SPECIAL CHAPTER 3

467 12 2
                                    

  Nagulantang siya sa sinabi ni Vienna pero talagang hindi siya makapaniwala sa sinabi nito. How would that happen?He's doomed really big time if it's true.

"Are you f**king kidding me, Vienna Del Mar?!" galit na bulyaw niya dito.Frustrated na frustrated na siya ng mga sandaling iyon.How he wish it was just a dream. Ayaw niyang maging totoo iyon.

  Seryosong tiningnan siya ng babae at hindi ito umimik.Napayuko pa ito ng tingin at waring humikbi."I'm telling you the truth, Lorcan. We have a child."

  Lalong nagpuyos ang kalooban niya sa galit.Hindi niya matanggap ang rebelasyong iyon.Kahit tila imposible iyon ay tatanggapin niya ang bata kung sakali mang anak niya nga iyon.Chances are.

  Alam niyang masasaktan ang mag-ina niya. Napakagago niya talaga. Laging siyang may proteksyon sa mga naka-flings niya way back then at kahit nakainom siya ay hindi siya nagpakalasing maliban na lang noong time na may nangyari sa kanila ni Marga nung kahihiwalay pa lang nila ni Jadice but he continued his life after that.He refrain drinking a lot.

  Iyon lang ang gabing naalala niyang hindi siya nakagamit ng proteksyon at sobrang lasing niya. So how come, nagka-anak sila ni Vienna at paanong nangyari iyon? Napasabunot siya sa mga buhok at galit na tiningnan ang babae ng bigla itong bumunghalit ng tawa. Hawak-hawak pa nito ang tiyan sa katatawa.

"Oh My Gosh, Lorcan!If you only have seen your face...You looks like pinagbagsakan ng lupa..Ha ha ha ha ha.." maluha-luha na sa pagtawa ang babae.

  Hinampas niya ang office table niya sa inis. "What is it really,Vienna?!"

  Unti-unting humupa ang pagtawa ng dalaga. "Well, it's a prank!" bumunghalit ulit ng tawa si Vienna.

  Hindi naman maipinta lalo ang mukha niya sa pangti-trip nito sa kanya. Kahit naiinis siya kay Vienna ay nakahinga naman siya ng maluwag na binibiro lang pala siya nito at wala na siyang ibang anak kundi si Garette lang.

" That's not a good joke,Vinay." sabi niya dito.

Agad sumama ang timpla ng mukha nito."Stop calling me Vinay, Lorcan. Isusumbong kita kay Ninang Xandria!" inis na pahayag nito.

Natawa naman na siya. "So what brought you here and what's with the skit a while ago?"tanong niya sa kinakapatid.

" Of course, I was just kidding you. That's so impossible kasi super intact pa ng hymen ko at huli tayong nagkasama ng matagal eh wala pa nga tayo sa puberty stage. Nagkita nga tayo sa Thailand 7 years ago but sa restaurant iyon at aksidente pagkikita lang iyon dahil doon din kami nag-lunch nila Mommy at Daddy."ngumisi ito sa kanya." So, kinabahan ka noh?"

" That's not funny, Vienna. "iiling-iling na sagot niya dito." You're still the same bully ang bratty only child I've known. "

Tumawa naman ito."Kadarating ko lang galing Australia 3 days ago at galing ako sa bahay niyo kahapon. Nandoon si Ninang at ang mag-ina mo.I've told them not to mention it to you.Close na agad kami nila Marga at Margarette.Medyo nakwento nila sa akin yung love story niyo so I've came up with an idea." tumaas ang sulok ng mga labi nito.

Tsk, hindi na talaga nagbago...

May kinuha ito sa shoulder bag nito at inilapag sa table sa harap niya." That's  my proposal,check it. Mauna na muna ako.Just call me about the details and I'm really sure that's positive."she winked at him."tumango siya. Akala niya at magpapaalam na ito pero may sasabihin pa pala.

" At pakisabi rin sa feeling Greek-God mong bestfriend na layuan niya ako. Tigilan niya ang pang-iistalk sa akin.Pakikumbinsi nalang Godbrother. "umirap pa ito.

Bago pa man ito makalapit sa pinto ay biglang itong bumukas at pumasok ang bestfriend niya.

" Hey, Lorky! "nakangising bati ng dumating. Bumaling ang tingin nito kay Vienna." Oh, you're also here, Honey? "kunwaring gulat pang tanong nito.Sinamaan nito ng tingin ang lalaki.

" Oh, so you and Avnir huh. "tudyo niya rito.

" Of course not! Over my alive voluptuous and gorgeous body!"Inirapan siya nito."Papansin lang talaga siya basta pakisabi na lang at naiirita ako sa kanya. I have to go. Ciao! "at lumabas na ito ng office niya.Napailing na lamang siya nang agad itong sinundan ni Avnir.Mula pa noon ay parang aso't pusa na talaga ang dalawang iyon.

Agad niyang tinawagan ang mag-ina niya.Gustong-gusto niya na talagang matapos ang mga gawain at bumilis ang oras para makauwi na siya kay Marga at Garette.




One more Special Chapter to go... 😉

Thank you for reading guys..Much appreciated 📖😊

Yours To Find (COMPLETED)Where stories live. Discover now