<62> Worry

2 2 0
                                    

Jade's POV

May kaagahan ako ngayong pumasok dahil hindi ko din alam. Bakit masama na bang pumasok ng maaga ngayon? Kaysa naman sa malate ako di ba? 'Wag nga kayong maissue. Sheesh, Jade defensive. 

Oo na! Oo na! Sasabihin ko na nae-excite akong pumasok ngayon, actually hindi lang ngayon, kasi simula ng maging textmates kami ni James ay nakakagana na talagang pumasok dahil sa mga pa good morning texts niya at pagiging updated niya sa'kin kahit 'di ko naman sinasabi na mag-update siya sa'kin. At isa pa baka makasabay ko ulit siya sa pagpasok katulad ng dati, at noong balik eskwela na kami, pagkatapos ng christmas break namin. Nagbabakasali lang naman, sheesh. 

Kaso nakapasok na ako ng tuluyan sa classroom, walang James akong nakasabay, at wala din naman siya sa loob ng room. Kaya naman tahimik na lamang akong umupo dahil wala din naman si Scian dito ngayon malamang ay busy na naman. 

Binuksan ko na lamang ang cellphone ko at nagsimulang magtipa ng panibagong text kay James. 

To: James :3

dneh naq skul, san k?

Panggagaya ko sa typings niya, nakakatuwa kasing sakyan ang sari-sari niyang trip sa buhay. Nakalipas na ang ilang minuto pero wala pa akong natatanggap na reply sa kanya. Aba, bago 'yon ah, pagkatext ko kasi maya-maya ay may reply na siya pero ngayon wala pa. 

Sheesh, baka naman kasi naubusan lang ng load Jade. 

Agad akong nagbukas ng socmed ng maisip ko ang posiblidad na 'yon. Kaso pagtinggin ko sa profile niya active 18 hours ago. Naghintay pa ako ng ilang minuto dahil nagbabakasali akong mag-oonline siya pero wala, wala pa din at nagsisimula na akong mag-alala. 

Nagsimula muli akong magtipa ng itetext sa kanya dahil baka naman ay may kung ano lang siyang kinakalikot sa cellphone niya, baka nagawa pa ng nakalimutang assignment at nagse-search pa. 

To: James :3

Bc kb?

My gingwa k pb?

Txt bck k nman pgktpos

Sunod-sunod na text ko dito at hinintay na matapos siya kung meron man siyang ginagawa. Pero nakalipas na ang sampung minuto ay wala pa din. Kaya muling bumalik ang pangamba ko. Napagpasyahan ko na tawagan na siya kasi baka naglalaro lang siya cellphone niya di ba? 

James :3 calling... 

"Sagutin mo please" bulong ko pa sa sarili.

Unattended, hindi nagriring ang cellphone niya. Imposible naman ata yun? Baka naman nakapatay o lowbatt kaya di ko matawagan? 

Inulit ko pa ng ilang beses ang pagdial sa number niya pero wala, kagaya ng mga naunang tawag ay unattended o kaya naman cannot be reach. Doon na ako kinain ng kaba dahil sa tagal na naming magkausap sa telepono ay ngayon lamang nangyari 'to. 

Agad akong lumabas ng room para hanapin si Scian at manghingi ng tulong. Malamang sa malamang ay nandidito lang siya sa loob ng campus dahil wala namang ibang pupuntahan yun. At habang hinahanap ko si Scian ay panay pa din ang pagtawag at pagtext ko kay James dahil baka sagutin niya na yun pero wala pa din. 

Napuntahan ko na ang ilan sa palaging pinupuntahan ni Scian pero hindi ko din siya mahagilap, kahit naman itext ko yun ay hindi siya makakapagreply dahil hindi naman siya nagloload. Hanggang sa mapatigil ako dahil iba ang nahanap ko. Sa halip na si Scian ang makita ko ay ang taong nagpapaalala sa'kin ng husto ngayon ay nakikita ng dalawang mata ko. At hindi lang siya nag-iisa dahil may kasama siya, si Mey. 

Mukhang nag-uusap sila ng masinsinan, at 'di kumawala sa mata ko kung paano titigan ni James si Mey. At parang silang dalawa lang ang tao sa mundo kung mag-usap sila dahil kahit maingay ang paligid ay hindi sila maistorbo sa pinag-uusapan. 

Kaya ba, hindi ako nirereplyan ni James kasi may kausap siyang mas importante sa'kin? Kaya ba hindi ko siya macontact kasi pinatay niya ang cellphone niya para wala makaistorbo sa pag-uusap nila ni Mey? Ayos lang, mas mahalaga naman syempre yung pinag-uusapan nila ngayon kaysa sa'kin na kaibigan niya lang, alangan namang maghangad ako ng mataas di ba? 

