Here she comes

1.3K 23 0
                                    

Nakapag'decide na siya.Sasabihin niya na ang totoo kay Lorcan kung anuman ang nangyari 5 years ago.Binilisan niya pa ang pagpapatakbo ng sasakyan.Samu't saring emosyon ang nakapaloob sa kanya ngayon.Malapit na siya sa isa sa mga branch ng Elixir kung saan may meeting ngayon si Vernon.Desidido na din siyang papasukin ito sa buhay niya.Pero ayaw niya namang magsimula sila ng may dapat itong malaman.Mas mabuti ng malaman nito sa kanya mismo para makapagsimula na sila.Napalaki ang mata niya ng mapansing may makakasalubong siyang isang malaking truck na mabilis din ang patakbo.Agad siyang lumiko para lang bumangga pa sa isang kotse.Agad gumewang ang kotse niya at ang kasalubong naman niya ay tumilapon pa pasalpok sa isang malaking puno sa malayo.Hindi na niya nagawang makalabas sa kotse at nandilim na ang kanyang paningin.

Nagmulat siya ng mga mata at nabungaran ang mga magulang.Nagulat siya at agad na nagtubig ang mga mata.Niyakap siya ng mommy at daddy niya.Nag-iyakan sila.It's been five years.

"I'm so sorry,Hija.I'm sorry.Umuwi ka na ng bahay."nanikip ang dibdib niya dahil sa pakiusap ng ina.

"Bakit ngayon lang,My?Ilang taon na po ang lumipas.Hindi niyo man lang po ba ako hinanap?"naghihinanakit pa ring tanong niya.Tumikhim ang daddy niya at natuon ang tingin niya dito.Na'miss niya ng sobra ang mga magulang pero masamang-masama ang loob niya sa mga ito.Hindi siya tuluyang nagalit sapagkat naging maayos din naman ang buhay niya.

"Pinahanap ka namin,a week pagkatapos mong umalis.Akala namin hindi ka rin makakatiis at agad ding uuwi.Pero hindi ka talaga namin mahanap.Kahit sa mga kaibigan mo,wala rin kaming nakuhang impormasyon.I'm really sorry about what happened years ago,Margarita.Daddy mo ako.I want all the best for you.Ayokong mapariwara ka.Ayokong mawala-"naputol ang sasabihin pa sana ng daddy niya ng may pumasok na doctor.

"Mr.Lopez,gising na po ang pasyente."nagtatakang napatingin siya sa mommy niya paglabas ng daddy niya.Magtatanong na sana siya ng saktong bumukas ulit ang pinto at nagmamadaling nilapitan siya ni Lorcan at niyakap.

"God,hindi mo alam kung anung naramdaman ko ng malaman kong naaksidente ka.Tinapos ko na agad ang meeting ko with the board ng malaman kung papunta ka,only to know na nasa ospital ka na pala ng matapos kami.Nabalitaan ko pa yung car accident kilometers away from Elixir."dire-diretsong pahayag nito at hindi man lang napansin ang presensiya ng mommy niya.

"I'm okay now,Lorcan.Minor injuries lang 'to and by the way,mommy ko nga pala."itinuro niya ang ina sa binata.Namula ang mukha ng lalaki.

"Oh,I'm sorry Ma'am.I'm Lorcan Mondemar of Elixir at nanliligaw po ako sa anak niyo."Her mother chuckled.

"Nice to meet you,Lorcan.Just call me Tita Bernadette.I'm glad na nagkakagustuhan kayo nitong dalaga ka.Schoolmates kami ng mama mo."binalingan siya ng mommy niya."Sagutin mo na Hija si Lorcan para soonest eh magkaroon na din ako ng apo."kumirot ang dibdib niya sa huling sinabi ng ina.

Tumunog ang cellphone nito."Your dad.And by the way Hija,buhay ang Ate Amarrah mo.Siya ang driver ng kotseng nakabungguan mo.Someone's help her find us and they did.Magkikita sana kami sa isang restaurant hanggang sa nalaman nga namin ang tungkol sa aksidente.Pinuntahan namin agad ang pinangyarihan ng aksidente dahil tanaw namin yun.Dinescribe kasi sa amin ng tumulong sa kanya yung sasakyan so we went there quickly.Only to find out na you're there also.What a coincidence,right?Salamat sa Diyos at ligtas kayong dalawa.Pero mas malala ang pinsala ng ate mo.Pinapunta ako dun ng daddy mo dahil mukhang may problema yata."Tiningnan siya ng matiim ng mommy niya."We have a lot of things to catch up,Hija but titingnan ko muna ang ate mo,babalikan kita rito."paalam nito.

"Mom..."pigil niya sa akmang pagpihit nito ng pinto.

"What is it,Marga?"masuyong tanong ng ina.

"Can I come with you?"natigilan ang ina.

"Are you sure you're okay na?"paniniguro ng ina.

"Yes,Mom."nagpaaalam si Lorcan na ikukuha siya ng wheelchair.Tinulungan siya nitong iupo sa wheelchair pagbalik.Habang palapit siya ng palapit sa private room na inookupa ng kapatid ay kinakabahan siya.

Pagpasok niya ay nagulat siya hindi lang dahil sa nakita na niya ang kapatid kundi dahil kay Lorcan na siyang may tulak sa wheelchair na inuupuan niya.

"Jadice..."mahinang sambit nito.Nanikip ang dibdib niya ngunit pinilit niyang tingnan ang kapatid.Lumuha na ito at ibinuka ang dalawang kamay hudyat ito upang lumapit si Lorcan at nagyakapan ang dalawa.

"I miss you,Love!"umiiyak ang kapatid niya.Siya naman ay agad nanlaki ang mga mata dahil sa narinig.Masuyong hinahaplos ng lalaki ang buhok at ang likod ng Ate Amarrah niya...na si Jadice din pala.

Agad niyang pinagulong palabas ng kwarto ang wheelchair.Sobrang gulong-gulo siya ngayon.She can no longer take it.

Yours To Find (COMPLETED)Where stories live. Discover now