VI

1.1K 22 2
                                    

Bigla akong nagising sa kama na hindi pamilyar, nandito pala ako sa clinic ng kampo. Bumungad sa akin ang mga nag-aalalang mukha ng aking mga kapwa sundalo, si Lieutenant Vincent, Tyler, at si Capt. Vhal. Napansin nilang gising na ako kaya dali-dali silang lumapit sa akin para itanong kung kamusta na ang aking pakiramdam.

"Eraleyz, mabuti naman at nagising ka na. Kamusta na ang pakiramdam mo?" nagaalalang tanong sakin ni Lieutenant Vincent.

"Ayos lang naman po ako, baka po nasobrahan lang ako sa pagod kaya nawalan ako ng malay kanina." nakangiti kong tugon sa kaniya.

"Eyz, tinanong namin kanina sa doktor kung ano ang lagay mo at sinabi niya sa amin na nawalan ka ng malay kanina dahil sa sobrang pagod at kakulangan sa pahinga." malumanay na sabi sakin ni Tyler.

"Isa pa, 'wag mo masyadong papagurin ang sarili mo. Kita mo yung nangyari sayo, nawalan ka pa ng malay. Alam mo bang alalang-alala kami sayo kanina? Halos 'di kami mapakali hangga't di ka pa nagigising." dagdag pa niya at inabutan ako ng baso na may lamang tubig.

"Pasensya na kung pinag-alala ko pa kayo. 'wag kayong magalala dahil hindi na ito mauulit. Maraming salamat dahil tinulungan niyo ako." nakangiti kong pasasalamat sa kanila. Nakakatuwa namang isipin na iniisip talaga nila ang kalagayan ko.

"Iwan niyo muna kami ni Lieutenant Corazon, may importante kaming paguusapan." biglaang sabi ng aming kapitan.

Pag-uusapan? Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

Sunod-sunod namang lumabas ang aking kapwa sundalo dahil sa iniutos sa kanila ng aming kapitan.

"Ano ho yung pag-uusapan natin?" tanong ko ng hindi nakatingin sa kaniya.

"Kamusta na ang pakiramdam mo?" mahina niyang tanong.

"Ayos lang po."

"May napansin akong kakaiba sayo Lieutenant Corazon, pwede ko bang malaman 'yon?" tanong niya sa akin habang palakad-lakad sa loob ng kwarto.

"Ano pong problema? Wala naman po akong problema ngayon, Capt. At kung meron man po, ililihim ko na lamang 'yon sa sarili ko."

"Sinasabi ko na nga ba na may kakaiba talaga sayo, pero ikaw ang bahala. Hindi ko na pipilitin na alamin kung ano man 'yon."

Lumabas na siya ng kwarto. Napansin ko na malayo na ang kanyang nilalakad nang maramdaman kong sumikdo ang puso ko.

Bakit ganito? Mas lalo kong nararamdaman na may namumuong agwat na sa aming dalawa ng aming kapitan.

"Eyz, kapag may problema ka, nandito lang ako palagi. Pwede mo akong sabihan." rinig kong sabi ni Tyler. Nagulat ako nang nagsalita siya dahil parang kanina lamang ay nasa labas pa sila ng kwarto.

"Ayos lang ako, Tyler. Wala naman akong problema. Eto oh, masaya ako." pagngiti ko sa kaniya na napipilitan. Ayos na 'to, kahit pilit akong ngumiti dahil ayaw ko naman na magaalala pa siya sa akin.

Fight For You (Military Series #1)Where stories live. Discover now