<47> Shocked

5 3 0
                                    

Jade's POV

Malapit na ang birthday ni Maira, malapit na ang inaasam niyang hindi na maging tago ang relationship nila ni Kevin. Kaso 'di gaya dati na excited na excited siya one week before ng birthday niya. Paano kasi nagkaaway-away kaming tatlo, si Scian hindi na nagpaparamdam sa amin. Tapos kami ni Maira muntikan pang magkagalit ng husto, buti na lang nagkaayos din kami kaagad. Kasi kung hindi baka tuluyan ng masira ang pagkakaibigang binuo namin at pinagsamahan namin sa halos tatlong taon. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa'kin kapag nangyari 'yon. Kaya hanggang ngayon hinihiling pa din namin ni Maira na sana magkaayos-ayos na kaming tatlo bago pa mangyari ang birthday niya. 

Kaso mukhang ako lang ata ang makakasama niya sa special day niya tapos ang mangyayari male-late pa ako. Paano ba naman kasi, ako ang pinasama ni Daddy sa contest na sasalihan ni Jace. Kailangan daw kasi ng guardian o kahit sinong kasama manlang para sila ang magsasabit ng medal kapag nanalo sa contest. At syempre confident si Jace na mananalo siya don, kaya lang hindi siya masasamahan ni Daddy dahil napakabusy nito sa trabaho, si Mommy naman, hindi ko na alam kung nasaan. Kaya wala akong ibang choice na samahan siya dahil ako na lang ang natitirang option niya. Ayos na din siguro na ako ang kasama niya para naman malaman ni Jace na sinusuportahan ko ang ginagawa niya. 

Kaya naman kasalukuyan kaming naririto sa hotel, kakadating lang naman kasi namin dito sa Zambangoa, dito daw kasi gaganapin ang contest na sasalihan ni Jace. National School Press Conference, 'yan ang tawag sa contest na sasalihan ng kapatid ko. Ang galing niya di ba? Nakarating siya sa isang National Contest, nakakaproud lang, lalo na't ako ang kasama niya dito ngayon. 

Pagpasok sa room nagulat ako dahil iisang kama lang pala ang naririto, at pahimadong ayaw akong katabi ng kakambal ko kaya naman agad na akong nagsalita. 

"A-Ah dito na l-lang ako sa s-sofa matutulog" kinakabahang pagpriprisinta ko. 

"What's the bed for? It's spacious" ang naging tugon niya sa sinabi ko. Napalunok naman ako, si Jace ba 'to? Bakit pinapayagan niya akong tumabi sa kanya? 

"S-Sure ka b-bang ayos lang na k-katabi mo ako?" kinakabahang tanong ko pa.

Hindi niya nagawang sagutin ang tanong ko dahil may kumatok na sa pintuan ng kwarto namin dito sa hotel. 

"Excuse me po, pinapakuha na po ang lahat ng gadgets, nasabi naman na po kanina na bawal pong gumamit. And about po sa contestant, may short meeting daw po tayo" magalang na pahayag ng taong nangatok sa pintuan. Agad naman naming binigay ang pakay niya, chineck niya din ang mga bag namin dahil baka may tinago pa daw kaming gadget. 

Sheesh, grabe lang sino pa bang mag-iisip na magtago ng gadget eh nakakatakot kayang lumabag sa rules na binigay nila.

"Salamat po, makukuha niyo din po 'to sa last day" ang huling sinabi niya bago umalis. 

"S-Sige na Jace p-punta ka na d-don ako na lang ang mag-aayos ng mga gamit n-natin" sambit ko rito pero tinitigan niya lang ako. 

"K-Kung okay lang sa'yong hawakan ko ang gamit mo?" dagdag ko pa para naman mabawasan ang tensyon na nararamdaman ko. Pero ganon pa din ang reaksyon niya, pero tinanguan niya na lamang ako bago umalis ng tahimik. 

Bakit ganoon si Jace? Bakit parang hindi niya ata ako minamalditahan? 

Inalis ko na lamang ang agam-agam ko bago magpatuloy sa pag-aayos ng mga gamit namin. Natapos na ako sa pagliligpit at paglilinis ng kaunti pero hindi pa din dumadating si Jace, mukhang dumiretso na din siya sa practice nila. Sabagay, hindi na ako magtataka kung hindi na siya nagpaalam sa'kin dahil napilitan lang naman siyang pumayag na ako ang sumama sa kanya dito. Magpapahinga na sana ako ng maramdaman ko na naglalagkit na katawan ko sa pawis, kaya naisipan ko munang maghalf bath bago magpahinga, tutal wala din naman dito ang cellphone ko. 

****

Kakatapos ko lang maglinis ng katawan ng mapakinggan ko na nagbukas ang pintuan ng kwarto ng hotel na 'to, mukhang dumating na si Jace. Nagbihis muna ako bago lumabas ng tuluyan sa banyo na nandidito din sa loob ng kwarto. Kaso laking gulat ko ng pagkalabas ko ay may napakinggan akong hikbi, kaya naman dali-dali akong naglakad papunta sa tunog na iyon. 

Nadatnan ko si Jace nakadapa sa kama, nanginginig ang mga balikat na nagsasabing umiiyak nga siya. 

"J-Jace, bakit?" nag-aalalang tanong ko sa kanya at nilapitan siya. Nang humarap siya sa'kin kitang-kita ang pagkabigla sa mga mata niya

"A-Akala ko w-wala ka d-dito, akala ko lumabas ka. Sorry nakita mo pa akong umiyak" tugon niya at pinunasan ang mga luha niya at umarte na parang walang nangyari. Akmang babangon na sana siya ng pigilan ko siya. 

"Bakit ka umiiyak? Sinong nagpaiyak sa'yo? Ako ba ulit?" sunod-sunod na tanong ko sa kanya. 

"Wala, hindi ikaw. Wala lang 'to" sagot niya pero hindi ako nakumbinsi doon. 

"Pwede mo namang sabihin sa'kin eh, handa naman akong makinig sa'yo" pagkukumbinsi ko sa kanya pero nanatili siyang tahimik.

"Kapatid mo naman ako Jace, pwede mo naman akong iyakan" pagpapatuloy ko pa din. 

"Ate" hagulgol ni Jace at yumakap sa'kin. Wala sa sariling napaiyak na din ako dahil sa ikalwang pagkakataon nakikita kong umiyak ang kapatid ko. At hindi niyo ako masisisi kung bakit may tuwa akong nararamdaman dahil sa pagkakataong ito pinili ni Jace na umiyak sa balikat ko, na ate pa din ang turing niya sa'kin kahit ngayon lang. Doon ko lang naramdaman na may pakinabang pa pala ako sa kanya. 

"Iiyak mo lang Jace, nandito lang ako" bulong ko pa sa kanya bago hagudin ang likod niya para naman kumalma siya ng kahit kaunti. 

"A-Ate si K-Kevin, s-sinaktan niya ako" parang batang sumbong niya sa'kin. 

"Pinaasa niya ako ate" dagdag niya pa, kaya naman agad nabuo ang galit sa puso ko dahil si Kevin pala ang may kagagawan kung bakit umiiyak ang kapatid ko ngayon. 

"May b-balak si Kevin sa kanya ate" sa sinabi ni Jace na 'yon naalala ko si Maira. 

Sheesh! Totoo ang mga sinabi ni Scian sa amin!

Ikwinento niya sa'kin ang lahat ng nalalaman niya. At hindi ko mapigilang mag-alala kay Maira, pero si Jace ang kasama ko ngayon. Siya dapat ang iniintindi ko, para naman maramdaman niya na hindi talaga ako bias. 

"Kelan pa, kelan ka pa niya sinaktan?" pag-uusisa ko sa kanya. 

"Matagal niya na ako tinext pero hindi ako naniwala, tapos kahapon pinakiusapan ko siyang kausapin ako ng harap-harapan at don ko nakumpirma na ginamit niya lang nga ako" 

"Bakit 'di ka nagsabi sa mga kaibigan mo? Bakit di mo sinabi kay Mey?" takang tanong ko dahil kung matagal na pala niyang alam na binasura lang siya ni Kevin, bakit 'di manlang siya nanghingi ng tulong sa mga kaibigan niya? 

"She's not my friend! Alam ko 'yon matagal na pero pinagpipilitan kong isiksik ang sarili ko sa kanila kasi wala namang ibang lumalapit sa'kin" pagconfess niya sa'kin kaya naman nagulat ako sa rebelasyong iyon. 

"Sinabi ko din naman sa kanya 'yong tungkol dito eh, pero parang hangin lang ako noong nagsasabi ako sa kanya!" pagpapatuloy niya pa. 

"Ano nang plano mo?" pag-iiba ko ng topic dahil ramdam ko ang inis ni Jace kay Mey. Ayaw ko namang tamnan ni Jace ng galit ang puso niya. 

"Gusto kong sirain ang plano ni Kevin, gustong-gusto kong maging misarable siya gaya ng ginawa niya sa'kin! Muntikan ng mawala ang pwesto ko sa contest dahil sa kanya" tugon nito sa'kin. 

"Jace magpahinga ka muna, maaga ka pa bukas para sa contest mo. 'Wag mong hayaang sirain ni Kevin ang pangarap mong manalo sa NSPC" bilin ko sa kanya na hindi naman niya tinanggihan. 


Dear Brain,

Nakakagulat lang ang mga sinabi ni Jace sa akin. Hindi ako makapaniwala na pinaikot lang kaming lahat ni Kevin. Sinira niya ang pagkakaibigan naming tatlo ni Scian at Maira. Sinaktan niya ang kapatid ko. Gagawin ko ang lahat para hindi siya magtagumpay sa plano. Para kay Maira at Jace. Para sa dalawang taong mahalaga sa buhay ko. 

-Jade.

Love Between the Childish Playboy and the Shy Maldita (Bad Love Series #2)Where stories live. Discover now