"Bagay sila" mapait na pagkakabanggit ko sa mga salitang 'yon. 

Sa mga nakikita ko ngayon mas lalo lang luminaw sa'kin ang lahat. Luminaw na tama ang naging desisyon ko sa pagpili muli ng utak ko kaysa sa puso kong tanga. Na kaibigan nga lang talaga ang turing niya sa'kin kasi ano eh, may iba na nga siyang gusto. Akala ko masakit lang isipin ang posibilidad na 'yon pero mas masakit makita ng harap-harapan at hindi posibilidad pa kasi katotohanan na ang nakikita ko ngayon. 

Tangina Jade, bakit ka ba nasasaktan? Ano bang karapatan mo ha? Kaibigan ka lang naman niya! Dapat suportahan mo siya hindi yung nasasaktan ka! Kaibigan. Kaibigan ka lang niya katulad ng dati. Kaibigan na sasandalan niya at kaibigan na susuporta sa kanya. Kaibigan noon at ngayon. 

Ngayon lang ako napatanong sa sarili na, kung umamin din ba ako noon katulad ng ginawa niya sa'kin noong valentines, ano kayang kahihinatnan namin ngayon? Masaya kaya kami? Hindi kaya ako nasasaktan ng ganito ngayon? Hindi na ba ako mag-ooverthink o maprapraning pagdating sa kanya? Kasi kung oo, sana umamin na lang pala ako. Sana naglakas loob na lang akong sabihin sa kanya ang matagal ko ng pagtinggin sa kanya noon. Sana sinabi ko na noong una pa lang. 

Ang hirap talagang magmahal lalo na kung ang taong yun ay ang kaibigan mo. 

Ang hirap mahalin ng kaibigan.

Kasi 'di ka mapalagay kung anong gagawin mo. Kung aamin ka pwede ka niyang layuan at mawawala siya sa'yo. Pero kapag itinago mo naman, masasaktan ka ng palihim kapag may kasama siyang iba. 

Ang hirap mamili kung parehas lang din namang masasaktan ka. 

It's either masasaktan ka kasi nawala siya sa'yo o masasaktan ka kasi may iba siyang gusto. 

Ang hirap magmahal kapag hindi mo siguro ang mangyayari sa'yo. 

"JADE?!" ang sigaw na nagpabalik sa'kin sa ulirat. Na siya ding ikinadurog ko dahil parang ayaw niya pa akong naririto. 

"A-Ah napadaan lang ako, alis na din ako" nagmamadaling wika ko bago umalis sa kinatatayuan ko. 

Ang tanga mo Jade! Ang tanga tanga mo! Sana nakuntento ka na lang sa kung anong meron sa inyo. Sana hindi ka na lang nagdalawang isip kasi alam mo naman kung saan tutungo ang lahat. Masasaktan at masasaktan ka din kahit na anong gawin mo! Sana pinigilan mo na lang noong una pa bago lumalala, edi sana hindi ka nagkakaganito ngayon! 

Sa dami-daming tao ng pwede kong mahalin, bakit yung kaibigan ko pa? 

Bakit hindi na lang iba, bakit hindi na lang yung mga taong nagmamahal sa'kin? Bakit hindi ko na lang mahalin ang sarili ko? 

Sana pala pinigilan ko na noong maaga pa. Sana pala hindi na lang ako ulit lumapit. Sana pala nakuntento na lang ako sa pagtanaw sa kanya mula sa malayo. Sana nanahimik na lang ako. 

"Long time no see and talk, Jade" napatigil ako sa paglalakad at pag-iisip ng mapakinggan ko ang tinig na yun. Ang boses ng babaeng kinaiinisan ko noon at maaring ngayon din. 

Tinatagan ko ang loob ko bago ko siya hinarap. 

"Mey" pagbanggit ko sa pangalan nito. Kita ko naman ang pagngisi niya at parang sayang-saya pa sa nakikita niya ngayon. 

"Let's have a short talk" 


Dear Brain,

Wala na bang ikasasama ang araw ko? Una pinag-alala ako ng lubos ni James. Sunod makikita ko siyang masaya at ayos kasama si Mey. Tapos ngayon makakaharap ko pa ang babaeng kinaiinisan ko sa buong mundo? Sheesh, I need a break. Kailangan ko naman ng pahinga, utang na loob naman.

-Jade.

Love Between the Childish Playboy and the Shy Maldita (Bad Love Series #2)Where stories live. Discover now