Chapter 3: TITIG

2.9K 103 0
                                    


"Alaenna! Bukas nga pala pumunta ka sa kabilang kanto, don kila Mang Isidro. Magbabayad na ng utang sa wakas! Ilang buwan na yung mga utang non sa carinderya. Kasing haba na ng buhok ng asawa nyang aswang yung listahan nila dito. Jusmiyo!" Mahabang litanya ni Tiyang.

Tumango na lang ako tska pinagpatuloy ang paghihiwa ng mga gulay para sa sinigang. May pasok dapat kami pero may outing daw ang mga teachers sa tagaytay. Ayos nga eh, magaaouting na lang nagiwan pa sila ng reports as a project nila.

Hindi na kami nabigyan ng pahinga. Dalawang linggo pa lang ang nakakalipas simula nung nagpasukan pero may reports agad.

*RING RING RING*

Napapitlag ako ng biglang tumunog yung cellphone ko.

Pinunasan ko ang mga kamay ko gamit yung bimpong nasa balikat ko bago sagutin yung tawag. Si Liza pala.

"Hello?" Pinagpatuloy ko ang paghihiwa ng labanos.

"ALAE?! LIBRE KA BA NGAYON?! BIRTHDAY KASI NI NANAY, DI KO NASABI SAYO KAHAPON. HINAHANAP KA NA NI LIAM, MUKHANG MISS KA NA. PUMUNTA KA DITOOO!"

Napapikit ako at muntik ko ng mabitawan ang kutsilyo dahil sa lakas ng boses nya na para bang may emergency ng nangyari.

Birthday pala ngayon ni Tita Lorna? Hindi na nasabi sakin ni bruha, sa dami nyang gustong ikwento nakalimutan nya na siguro.

"ALAE ANO NA?!?! PUNTA KA NA KASI! SIGE NAAA"

Napailing na lang ako at pansamantalang tinigil ang ginagawa ko at baka kung ano pa ang mangyari sakin dahil sa sigaw ni Liza.

"Wag ka ngang sumigaw! Hindi ako sigurado kung papayagan ako ni Tiyang eh. May sakit kasi yung Nanay ni Grace kaya wala sya. Ibig sabihin walang makakatulong si Tiyang sa carinderya kung sakaling aalis ako ngayon."

Tumawag kanina si Ate Grace para ipaalam Kay Tiyang na Hindi sya makakapasok ngayon, dahil nga may sakit ang Nanay nya at wala namang magbabantay dito. Pumayag naman si Tiyang Esme.

"Sandali lang naman Alae. Minsan lang naman ako nag-aya sayo diba? Miss ka na ni Liam eh." Liam? Kapatid ni Liza. Apat na taong gulang.

Dati kasi madalas ako kila Liza, kaya naging close ko na yung kapatid nya na madalas ko ring makalaro pag nasa kanila ako.

Bumuntong hininga ako. " Sige, I mean magpapaalam ako kay Tiyang. Alam mo naman kailangan ako ni Tiyang sa cariderya pero susubukan ko. Miss ko na din sila Tita Lorna at Tito Samuel tska syempre si Liam."

Natawa na lang ako ng magsisigaw ito dahil sa tuwa.

"Sige ah! Aasahan kita dito. Pumunta ka Alae!! Wala din naman akong makausap dito eh. Puro kumpare ni Tatay yung nandito tska may sariling mundo si Liam kasama yung mga kaedad nya."

"Susubukan ko Liza. Magpapaalam ako kay Tiyang."

Nagdrama pa ito ng saglit bago nagpaalam. Narinig ko pa yung boses ni Liam na nanghihingi ng gatas nito. Magpapaalam na lang ako kay Tiyang. Sana payagan ako.

Pinagpatuloy ko na lang ang paghihiwa at ilang saglit lang ng makita ko si Tiyang na patungo sa gawi ko. Mukhang ginagayak nya na yung mga lutong ulam.

Napatingin ako sa malaking orasan. May aalas-nueve na pala. Huminga ako ng malalim dahil may kaba akong nararamdaman. Sana ay payagan ako nito.

"Alae! Bilisan mo na dyan at ng maisalang na yung sinigang. Anong oras na! " Sasabihin ko na.

"Tiyang?" Kinakabahan talaga ako baka kasi Hindi nya ko payagan.

"Bakit? Bilisan mo na dyan! Ako na nga lang. Ayusin mo na lang yung mga mesa sa labas! Nako! Anong oras na oh."

Until When (COMPLETED) [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon