Monday***
Alaenna Ruiz POV
Nanlalata akong kumain ngayong umaga, Pasukan na naman kasi, dahil Lunes na. Maaga pa naman kaya okay lang na medyo mabagal akong kumilos ngayon. Medyo masakit pa rin ang mga palad ko dahil sa paghuhugas nga ng plato nung Friday.
Binitawan ko ang kutsarang hawak ko at napayuko sa lamesa. Huminga ako ng malalim at tinitigan ang Hotdog at Fried Rice na Hindi ko pa nauubos.
Ang bigat na naman ng pakiramdam ko. Feeling ko may nakadagan na maraming sako ng semento sa dibdib ko. Oo ganon kabigat. Ginulo ko ang buhok ko at pilit hinahaluglog ang utak ko.
*****
Namili kasi ako ng gulay kahapon-Dahil Linggo ay maraming kumakain sa carinderya. Madalas talagang nagkukulang ang mga rekados namin kapag linggo. At tulad ng dati inutusan ako ni Tiyang mamili ng gulay kila Aling Nena. Halos tumakbo na nga ako patungo don. Tila nakaramdam ako ng excitement dahil makikita ko ulit si Jace. Malamang ay nandon sya bilang tindero.
Hindi naman ako nagkamali ng makitang topless ito habang binubuhos ang mga patatas sa lagayan nito. Napangiti ako dahil kahit pawis na pawis sya ay ang gwapo nya pa rin.
Bumaling ang tingin nito sakin kaya kumaway ako at Lumapit na sa kanya. "Hi!" Todong ngiti ang binigay ko sa kanya. Pero mabilis na napawi ng iwasan lang ako ng tingin nito. Tumalikod sya at kumuha pa ng ibang sako ng mga gulay. Labis na nagtaka naman ako, dahil kung bakit Hindi nya ako pinapansin?
"Anong ginagawa mo dito?" Nilingon ako nito. Nabagabag naman ako ng makitang blangko lang ang tingin nito sakin ng kausapin nya ako. Napatikhim naman ako. "B-bibili ng gulay." Inilahad nya ang kamay nya sakin kaya nagtatakang tiningala ko sya. Masyado kasing matangkad eh. Hindi ko ma'reach.
"H-ha?" Parang tangang tanong ko dito.
"Listahan." Nag-mamadaling nilabas ko naman sa bulsa ko ang listahang bigay sakin ni Tiyang. Tiningnan nya ang papel na may nakalistang mga gulay. Tumango sya. Tumingin sya sa malaking bayong na hawak ko. Binigay ko ito sa kanya ng ma'gets ko ang nais nyang iparating.
Pinagmasdan ko lang sya habang busy sya sa pagkuha ng mga gulay na nasa listahan at inilalagay nya na ito sa bayong. Blangko lang din ang mukha nya habang ginagawa nya yon. Napalunok ako ng Bumaling ang mga mata ko sa abs nyang now showing ang peg! Grabe! Bakit ba ito naka-topless? Alam kong mainit pero Hindi nya ba napapansin ang mga babaeng mainit din ang tingin sa katawan nya.
Tulad mo?
Halos pukpukin ko ang ulo ko ng tila may biglang nagsalita sa isip ko.Hindi ko lang talaga mapigilang tingnan ang katawan nya plus ang gwapo nyang mukha. Nakatatawag kasi ito ng pansin.
"ALAENNA!"
Napapitlag naman ako ng marinig ko ang naiinis na sigaw ni Jace. Kung saan-saan na naman lumilipad ang isip kong ito. Dati naman puro Formula lang sa math at numbers sa utak ko tapos ngayon kung ano-ano na naiisip ko.
"ALAENNA!!!"
Mabilis na kinuha ko ang bayong. Halos mabitawan ko ito ng naramdaman ang bigat ng mga ito. Nakalimutan kong marami nga pa lang gulay ang laman nito. Sana pala ay nagpasama ako kay Ryan para ipabuhat ito.
Pero marami kasing ginagawa yon bilang waiter. Ayoko namang dumagdag sa trabaho nya. Isa pa ay sakin ito inutos ni Tiyang. Nagpakawala ako mg mabigat na hininga habang tinititigan ang bayong.
Pwede naman siguro akong sumakay sa tricycle tapos patulong na lang ako sa pagbuhat nito? Pero malapit lang ang carinderya mula dito. Sayang naman sa pamasahe.
YOU ARE READING
Until When (COMPLETED) [Under Editing]
Romance[Completed] + [Under Editing] Mataas ang pangarap ni Alaenna para sa kanyang sarili. Ulila na sya simula pa pagkabata at ang tiyahin nya ang syang tumayong magulang at syang tumutugon sa mga pangangailangan nya Hindi naging maganda at maayos ang buh...
![Until When (COMPLETED) [Under Editing]](https://img.wattpad.com/cover/161799203-64-k698894.jpg)