Chapter 22: MANALO O MATALO

1.1K 44 2
                                    

(A/N: Mahaba po ang chapter na ito. Thank you💓)

DUMATING na nga ang kinakatakutan kong araw. Ang araw na haharap ako sa madaming tao at ang araw na ilalabas ko ang malupitan at naguumapaw kong confidence sa lahat ng Tao.

Matagal kaming nag-ensayo para dito kaya naman ibibigay/ilalabas ko na ang lahat ng makakaya ko ng sa ganon ay Hindi masayang ang pagod ko at ang pagod ng mga taong tumulong sa akin.

KASALUKUYANG Nakalaglag ang panga ko habang nakatulala sa isang ingrandeng gown na tila ba ito ang sinusuot ng mga Mayayaman. Pink Lace Embroidery Off Shoulder Tull Ball Gown-Ang siyang susuotin ko mamaya para sa pageant. Ito yung pang entourage ko. O diba? Pangalan pa lang panalo na!!

"Grabeee!! Ang Gandaaa!" Tila may heart sa mga matang sigaw ni Liza at tumatalon-talon pa.

"Sabi ko naman sayo, Liza. Iyan ang suot ko bilang Reyna Elena nung araw. At yan yung suot ko nung naging nobyo ko si Mario." Kinikilig pang ani ni Ate Ruby.

"Mabuti na lang. Akala ko mawawala na ako sa katinuan kapag walang nasuot itong si, Alae." Tila nakahinga ito ng maluwag. "At mas maganda yan kaysa don sa ipapahiram ko sayo." Pinagmasdan nito ang gown.

"Hindi na ako makapag'hintay na makitang suot mo yan! Tapos nakaayos ka pa. Siguradong luluhod lahat ng lalaking makakakita sayo." Exaggerated na singit ni Ate Gloria.

"Nag'search na ako sa magiging ayos ng buhok mo. Make up? Ayos na rin." Binutingting nito ang cellphone nya.

Excited na talaga ako mamaya kahit medyo kinakabahan ako. Baka kasi madapa ako at mapahiya na naman. Well, sanay naman na akong mapahiya sa harap ng madaming tao. Ang kinakatakot ko lang ay Baka dahil sa pagiging clumsy ko ay mapahiya din si, Jace.

Speaking of Jace. Ano kayang magiging reaksyon nya pag nakita nya ako mamaya? At palaisipan din sakin kung anong suot nya mamaya, pero I'm sure na gwapo sya! Lagi naman.

"Maligo ka muna, Alae para mabilis ng matuyo ang buhok mo. At para makapag-ayos ka na."

Tumango naman ako at nagpakawala ng mabigat na hininga bago kinuha ang towel ko.

Jace POV

MAGKASALUBONG ang mga kilay ko habang pinagmamasdan ang mga damit na nilalabas ni Xaiden sa kanyang magarang closet. Paano namang hindi ako masusura eh tingnan ko pa lang ang mga damit na nilalabas nya ay init na init na agad ako. Palibhasa mayayaman sila kaya sanay sila sa mga ganyang damit.

Laging aircon kasi. Eh ako? Mas malakas pa ihip ko kaysa sa electric fan namin na kahit nakapihit pa sa number 3. Mas sanay akong nakahubad baro kaysa sa ganyan.

"Wala bang sleeveless dyan?"

Nakasimangot na huminto ito sa paglalabas ng damit at lumingon sa akin. Tumingon ito sa akin na tila ba ako ang pinaka'weird na taong kilala nya. Bakit? Wala bang ganon. Eh sa naiinitan ako sa mga ipapasuot nya sakin.

"Seriously, bro?" Sumandal ako sa mabalahibo at malambot nyang sofa dito sa loob ng kwarto nya at bored na tumango. "Terantado ka ba?" Umirap ako dito dahil may accent pa nya itong tinanong.

"Its 'Tarantado' nots 'Terantado'. At Hindi ako ganon." Sya naman ang umirap ngayon bago lumapit at hinagis sakin ang white long sleeve na polo at black na slacks. " 'Not' not 'Nots'." Tumawa lang ako.

"Alam ko. Sinadya ko yon, Okay?"

"Sinadya your a-ss."

Nagkibit balikat na lang ako sa mga pinagsasabi nito at nalukot ang gwapo kong mukha habang tinititigan ang hinagis nito sa akin.

"Wala na bang mas iinit pa dito?" Sarcastic na tanong ko dito.

"Wala pang nagsusuot ng Sleeveless sa mga pageant."

Until When (COMPLETED) [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon