XXIII

639 13 3
                                    

Pagod na pagod ako pagpasyal namin nila Mama at Athena. Pero silang dalawa? Ayun, sige pa rin kakapasyal at punta kung saan-saan.

Napuntahan na namin ang supermarket dahil bumili si Mama ng stock ng pagkain at iba pang kailangan sa bahay.

Napuntahan na rin namin ang kainan at busog na busog ako kakakain ng paborito kong ulam na caldereta. Sa itsura naming tatlo, mas magmumukhang mag-ina si Mama at si Athena dahil parehas na parehas pa sila ng interes. Samantalang ako, walang kagusto-gusto sa mga ganyang bagay.

Kaya nung nagpaalam si Mama na pumunta daw kami sa bilihan ng make up ay tumanggi na ako dahil mas gusto ko maglibot-libot sa bilihan ng libro.

"Dali na Eyz, saglit lang naman tayo." pagpupumilit pa rin ni Athena.

Hindi ako naniniwala sa saglit na sinasabi niya dahil kanina rin sabi niya saglit lang raw kami pupunta sa bilihan ng damit. Pero inabot kami ng dalawang oras kakapili ng bibilhin nilang damit ni Mama.

"Dadaan nalang ako sa bookstore, may bibilhin rin po kasi akong libro, Mama. Kayo nalang po ni Athena ang magsama at it-t-ext ko nalang po kayo kapag nakabili na ako." paalam ko.

Wala nang nagawa ang Mama ko kaya tumango na rin siya. Si Athena naman ay mukhang natalo sa lotto sa itsura ng mukha niya. Masaya ako dahil ako na ang nanalo sa aming tatlo.

Naghiwalay na kami nila Mama dahil magkaibang lugar ang pupuntahan namin, agad akong dumiretso sa book store at hinanap yung mga libro na nais kong bilhin.

Nanlumo naman ako nang makita na ni isa sa mga gusto kong libro na bilhin ay wala na silang stock at ubos na. Kapag minamalas ka nga naman.

Naghanap nalang ako ng ibang libro na bibilhin para mauwi ko sa kampo dahil lahat rin ng dala kong libro ay nabasa ko na.

May nahanap naman akong 3 libro na iba't ibang genre: Action, Thriller at Historical. Kinuha ko rin ang makapal na libro ng World War II dahil nung nakaraang bumili ako ng libro ng WWI ay ubos na ang libro ng WWII. Ayos na rin 'to.

Mabilis akong nakabili ng libro. Sa tingin ko ay 'di pa tapos bumili sila Mama kaya pupunta nalang ako sa bilihan ng cookies and candies para ipasalubong kay Tyler.

Nabanggit niya kasi dati na mahilig raw siya sa matamis, nagtaka naman ako dahil karamihan sa mga kalalakihan ay ayaw ng matatamis. 

Binili ko ang dalawang balot ng cookies, Isang mahabang cake at 3 malalaking lollipop. Ewan ko nalang talaga kung 'di pa sumakit ang ngipin niya sa kakakain ng matatamis. 

Sunod ko namang gustong bilhan ng pasalubong ay si Capt. Naalala ko na naman ang sinabi niya sa akin kaya agad na namula ang aking mukha at ramdam ko na sobrang init nito.

Iniisip ko pa kung ano ang mga nais ng kapitan namin nang saktong tumawag siya sa akin.

"Hello?" sagot ko sa linya.

"Lt. Corazon, nais ko lamang ipaalala sayo na 'wag kang pumunta kung saan saan." 

Fight For You (Military Series #1)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt