Chapter 36: CAPTAIN VILLAFUERTE?!

1.8K 44 2
                                    

GUMISING ako ng maaga para maghanda ng almusal habang tulog pa ang munti kong prinsipe. Nagluto lamang ako ng bacon, egg at hotdog for breakfast. Ngayon ko na lang din sya nalutuan ulit dahil nga nasa Spain ako. Namiss ko ng lutuan sya ng breakfast, lunch, meryenda, at dinner, everyday.

Napailing ako ng makitang ganon pa din ang gatas na iniinom nya. Pinabili ko si Leila ng bagong gatas para sa kanya, pero ayaw daw inumin ng bata dahil mas gusto nito ang gatas na kinasanayan nya.

"Mommy?"

Napalingon ako habang hawak ang lalagyan ng gatas nya. Suot pa din nito ang pair of spiderman pajama nya. Magulo at nakatayo pa ang buhok nito ng pumasok sa kusina.

"Goodmorning, baby."

Kinarga ko ito para maiupo sa high stool chair dahil hindi nya pa abot ang lamesa, sinadya ko talaga na bumili ng ganitong klaseng upuan para makakain ito ng maayos.

"Morning, mom. Milk please."

Naningkit ang mga mata ko ng may maalala. Itinukod ko ang siko ko sa mesa at hinarap sya.

"Binilan ka na ni Ninang Leila ng new milk diba?"

Tumango ito, habang nakikinig sakin ng maigi.

"Diba po dapat yon na ang inumin mo?" Hinawakan ko ang lagayan ng gatas nito. "This isn't appropriate for your age."

Ngumuso ito at ginamitan na naman ako ng nakapan-lalambot na tingin. Napiling ako.

"Don't used that eyes on me. Yung bagong milk mo ang tama para sa age mo, anak."

"But I want the old one."

Nilapitan ko ito at hinagod ang buhok nyang magulo.

"Paano ka tatangkad at lalaki ng mabilis kung pang three years old pa din na milk ang iniinom mo. I thought you're a big boy na?"

Tumango ito. "Okay. I'll try the new one, then."

Ngumiti ako at hinalikan ng matagal ang noo nito. I still remember the moment I asked him, why he want to grows so fast. His answer melt my heart, he said that he wants to grow up fast, because he wanted to protect me from the fans who might harass me.

Naupo ako sa tabi nito at naghain na ako ng mga niluto ko kanina para makakain na kami. Nakangiti ako habang pinagmamasdan syang maganang kumakain. Malaman ito kaya minsan ay nahihirapan na akong buhatin sya, mabuti na lang at hindi ito madalas na nagpapabuhat dahil nga big boy na daw sya.

"How's you and ninang Leila when I'm out of the country? Do you have fun with her?"

Kumagat ito sa hotdog nya na nababalot ng mustard. Inabot ko ang bibig nito para punasan ang gilid ng bibig nito na may naiwan na mustard.

"We play all day!" Bibo nitong sagot bago muling sumubo ng kanin. He can eat well by himself naman na.

Hindi ko kasi sinanay na laging isusubo na lang sa kanya ang mga bagay. Ayokong lumaki syang tamad, dahil wala naman kaming katulong dahil bawal. Si Leila ang madalas na kasa-kasama nya kapag wala ako. Kaya nga sobrang laking pasasalamat ko dito dahil lagi syang nandyan para bantayan si Josiah kapag wala ako.

I named him, Josiah Ismael. I used to call him on his first name, since don na sya nasanay. May allergies sya sa peanut at carrots, hindi ko nga alam kung saan nya namana yon o nakuha. Nagulat na lang ako nung time na nagluto ako ng menudo at sobra akong kinabahan ng nilagnat ito ng mataas at nagsusuka din sya. Nung pinacheck-up ko sya ay don ko lang nalaman na may allergies ito. He was four when I find out.

"Mommy, can we play after this?"

"Mommy is not busy today, so we can play all day long!"

Nang dahil sa sinabi ko ay naging mabilis ang bawat pagsubo nito. Tumigil lang ito ng sawayin ko. Sobrang naexcite siguro dahil sa nalaman. Wala naman akong gagawin kaya gagamitin ko ang araw na toh para makasama ang anak ko.

Until When (COMPLETED) [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon