Consequences

1.3K 29 0
                                    

  "Ano,Marga?Magmumukmok ka na lang ba diyan?Araw-araw ka na lang na magiging ganyan?For Godness sake,tell him the truth!May anak kayong dalawa at kailangan niya ding malaman iyon.Bawiin mo siya doon sa ate mo.Mas may karapatan naman kayo ng anak mo."sermon sa kanya ni Anfra.Pinuntahan siya ng mga ito sa condo niya dahil nalaman nito ang problema niya at talagang hindi Rin naman siya tinantanan ng mga kaibigan niya hanggang sa makapag-open up siya sa mga ito.

  "Oo nga naman.Habang siya eh nagpapasarap sa kandungan ng iba't-ibang babae throughout the years,ikaw naman tinataguyod mo mag-isa ang anak niyo.Kung nalaman ko lang noon pa na may issue pala kayo ni Lorcan at nagkaanak kayo,ako mismo ang magsasabi sa kanya kasi mukhang wala namang aasahan sayo. You're still the same Marga we've known."segunda naman ni Lyndsay at iningusan pa siya.

  Sumisinghot pa na sumagot siya."Nandito ba kayo para damayan ako o sermonan ako?"

  "Both!"sabay na sumagot ang dalawa.

  Nasabi niya na sa mga ito ang nangyari.Sinisi din ng mga kaibigan ang sarili dahil sa nalaman pero in'assure niya ang mga ito na hindi niya kailanman sinisi ang mga ito.Siya lang ang dapat sisihin sa mga nangyari.Lalo lang gumulo ang sitwasyon dahil sa paglilihim niya at ngayon nga'y mukhang inaayos na din ni Lorcan at ng Ate Amarrah niya a.k.a Jadice ang relasyon ng mga ito.Walang siya sa mood magtrabaho at lalo lang siyang tinamlayan sa araw-araw.Nasa ospital pa rin ang kapatid niya at nung nakaraan ay napilit siya ng mommy niya na sumamang dumalaw dito.Wala na siyang nagawa kundi sumama dahil ayaw niyang may mahalata pa ito.Naabutan niya ang mga itong nagtatawanan.Gusto niyang yakapin ng mga sandaling iyon ang binata pero nagpigil siya. Pinalayo niy Ana ito sa kanya at ayaw niyang magkaroon pa ng gulo.

  "I feel relieved kasi buhay siya.Pero bakit ang sakit?!Bakit parang mas okay pang hindi na lang siya bumalik..."humagulhol na naman siya ng iyak."Siguro kasi siya si Jadice, right?O dahil sa mahal siya ni Lorcan?Mahal siya ng lalaking tangling minahal ko. Mahal siya ng lalaking mahal na mahal ko!"niyakap siya ng mga kaibigan at napaiyak na rin ang mga ito ng tuluyan.

  "Everything will be okay,Marga.Kailangan mo lang maging matatag at matapang like you've used to.Alam naming kaya mo iyan. Nandito lang naman kami lagi para saiyo eh.Hinding-hindi ka namin iiwanan ni Lyndsay.Ipaalam mo na sa kanya ang tungkol sa anak niyo.Pabayaan mo siyang mag'decide.Karapatan niyang malaman na may isang Garette na nag'e'exist."sabi ni Anfra habang yakap pa rin siya.

  "But you need to face the consequences sa mga naging actions and paglilihim mo.Whatever happens,always remember na nandito lang kami huh."si Lyndsay.

  "Thank you so much,guys..."pasasalamat niya sa mga ito habang nagyayakapan at nag-iiyakan pa rin sila.

She's so lucky having them as bestfriend and she treasure their friendship since then.

Sana lang talaga ay magkalakas loob siyang sabihin ang lahat kay Lorcan. Hindi man para sa sarili niya kundi kahit para na lang din sa anak nilang alam niyang naghahanap ng kalinga ng ama nito.

Yours To Find (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon