Chapter 44: LIZA

1.7K 38 6
                                    

Nanatili ang mariin na titig nya sakin at tila kahit na anong oras ay mababasa nito ang katotohanan sa mga mata ko dahil sa lalim ng titig nya sakin. Napapisil ako sa aking palad at dama ko na nagpapawis na ito dahil sa kaba.

"Who's Josiah?"

Mas lalo akong kinain ng matinding kaba ng ulitin pa nito ang tanong nya. Umiwas ako ng tingin at nagisip ng maaaring isagot upang hindi ito magkaroon ng kahit kaunting pagdududa.

"Boyfriend mo?"

Nasamid ako sa narinig. Mukhang lalo itong nagtaka ng mapansin ang reaksyon ko. Umayos ako ng tayo at tiningnan sya. Wth! Boyfriend huh?!

"Ahmm, Josiah is my-"

Umiling ito at umiwas ng tingin. "You don't have to answer that. Don't have to state the obvious."

Napipilan ako sa sinabi nito. Saan nya naman naisip ang ideya na may boyfriend ako? Malisyoso talaga ang isang ito! Makarinig lang ng pangalan ng lalaki ay boyfriend na agad?!

pero ano pa nga ba self? Maliban na lang kung aamin ka at sasabihin mo na ang Josiah na tinutukoy ni ate Rosalie ay anak nyong dalawa? Bahala na sya sa nais nyang isipin!

"A guy inside of your room huh? What a nice scene it is."

Seryoso ang pagkakasabi nya non ngunit ng balingan ko ang mga mata nito ay nababalot naman ang mga yon ng panguuyam. Pansin ko din ang pamumula ng tenga at leeg nito sa hindi malamang kadahilanan.

"You should go now. Josiah might waiting you to get inside of your room."

Hindi na ako nakapag-salita pa at pinagmasdan syang pumasok sa kotse ng hindi man lang ako tinatapunan ng tingin.

"AYY!"

Napapitlag ako sa gulat ng malakas na patunugin nito ng tatlong beses ang busina nito dahilan ng paglingon ng mga tao sa kung nasaan kami.

"Ivan Jace Villafuerte!!"

Hindi ko na nakita pa ang reaksyon nito dahil mabilis na umandar paalis ang sasakyan palabas ng parking area ng condo, tinted din ang sasakyan nito kaya hindi talaga mapapansin.

"Si Ms. Alaenna yon diba?"

"Hala oo nga!! Sino kaya yung gwapong lalaki na kausap nya?"

"Tara lapit tayo!!"

Agad na bumilis ang lakad ko paalis at yumuko ng makitang nagtakbukhan ang mga ito patungo sakin habang nakatutok ang kanya-kanyang cellphone sa akin. Papasok ng condo ay mas lalong dumadami ang tao na nakikihabol.

"Ay naku ma'am!! Nasan po ang mga bodyguards nyo" Napatayo ang isang guard ng mapansin ako at agad akong sinalubong. "Dito po tayo."

Hinarang ng guards ang mga tao na humahabol sakin papasok ng condo. Nagsusumigaw pa ang iba at pilit na nilalabanan ang mga guards upang makapasok.

Huminga ako ng malalim ng sa wakas ay nasa harap na ako ng condo unit ko. Nilabas ko ang key card upang magbukas ang pinto. Sa pagpasok ko ay naabutan ko si Kuya Arman na nakatayo sa harap ng aking silid at kumakatok don.

"Ano pong problema, kuya?"

Lumingon sya sakin at mukhang nagulat pa yata na narito na ako.

"Nandito na po pala kayo ma'am. Naaga po yata ang uwi nyo?"

Sa halip na tingnan ito ay dumako ang mga mata ko sa pinto ng aking silid.

"Nasan po si Josiah?"

Napatikhim ito at kumamot sa batok nito at tska tinuro ang pinto.

Until When (COMPLETED) [Under Editing]Место, где живут истории. Откройте их для себя