VIII

1K 19 4
                                    

Eraleyz Whelmina!" sigaw ni Tyler.

Dire-diretso lang ako sa paglalakad at 'di ko pinansin ang kanyang pagtawag.

Naramdaman ko nalang na hinawakan niya ang aking kamay at yumakap siya sa akin. Nang dahil sa ginawa niya ay lalo akong napahagulgol sa mga bisig niya.

"Iiyak mo lang, nandito lang ako palagi para sayo." bulong ni Tyler habang pinapakalma ako.

Nagpatuloy ako sa pag-iyak at paghagulgol dahil sa sakit at inis na nararamdaman ko. Bakit kasi ganoon magsalita ang aming kapitan? Hindi ko talaga inaasahan na sasabihin niya ang masasakit na salita na 'yon.

"Eraleyz, anong nangyari? Pwede mo bang sabihin sa akin?"

Hindi ko masabi ang pagtatalo namin ng aming kapitan kaya umiling nalang ako. Tsaka, wala naman siyang kinalaman sa isyu na 'yon at ayaw ko siyang madamay sa ginawa ko.

"Eyz, sabihin mo na, nagmamakaawa ako." pakiusap niya.

"Hindi ko alam na ganoon ang magiging reaksyon niya. Naligo lang naman tayo pero ang sakit na ng mga sinabi niya." naalala ko na naman ang pangyayari kani-kanina at muli na naman akong napahagulgol.

"Isa pa, bakit ganun siya magsalita? Para akong isang kriminal na nakagawa ng kasalanan sa tono at akusa niya sa akin."

"Ang pinakamasakit, akala niya ay isa akong babaeng madaling makuha, alam mo naman Tyler na hindi ako ganoon 'di ba? Pero bakit ganoon ang naiisip niya?" patuloy ko pa habang humahagulgol.

"Dito ka muna, may pupuntahan lang ako." sabi ni Tyler.

"Ha? Saan ka naman pupunta?" kinakabahan kong tanong.

Nararamdaman kong pupuntahan ni Tyler ang aming kapitan kaya nakaramdam ako ng kaba lalo na makikita ang galit sa mga mata niya na ngayon ko lang nakita.

"Hindi ka niya dapat pinagsasalitaan ng ganoon, espesyal ka sakin Eyz kaya ayoko ng may nananakit sayo."

"Tyler, hayaan mo na siya, ayoko ng gulo. Isa pa, kapitan natin siya kaya ayokong madamay ka."

"Wala akong gagawing masama, kakausapin ko lang siya kaya 'wag kang mag-alala." pagpapakalma niya sa akin. Lumayo na siya sa akin at nagsimula nang maglakad papalayo. Gusto ko siyang pigilan kaya sinundan ko siya.

"Tyler, 'wag ka nang pumunta doon, hayaan mo na. Ayos lang naman ako."

"Eyz, pinagsalitaan ka niya nang masakit na salita tapos ayos lang sayo?"

"Kaya ko namang tanggapin yung mga sinasabi niya, kaysa naman madamay ka."

"Wala akong gagawing masama, gusto ko lang tanungin kung bakit niya nasabi sayo 'yun." paniniigurado niya sa akin.

Ngumiti nalang ako at hinayaan ko na siya sa gusto niyang gawin. Nagsimula na rin akong maglakad para bumalik sa tent at makapagpahinga dahil sobrang bigat na rin ng nararamdaman ko.

Fight For You (Military Series #1)Where stories live. Discover now