Chapter 23: LAKAN AT LAKAMBINI 2019

1.2K 44 2
                                    

Liza POV

Panandalian naming iniwan muna si Alae dahil Maya Maya pa naman Ang umpisa non, Kaya naman nagdesisyon kaming umuwi para iset-up ang gagawing suprise ni Jace sa kanya mamaya. Kung ano? Abangan nyo na lang kasi nga diba, suprise!!

Pinunasan ko Ang uling na dumikit sa siko ko, ako kasi Ang nakatoka sa pagiihaw habang si Ate Ruby naman ay sa mga lutong ulam. Si ate Gloria ang nagaayos ng kakainan para mamaya.

Habang yung mga boys naman kasama yung mga kaibigan ni Ivan ay may binili sa bayan. Hindi ko na natanong Kung ano yon.

"Matatapos ka na ba dyan, hija?"

Bumaling ako kay Ate Ruby na may bitbit pang sandok habang nakatanaw sa iniihaw ko. Tumango naman ako at nakangiting bumaling muli sa iniihaw kong barbeque at binaligtad ito para maluto din yung kabilang side. Yummy!! Halos isang balde ba naman tong barbeque na iihawin ko, tiba tiba kami dito mamaya!

"Patapos na po ito. Kayo po ba?" Patuloy pa rin ako sa pagiihaw nung tinanong ko yon. Para mapabilis na dahil baka magsimula na yung pageant baka Hindi pa kami umabot sa Entourage.

"Patapos naman na yung niluluto Kong Kare-kare. Nakapag'gisa na rin ako ng bagoong. Pagkatapos ay umalis na tayo." Wow!! Ang saraaaaap!! Alam nyo bang isang alamat itong si ate ruby pag'dating sa pagluluto dahil panalo talaga yung mga lasa ng luto nya. Hindi na tuloy ako makapaghintay na makakakain ng Kare-kare na niluluto nya!!

Ilang minuto lang naman nang sa wakas ay matapos na ako sa pagiihaw ganon din si Ate Ruby. Tinulungan ko na din sya sa paggagayak nito sa mahabang lamesa sa labas kung saan gagawin ang celebration. Isa isa naming nilabas Ang mga lutong ulam at kanin na rin bago Ito takpan. Stainless naman Ang lalagyanan nito kaya hindi Basta basta lalamig.

Nang matapos Ang pag'aayos ng pagkain ay pumanhik na kami para muling mag'ayos at hinintay sila Xaiden para sabay sabay na kaming umalis.

PINAPAIKOT ko na sa aking daliri ang nakausling sinulid ng aking gown na syang madalas kong gawin kapag nakakaramdam ako ng kaba. Nagsisimula na ang individual Entourage ng mga Candidates. Inayos ko ang number ko which is pang number #19 kaming dalawa ni Jace. Pag tinawag na yung number namin ay sabay kaming lalabasa sa magkabilang side ng stage.

"CANDIDATES NUMBER #15. A BIG HAND PLEASE!!"

Napasilip ako sa labas at mas lalong lumala Ang kabang nararamdaman ko dahil ang daming tao. Like punong puno yung gym. Hindi lang kasi mga studyante ng school namin ang narito ngayon, pumagay kasi Ang school na magpapasok ng out sider kaya naman mas lalo akong kinakabahan.

Isama mo pa yung hindi ko makita sila Liza. Ang Sabi sakin ni Jace ay umalis lang daw saglit ngunit hanggang ngayon ay wala pa sila. Hindi rin sumasagot sa tawag ko. Mas lalo tuloy akong kinakabahan dahil walang susuporta sakin, tska para sa kanila Ang laban kong ito.

"ALAE!!"

Tila nakahinga ako ng maluwag nang makita Kong pumasok sa pinto sila Liza, kasama nya sila Ate Ruby na nakangiti sa akin. Ngumiti naman ako pabalik dahil nakaramdam ulit ako ng confidence ng makita sila. Akala ko ay hindi na sila babalik.

Lumapit sa akin si Liza at agad na inayos Ang gown kong medyo nalukot na dahil kanina pa din ako lakad ng lakad dahil sa kaba. "Maupo ka nga muna. Mag re'touch ka na dahil malapit na kayong lumabas." Naupo naman agad ako at tinanggap Ang nilahad na tubig sakin ni Ate Ruby. Nilabas na ni Liza ang mga make up na nasa loob nang kanyang bag ay sinumulan na akong muling ayusan. Hindi naman nahulas yung make up ko kahit na pawisan ako kakalakad.

"Mabuti na Lang at Hindi masyadong nagulo ang make up mo. Fresh ka pa rin naman pero mabuti nang mas maganda at mas fresh ka paglabas mo mamaya, at para mas lalong mainlove si Jace sayooo!"

Until When (COMPLETED) [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon