<66> Cake of Memories

2 2 0
                                    

Jade's POV

"Cake of memories natin 'to" wika pa ni James. At binasa ko nga ang nasa topper ng cake na hawak niya. 

Memories of Jadylyn and James. 

"Happy heart's day Jadylynda ko!" masiglang sambit niya pa bago iabot sa'kin ang cake na siya namang kinuha ko kagad. 

"Thank you James" ang tanging nasabi ko habang pinagmamasdan ang cake na binigay niya sa'kin. 

Kulay blue ang icing nito, kulay na parehas naming paborito ni James. Sa ibabaw ay may nagkalat na fudgee bar na durog at iced gems na nagpapaala sa'kin na 'yon ang mga baon namin dati noong una kaming nagkita. Meron ding stick-o na palagi naming binibili sa tindahang katapat ng bahay namin. Sa gilid naman nito ay drawing ng paborito naming laruin noong mga bata pa kami ni James, ang nintendo niya at ang badminton na niregalo ko sa kanya noong birthday niya. At syempre hindi mawawala ang drawing ng paborito namin cartoons, Spongebob Squarepants. At hindi mawawala ang tittle ng theme song namin, Dati ni Sam Conception. 

Patuloy ang pagtulo ng luha ko, dahil sa buong buhay ko ito ang pinakagusto kong binigay sa'kin. Naiiyak ako sa tuwa dahil ang cake na 'to ay punong-puno ng mga pinagsamahan namin ni James. 

"H-Hindi mo ba nagustuhan?" kalaunang tanong ni James na siyang ikinapagtaka ko. 

"Ha? Pinagsasabi mo?" tanong ko sa kanya. 

"Naiyak ka kasi, napapangitan ka ata sa regalo ko. Sorry Jade wala kasi akong maisip eh" wika nito na ikinatawa ko ng bahagya. 

"Tears of Joy 'to James. Masayang-masaya ako kasi napaka-unique ng regalo mo sa'kin ngayong valentines" paliwanag ko dito. 

"Ganon ba?" 

"Oo" 

"Jade sana 'wag mo akong iwasan ngayong alam mo nang gusto kita" kinakabahang sambit nito sa'kin. 

"Bakit naman kita iiwasan?" nagtatakang tanong ko dito. 

"Kasi yung kanta mo pang-friends, baka iwasan mo na ako ngayon dahil hanggang kaibigan lang ang tinggin mo sa'kin" nakapout na saad niya at may kung anong umano sa kalooban ko. 

"Ang totoo niyan-"

"Ehem nandito pa kami ha" pagpuputol ni Scian sa paglalakas loob kong sabihin na kay James ang nararamdaman ko. 

Agad kaming nagkaiwasan ng tinggin ni James dahil sa sinabing 'yon ni Scian. Agad din akong nakaramdam ng hiya ng mapagtantong pinapanood ang bawat galaw namin ni James, ng mga kaklase namin maging si ma'am Lyn ay nakangisi sa amin. 

"Wala na may nanalo na" banggit pa ni ma'am kaya naman nagsimula na muling magkantyawan ang mga nasa loob ng room. 

"Ehem, ano 'to sahig?" saad ni James at tumayo na sa pagkakaluhod niya. 

"Linis ah" dagdag pa nito at pinadulas pa ang sapatos niya dito. 

"Oo nga, bagong floorwax" pakikisabay ko pa sa kanya para mabawasan ang hiyang nararamdaman ko. 

"Nakatiles tayo sira!" banggit ni Scian na siyang ikinatinggin ko kagad sa baba. 

"Bagong map pala" pagtatama ko bago nakarinig ng hagikhikan. 

"Kintab ah!" sabi pa ni James bago pasimpleng umupo sa isa sa mga upuan. 

"Akin na muna ang cake baka matunaw sa init ng tensyong nararamdaman niyo" patawa-tawang singgit ni Kevin at agad na kinuha ang cake sa mga kamay ko. 

Love Between the Childish Playboy and the Shy Maldita (Bad Love Series #2)Where stories live. Discover now