Flashback

1.3K 34 0
                                    

  "Vernon,please come here quickly!"nagpa'panic siya habang kausap ang kapatid sa telepono.

  "Nasa trabaho ka ba?"tanong ni Vernon."I'm on my way now."

  "No,umuwi ako dito sa pad ko.Please hurry."umiiyak na pakiusap niya habang nakatingin sa umaagos na dugo sa mga binti niya.Hindi na siya halos makagalaw dahil masakit din ang puson niya.

Not my baby! NO!

Ilang minuto lang ang lumipas ay humahangos na na pumasok ang kapatid sa condo na inookupa niya.

  "Ate-"nanlaki ang mata nito."My God!"agad-agad na binuhat siya ng kapatid at dinala sa pinakamalapit na hospital.

Grabeng pagdadasal ang ginagawa niya. Ayaw niyang nawala ang anak niya. Ito lang ang tanging alaala niya mula sa lalaking minamahal.

Pagdating sa ospital ay agad siyang ini lipat sa stretcher at dinala sa emergency room.

  "The baby is safe.Buti at naagapan niyo ang bleeding. She's 14 weeks pregnant.Tinurukan na namin siya ng pampakapit but bedrest siya for atleast 1 month.Bawal siyang ma'stress and mapagod.Your sister needs to eat healthy food always. Vernon,ito ang mga vitamins na need ng ate mo for her pregnancy."sabi ng doktora na nagkataong kakilala nila.She's a Fil-Am doctor.

  "Marie,Can you do me a favor?Pwedeng bang walang makaalam nito maliban sa ating tatlo nila Vernon?"napatingin siya sa ate niya ng bigla itong magsalita.Agad nagngalit ang mga bagang niya but he control himself to burst out.

  "Okay.Makakaasa ka.Just make sure na gagawin mo yung mga paalala ko and take your vitamins regularly lalo na't hindi makapit ang baby mo."pagpayag nito sa pinapakiusap niya.Nagpasalamat silang magkapatid bago ito umalis dahil may rounds pa ito.

  "Wala ka man lang bang balak sabihin sa akin na buntis ka,Ate?Sino ang ama?"pinipilit nitong kumalma,alam niya.

  "I'm sorry,Vernon.Last week ko lang din na'confirm.And I'm sorry too,hindi pa ako ready na mag'open up sa ngayon."nakayukong sagot niya.

  "Last week mo pa nalaman pero hindi mo man lang sinabi?Ate naman,tingnan mo nga ang nangyari.Sinabihan na kita nung umpisa pa lang na hindi mo kailangan magtrabaho.May trabaho naman na ako at kaya ko namang tustusan pati ang pag-aaral mo."frustrated na sermon sa kanya ng kapatid.

  "Vernon,ayokong maging pabigat sayo.Ang dami mo na ngang naitulong sa akin eh.Nakakahiya na."napatingin na siya ng tuluyan sa kapatid.Umiiyak na din siya.Niyakap siya ng kapatid at inalo.

  "Hindi ka naman pabigat,Ate.You went through a lot.Lagi kitang tutulungan at dadamayan.At balang-araw,gagantihan ko kung sino mang gago ang nanloko at nanakit sayo."punong-puno ng determinasyong sambit ng kapatid.Hindi na lamang siya umimik.

  Sa buong mga buwan ng pagbubuntis niya ay laging nakaalalay sa kanya ang kapatid.Lahat ng mga dapat gawin at kainin para sa pagbubuntis niya ay talagang sinunod niya. Doble ingat din siya sa mga galaw niya.Sa mga ultrasounds niya at tests ay lagi din itong sumasama kapag hindi masyadong busy sa kompanya.Natapos na rin niya ang mga huling buwan sa college.Thanks to her brother.

  Ngayon ay nasa delivery room na siya.

  "Marga,one more push!"sinunod niya ang sinabi ni Marie.Hinang hina na siya pagkatapos.Hanggang sa narinig niya ang iyak ng isang sanggol.Inilagay ito ng doktora sa dibdib niya.Napaiyak siya.Her Angel and own flesh.She looks like her father,her baby...Louisse Margarette.

A.N:Please Follow,Vote and feel free to Comment if you like this story.😊

      NamShin_FARAHTALE

Yours To Find (COMPLETED)Kde žijí příběhy. Začni objevovat