga kaklase. 

Ang buong klase ay nagdiriwang dahil tapos na nga ang exam days, pero maliban sa'kin. Kahit na gusto kong makidiwang sa kanila ay bukod sa nahihiya ako ay ang sakit ng nasa bandang tiyan ko. Simula ng pagkakain ko ng tanghalian ay sumakit na iyon. Hindi naman ako nasusuka o natatae o kung ano. Basta hindi ko maipaliwanag! Gusto kong kumain ng meringue! Pero wala namang ganon sa school canteen. Gusto ko ng mangga kaso kapag naiimagine ko ng kinakain ko iyon ay nangangasim na ako! Andami kong gusto pero kasunod lahat ng iyon ay pero! 

"Jade okay ka lang?" kalaunang nag-aalalang tanong sa'kin ni James. May kung anong humaplos sa puso ko ng mapakinggan ko ang boses niyang nag-alala sa'kin, pero iba ang lumabas sa bibig ko. 

"May okay ba na namimilipit na sa sakit, ha?" may pagkamalditang tugon ko. 

"Oh chill, nagtatanong lang naman eh" nakapout na saad nito at umupo na muli sa tabi ko. Hindi ko katabi ngayon si Clyde Justin dahil pinaghiwa-hiwalay ang mga upuan. 

"Sorry" paawang wika ko sa kanya. 

"Woah! Ang bilis magbago ng mood mo ah!" 'di makapaniwalang saad nito. 

"Anong nakain mo at nagkakaganyan ka?" ngayon ay tumatawang sambit niya. 

"Tinatawanan mo ba ako ha? Anong nakakatawa sa'kin?" muling pagmamaldita ko rito. Bakas sa mukha niya ang pagkagulat pero hindi ko 'yon pinansin at pinagpatuloy ang mga gusto ko pang sabihin. 

"At ano? Anong nakain ko at nagkaganito ako? Wala pa nga akong kinakain eh! Kaya siguro ako nagkakaganito!" 

Nang tinggnan ko siya nakakunot ang kanyang noo at parang sa itsura niyang iyon nakaramdam ako ng takot. 

Galit ba siya? Nagalit ba siya sa mga pinagsasabi ko?

"G-Galit ka b-ba?" kinakabahang tanong ko rito. Pinagtaasan niya naman ako ng kilay kaya naman lalo akong natakot. 

"Sorry kung nagalit kita, hindi ko sinasadya. Sorry sorry" pagmamakaawa ko rito. Pero hindi naman siya umiimik. 

"Please? Sorry na" pagpapacute ko rito, baka sakaling effective. 

Naguluhan ako sa kinilos niya. Bigla niyang binuka ang bibig niya at nagform yun ng letter 'o' at tumango-tango din siya. 

"Pinaggagawa mo?" naiinis ko na namang tanong. Pinagtritripan ata ako nito eh. 

Mas lalong nag-init ang ulo ko ng ngumisi siya. 

"Ano ba?! Pipi ka na ba? Bakit hindi ka naimik?" ngayon ay napipikon na ako sa mga kinikilos niya. Nawalan na ba siya ng voice box kaya hindi na siya makaimik? 

"Kapag hindi ka umimik sasapukin kita!" pagbabanta ko rito. 

"Ito na nga oh naimik na!" nakangising sagot nito sa'kin. 

"Anong nginingisi-ngisi mo diyan?" pagmamaldita kong muli. 

"Wala naman. Naisip ko lang kung may gusto ka bang kainin?" agad nagningning ang mga mata ko ng marinig ko ang katanungan niya. 

"Oo madami! Bakit mo ba tinatanong?" pakunwaring tanong ko. 

Sheesh, feeling hindi gutom Jade?

"Wala naman. Gusto mo bang samahan kita sa pagbili?" pagsagot nito. 

"Sasamahan lang? Hindi mo'ko ililibre?" makapal na mukhang tanong ko. Agad naman siyang napahagikhik sa tanong ko kaya naman naestatwa ako sa kinatatayuan. 

Love Between the Childish Playboy and the Shy Maldita (Bad Love Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon