XXXI

552 12 0
                                    

Pagkatapos naming mag-training ay dumiretso na kami agad ni Athena sa kanyang tinutuluyan para matulog na rin. Gusto niya pang makipagkwentuhan sa akin pero sinabihan ko siya na magpahinga nalang kaming dalawa dahil may party pa siya bukas.

Nakatulog naman agad ang kasama ko habang ako ay nagpapaantok pa. Hindi ako makatulog kaya napagpasyahan ko na makinig muna ng kanta para makatulog na rin ako.

Nakapangatlong kanta na ako nang naramdaman ko na hinihila na ako ng antok hanggang sa nakatulog na ako.

Kinabukasan ay maaga kaming nagising ni Athena, bandang alas-sais palang ay nagising na kami. Wala kaming pasok dahil sa birthday party niya na mamaya na gaganaping gabi. Inaya niya ako na mamili muna ng pagkain at pang-stock sa kusina dahil wala na rin siyang supply ng pagkain.

Nagpalit ako ng t-shirt dahil nakasando ako kanina samantalang 'di ko na pinalitan ang suot-suot kong pajama.

Habang nagbibihis ako ay may nakita akong family picture sa kwarto niya. Kitang-kita roon ang makisig niyang ama na mayor ng bayan namin.

Kitang-kita sa uri ng pananamit niya at ng kaniyang pamilya na may ipagmamalaki talaga sila sa lipunan at sumisigaw sa litrato nila ang salitang "kapangyarihan" at "kayamanan"

Pagkatapos naming mag-ayos, umalis agad kami ni Athena at dumiretso na sa bilihan upang makapaghanda na rin kami ng agahan namin.

Habang namimili siya ng pagkain ay kumuha rin ako ng lagayan para doon ilagay ang mga bibilhin ko. Habang pumipili ako ng pagkain ay naramdaman kong tumunog ang telepono ko sa aking bulsa.

Tumatawag pala si Vhal kaya agad kong sinagot.

"Hello." bati ko.

"Hi, good morning." sabi niya.

Hala siya, bakit ang ganda ng boses nitong lalaking 'to? Ang sarap namang pakinggan.

"Nasaan ka?" tanong niya.

"Nandito kami sa supermarket ni Athena kasi may bibilhin raw siya dito." nilakasan ko ang aking boses dahil ang ingay dito sa loob ng pamilihan.

"Ok, ingat kayo ha. Kumain ka na ba ng agahan mo?"

"Hindi pa, magluluto pa lang kami mamaya pagka-uwi namin."

"Ikaw ba? Kumain ka na?" tanong ko naman.

"Hindi pa, may tinatapos lang akong papeles dito." sagot niya.

Napakabusy niya talaga noong mga nagdaang araw hanggang ngayon. Sabagay, kapitan kasi namin siya sa kampo kaya mabigat talaga ang trabaho niya.

"Ipagluluto nalang kita ng agahan mo at dadalhin ko dyan sa opisina, ayos ba?" alok ko dahil naaawa naman ako sa kaniya na nalilipasan na ng gutom dahil sa tambak niyang gawain.

"Oo naman, aantayin nalang kita dito."

"Sige, sige. Bye, Vhal."

Pinatay ko na ang tawag nang bigla akong hinawakan ni Athena sa balikat. Tuwang-tuwa pa siya sa reaksyon ko dahil gulat na gulat talaga ako.

"Sorry Eyz, gusto lang talaga kita gulatin." sabi niya sa akin habang tumatawa.

"Wala 'yun, ayos lang." sagot ko nalang. Hindi pinahalata ang pagkailang dahil sa ginawa niya.

"May napili ka na ba sa bibilhin mo?"

"Oo ayos naman na 'tong binili ko, magluluto lang naman ako ng almusal natin." sagot ko.

"Sige, alis na tayo para makapagpahinga uli tayo bago yung party ko mamaya." aya niya.

Pagkarating namin sa tinutuluyan niya ay agad ko siyang tinulungan sa pag-aayos ng mga binili namin para matapos agad yung ginagawa naming dalawa.

Fight For You (Military Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon