Mondemar Brothers

1.3K 25 0
                                    

  "Hey,Lorcan!"tawag sa kanya ng kapatid na si Lokie.

  Nauuna kasi siyang mag lakad sa mga ito papunta sa elevator.Masyado kasing maligalig ang mga ito pati na rin ang kapatid niyang si Lourde.May nakitang mga half-foreign models ang mga ito sa may lobby at nakipaghuntahan pa sa mga iyon.

  Tumingin sa likuran niya at tiningnan ng masama ang mga kapatid.Nginisihan lang siya ni Lourde at tinawanan naman siya ni Lorcan.Pinagtitinginan na sila ng mga empleyado and most of them giggles at them especially girls.Hindi na yun nakapagtataka but his brothers just love the attentions especially Lokie because Lourde still look serious like his usual while him,he just ignored it most of the time lalo na ngayon na mainit ang ulo niya.it's all because of Margarita Lopez.Alam niyang iniiwasan talaga siya ni Marga at nararamdaman niya iyon dahil obvious naman.Idinadahilan lang nito ang paggiging busy.She's been aloof too.At yun ang hindi niya maintindihan.Wala naman siyang ginawang ikaaayaw nito sa kanya.He thought they are okay at mukha naman nakukuha na niya ang loob nito.He also efforts more ngunit bakit bigla-bigla na lang itong nag bago? Ilang araw ng masama ang timpla niya dahil doon.Sinabayan pa ng dalawang kuya niya na walang ginawa kundi asaran at kulitin siya.Gustong ma'meet ng mga ito si Marga.Nakasama na rin pala nito ang kapatid na si Lourde sa isang modelling projects and he hates it.He may sounds jealous but he doesn't care a bit.

While they are in the elevator ay pansin niyang maging mas seryoso pa ang awra ng panganay nilang si Lourde at ikinataka niya dahil napansin niya itong ilang sandaling matiim siyang tiningnan. Nagkibit-balikat na lamang siya at hindi na muna pinansin ang mga ito hanggang makapasok sila sa office niya. Agad na umupo ang mga ito.

  "Did you court her because you like her or is it because she reminds you so much of Jadice?"seryosong tanong sa kanya ni Lourde.

Tinapunan niya ng masamang tingin ang kapatid.Nagtataka man sa bigla nitong pagtatanong ay sinalubong niya pa rin ang tingin ng kapatid. Nagsukatan sila ng tingin ni Lourde. Nakataas naman ang kilay ni Lokie dahil sa biglang pagkakaroon ng tensyon nilang dalawa.

  "Let's not talk about her."malamig na tugon niya sa kapatid.

  "Who?Marga or Jadice?"singit ni Lokie.

  "Why are you two so dense?"naiiritang tanong niya sa mga kapatid.

  "We're not.Kung dahil lang 'to sa ego mo,better not pursue her.You' ll just going to hurt her."ani Lourde.

  "He's right.Huwag mong gawin panakip-butas si Marga.And to remind you again,they are different people.Hindi sila iisa. Nasa itsura palang ang pruweba.Sa traits, lbaka mga medyo may pagkakapareho sila pero magkaiba ng babae sila and to remind you again,hindi lahat ng babae parehas ni Jadice."pangaral din sa kanya ni Lokie.Napakuyom siya ng kamao. It seems like pinagtutulungan pa siya ng dalawa.

  "Nandito ba kayo para sirain lalo ang araw ko?Wala kayong alam sa nararamdaman ko kaya wag niyo akong pakialaman!"asik niya sa mga ito.Binalingan niya si Lourde."Why are you so concern about her?Did you like her?You want her on tout own? Ikaw ba ang dahilan kung bakit niya ako biglang iniwasan?!"nanunuyang tanong niya dito.Kinwelyuhan siya ni Lourde.Dagling inawat sila ni Lokie.

  "Stop you,two!"awat ni Lokie sa kanila.

  "Wala akong gusto kay Marga but yes,I'm concern about her so better be sure of yourself.I may be a playboy but I never used woman for my personal reasons.She's a decent woman for all we know."nagtitimping patutsada sa kanya ng kapatid.Lumabas na ito ng opisina niya.

  Naiiling na tiningnan siya si Lokie at sumunod na sa kuya nila.Napamura siya sa galit dahil sa nangyayari sa kanya. He's so damn frustrated right now.

Yours To Find (COMPLETED)Where stories live. Discover now