Chapter 37: MAY KASAMANG BABAE

1.7K 37 0
                                    

KINABUKASAN ay maaga akong nagising kahit na medyo napuyat ako, hindi ako agad na nakatulog pagkauwi namin ng anak ko kagabi, dahil sa kagagawan ng ama nito. Hindi ko pa rin kasi makalimutan ang boses nito na tila ba isang musika na patuloy na tumutugtog sa isip ko. I can't forget his voice, because it felt like a first time. Sa limang taon na wala kaming koneksyon sa isat-isa, nung marinig ko ang boses nya ay tila ba hinila ako pabalik sa nakaraan.

"Alaenna?"

Bumaling ang tingin ko sa kakapasok pa lamang na si Leila. Basa pa ang buhok nito ng makita ko. Kakabalik lang nito kagabi sa flight na pinuntahan nila ni Calix. Nandito sya dahil tinext ko sya kagabi na kung pwede sana ay sya muna ang tumingin kay Josiah habang wala ako.

"Goodmorning. Salamat talaga sa pagpunta." Nakabalot pa ko ng itim na roba ng lumapit ako sa kanya dala ang isang tasang kape at inabot dito.

"Okay lang noh! Tska miss ko na din ang junakis mo." Sumimsim ito sa kape na tinimpla ko. "Saan ba ang punta mo?"

"Tumawag kasi sakin si Ms. Sasha kagabi. Pinapapunta ako sa opisina."

Wala itong sinabi kung bakit nya ko pinapapunta. Madalas kasi ay binibigyan ako nito ng isang linggong bakasyon upang mamahinga kapag galing ako sa isang meeting sa ibang bansa. Dapat ay sa susunod na linggo pa nya ko ipapatawag. Chineck ko din ang schedule ko, wala naman akong meeting o need na attend'nan na modeling event.

"Ay oo nga pala bes, may good news ako! Dapat ay tatawagan kita kagabi para sabihin sayo, pero baka abala pa kayo sa bonding nyong mag-ina kaya hindi ko na tinuloy."

Naupo ako sa harap ng couch na inuupuan nito at inayos ang pagkakatali ng roba ko. Btw, Josiah is still asleep. It's already seven in the morning, usually ay maaga itong nagigising pero kapag nakakatulog ito ng sobrang busog ay late na nagigising.

"Ano yon?"

"Chinika ko sa assistant manager ng NAIA airlines yung about sa pagpapaplano mong ituloy ang training for flight attendant." Pumalakpak ito. "And guess what? He said that it would be a great pleasure for the airline to have you as one of their flight attendants."

Nanlaki naman ang mga mata ko at inabot ang dulo ng buhok nya para hilahin yon.

"Gaga ka! Eh hindi pa naman ako sure don. Tingnan mo nga at pinapapunta pa ko ni Ms. Sasha sa office."

Baka mamaya ay magbigay ito ng bagong schedule ko o baka may runway clothes collection mula sa isang sikat na brand na nagmula pa sa Paris o sa iba't-ibang bansa. Bukod kasi sa mga design ni Ms. Sasha na sinusuot namin for modeling ay may mga modeling company rin na nakikipag collaborate sa kanya para ipakita ang mga gawang desenyo ng kompanya nila.

"Malay mo naman diba, kapag dumating yung time na pwede mo ng ituloy ang pagiging FA. Partida wala naman akong sinasabi na sa airlines ka nila papasok pero mukhang kini-claim na nila. Alaenna lang sakalam huh?"

Tumawa pa ito kaya napailing na lang ako sa mga sinasabi nya. It's also a great pleasure for me to be one of their flight attendant, but I don't want them to have a false hope, me either. I really wanted to be a Flight Attendant in the very first place, but modeling happened. I mean hindi naman sa ayaw kong mag modeling pero, argh I can't choose!

"Basta if ever na matuloy, sa NAIA ka na din magtrain. Ayaw mo ba non? Magkakasama na tayo ni Calix. Tska more income din yon para sainyo ni Josiah."

Hindi naman yon ang inaalala ko. Marami na din akong ipon para samin ng anak ko at tama naman si Leila, na makakadagdag yon sa ipon ko para samin ng anak ko, pero ang lubos na inaalala ko ay ang oras ko para kay Josiah. Kulang na kulang na nga ang oras ko para sa kanya sa tuwing may runway ramp ako o out of the country meetings and modeling ako. Paano pa kaya kapag naging FA pa ko? Baka hindi na kami magkita ng anak ko.

Until When (COMPLETED) [Under Editing]Onde histórias criam vida. Descubra agora