<31> A Day with Them

8 4 0
                                    

Jade's POV

Simula ng araw na 'yon ay tunay ngang naging magkakaibigan na kaming tatlo nina Maira at Scian. At pagdating naman kay CJ, sa napapansin ko, ang palagi niya ng kasa-kasama ay 'yung dalwang lalaki na nakisabat sa pag-uusap nila ng dating girlriend niya. Yung unang nakapartner niya sa laro na si John Ashvin, o mas kilala bilang Ash. At 'yung bully na anak ng principal na si Kevin. 

Kung ang daan ng pagkakaibigan naming tatlo ay 'yung palaro noong first day namin bilang junior high school students. Nakapartner namin ang isa't isa noon at si Scian ang nagpush na dapat na magbebest friends na kami simula noon. Pumayag naman na ako kasi gusto ko din naman silang maging kaibigan. At sa tinggin ko ganoon din si Maira. 

Ang daan naman ng pagkakaibigan nina CJ ay 'yung sagutan nila sa canteen ng unang nabiktima niya bilang isang ganap na babaero, o sa iba ay 'playboy'. Kinabukasan ng insidenteng 'yun napansin ko na nawala na ang babaeng 'yun sa classroom namin. At hanggang ngayon ay palaisipan pa'din iyon sa'kin dahil hindi ko matantsa kung umalis siya ng kusa o pinaalis siya ng Kevin na 'yon. Maalin sa dalwang 'yon ang nangyari kaya nawala siya ng parang bula. 

"Jade 'wag mo ng isipin 'yon, mahal ka non" walang kwentang biro ni Scian. Kasalukuyan kasi kaming nasa bahay nila, wala lang para tumambay. Ngayon na kasi ang last day ng bakasyon bago kami mag grade 8. 

Sheesh, namimiss ko tuloy 'yung mga araw na tuwing bakasyon nasa labas kami ng bahay namin o kaya sa bahay nila. Nagkwekwentuhan, bibili ng mga tagpipisong kutkutin sa tindahang katapat lang ng mga bahay namin, maglalaro ng nintendo niya at kapag nasawa na ay magbabadminton naman kaming dalawa. 

Kung alam ko lang na may katapusan pala ang kasiyahang iyon kasama siya tuwing bakasyon, edi sana nilubos, sinulit, at inaraw-araw ko na ang mga panahong 'yon.

Mauulit pa kaya? 

"Hindi na nga ako pinapansin" nakapout kong tugon sa sinabi niya. 

"Wala pa ngang sinasabing pangalan eh" sabat ni Maira kaya sinamaan ko siya ng tinggin. Nang pasadahan ko nang tinggin si Scian, nagpipigil ng tawa ang gaga! 

"Eh kamusta naman ang nambubully sa'yo pero crush mo?" surang pambabara ko sa kanya. Doon na napahalakhak si Scian sa mga salitang binato ko kay Maira. 

"Sinong may sabing crush ko 'yong Kevin na 'yon?" panlalaban ni Maira. Nginisian ko naman siya dahil nahuli ko siya sa sariling salita niya. 

"Sinabi ko bang si Kevin ang tinutukoy ko?" wika ko pa. Rinig ko ang pagtawa muli ni Scian, kung makahalakhak wagas. 

"Syemays, hindi ko nga crush 'yon, si Scian crush 'yon!" pagdadamay niya sa babaeng nabaliw na kakatawa. 

"Oh bat ako nadamay?" dissapointed niyang saad. 

"Tawa ka kasi ng tawa" pagdadahilan ko kunwari. 

"Kasi crush mo naman talaga 'yong Kevin!" pagpipilit pa ni Maira. 

"Oo nga! Pero dati yon! Gaya nga ng sabi ko noong naglalakad tayo sa may corridor, nagparaya na' ko para sa'yo Maira! Malakas ka sa'kin eh!" may halong pang-aasar na sabi ni Scian. 

"Nagparaya ka diyan! Eh hindi ko nga gusto 'yon!" patuloy na pagtanggi ni Maira. 

"Sige itanggi mo lang Maira, walang pipigil sa'yo" panggagatong ko sa kalokohan ni Scian. 

"Sige pagtulungan niyo lang ako!" inis na bulyaw sa'min ni Maira. 

"Ano bang nagustuhan mo sa lalaking 'yon ha? Palagi ka na ngang binubully naging crush mo pa din" patuloy kong pang-aasar dito. 

Love Between the Childish Playboy and the Shy Maldita (Bad Love Series #2)Where stories live. Discover now