Hatred

1.6K 31 0
                                    

  Madilim pa ng magising si Marga at nakita niyang mahimbing pa rin ang tulog ng katabi niya.Parang gusto niya pang magtagal doon para makasama pa ang binata ngunit alam niyang baka balewalain o magalit pa ito sa kanya kapag magising.Tiningnan niya ang wall clock at napagtantong malapit na rin magliwanag. Kailangan niya nang umalis dahil sigurado siyang lagot siya sa mga magulang niya lalong-lalo na sa daddy niya.Pupunta muna siya sa bahay nila Lyndsay dahil naalala niyang naiwan niya pala ang cellphone niya doon sa pagmamadali nila kagabi.

Agad siyang nagbanyo at nag-ayos ng sarili. Tiningnan niya muna si Lorcan na mahimbing pa ring natutulog.Hindi siya nakatiis at hinalikan niya pa ito ng magaan sa mga labi.She can't help but cry silently. This man will never be hers. Nang mahamig ang sarili ay lumabas na siya ng hotel suite na iyon.

Goodbye, Lorcan...

  Thank God at makasakay agad siya ng taxi paglabas niya sa hotel.Bumaba agad siya ng taxi at nag doorbell sa gate nila Lyndsay. Pinagbuksan siya ng mayordoma nito at kinatok niya kaagad si Lyndsay sa kwarto niyo.Pupungas pungas pa ito ng pagbuksan siya ng pinto.Nagulat ito ng mabungaran siya.

  "My God,Marga!Where have you been last night?!Hanap kami ng hanap ni Anfra sayo-"agad na tanong nito sa kanya.

  "It's a long story Lyndsay.I really need to hurry up.I'm sure I am doom.Can I get my phone?"putol niya dito.Nasa boses niya ang pagmamadali.Kaagad naman nito itong hinanap ang cellphone niya at ibinigay sa kanya kasama ng mga school things niya.

  "Gotta go.Bye!"agad na paalam niya sa kaibigan at nagmamadali na siyang umalis sa bahay nito.

  Sobrang kinakabahan siya pagbaba niya ng taxi.Nandito na siya ngayon sa harap ng kanilang mansiyon.Ang rami-raming text at missed calls ng parents niya sa kanya at sobrang galit ang mga ito lalo na ang Daddy niya.Pinagbuksan siya ng kanyang Yaya Lumeng.

  "Ay Diyos kong bata ka!Saan ka ba nanggaling?"hindi niya ito sinagot.

 " Kayla Lindsay po..."Napabuntong-hininga siya." "Ya,sila Mom at Dad?"tanong niya dito.Hindi niya maitago ang kaba at takot na nararamdaman sa mga sandaling iyon.

  "Hindi pa sila bumababa,Hija."sagot nito sa kanya na may bahid ng pag-aalala.Pagpasok na pagpasok pa lang niya sa loob ng bahay ay lumagapak agad ang pisngi niya.Napaatras pa siya sa sobrang lakas.Tiningnan niya ang Daddy niya at dagli ding yumuko.

  "I'm sorry,Dad"lumuluhang sabi niya.It hurts that her father hurt her physically but she know it hurts more inside.

  "Anong palusot na naman ba ang sasabihin mo sa amin this time huh,Margarita?!"namumula sa galit na tanong sa kanya ng ama.

  "Dad,it just that...tinapos namin kagabi nila Anfra ung project namin and late na din kaya doon na ako natulog.Na'misplace ko yung phone ko kaya di agad ako naka'contact sainyo-"hindi niya natapos ang sasabihin dahil lalong nagalit ang ama.

  "Liar!"sigaw nito kasabay ng isa pang sampal.

  "Fausto,tama na iyan!"awat ng kanyang Mommy.Napatingin siya dito,umiiyak na din ito at kita niya ang awa at disappointment nito sa kanya.

  "Starting now,grounded ka na.No phones,no credit cards.Bawal ka ng makipagkita sa mga kaibigan mo.Bad influence sila saiyo.Kababae kong tao. Gamitin mo yung utak mo.Puro kapahamakan na lang ang dinudulot mo!"sigaw nito sa kanya.

  "Puro Dad?"puno ng hinanakit na tanong niya."Gaano po ba karami iyang sinasabi niyo?Buong buhay ko,ginawa ko ang lahat para i'please kayo, di ba? Hindi niyo po ba nakikita?Is it about Ate Amarrah again?Ako pa din po ba ang sinisisi niyo?She's older than me.She better be mature and smart enough-"

  "Marga!"saway ng kanyang lumuluha na ding ina.

  "Aba't sumasagot ka pa huh.Wala ka talagang utang na loob!"nagpupuyos sa galit na bulyaw sa kanya ng ama.

  "Bakit ba hindi niyo ako maintindihan Dad?Lagi na lang siya.Kahit wala na siya,siya pa rin ang bida.Sana pala ako na lang ang nawala!"sumbat niya dito.

  "Stop with these nonsense,Marga.At kahit ano pang gawin mo,hindi mo na maibabalik si Amarrah!"matigas na sambit ng daddy niya.

  "Yeah,right...All this time,nagsayang lang ako ng efforts.Kahit ano pang gawin ko,never niyong makikita ang worth ko.You will never appreciate it all."mapait na patutsada niya dito.

  "Que barbaridad!.Wala ka talagang modo!"namumula na ito sa galit."You-"

  "I'd better leave this house,Dad.It's so suffocating here."tiningnan niya ng diretso ang daddy niya habang lumuluha. Sobrang bigay ng pakiramdam niya.

  "Lumayas ka kung gusto mo.Wag kang magmayabang at wala ka pang maipagmamalaki."matigas na sabi ng ama na lalong ikinasakit ng damdamin niya.

  "Marga,Hija...Don't do this."pagmamakaawa ng ina sa kanya.

Dire-diretso siya sa kwarto niya at nag empake ng mga damit at ibang mga gamit niya.Iniwan niya na ang credit cards niya sa kama.May ipon naman siya at pero pa sa alkansya niya. Pagkakasyahin niya na lamang iyon muna at maghahanap ng trabaho.

  "Anak,wag kang umalis.Humingi ka na lang ng sorry sa Dad mo.After all,it's your fault naman talaga.Lalamig din ang ulo ng Dad mo."pakiusap nito sa kanya ng umiiyak.

  "It's better this way,Mom.I can do this.Maybe it's my karma.Don't worry too much.And by the way,we went to the club last night.I'm so sorry,Mommy..."umiiyak na amin niya sabay yakap ng mahigpit sa ina."Always remember that I love you,Mom..."

Yours To Find (COMPLETED)Kde žijí příběhy. Začni objevovat